Nanggaling kay Kylie Padilla ang pag-aming may pagkakataong nagselos siya sa mga kuwentong narinig niya tungkol sa pagiging malapit ng kanyang mga anak na sina Alas at Axl kay AJ Raval.
Si AJ ang kasalukuyang kinakasama ng estranged husband ni Kylie na si Aljur Abrenica. May tatlo na silang anak.
Naganap ang rebelasyon ni Kylie sa panayam sa kanya sa Your Honor, ang programa nina Chariz Solomon at Buboy Villar na napapanood sa YouTube channel ng GMA-7 na YouLOL.
Read: Kylie Padilla reacts to her sons bonding with AJ Raval’s daughter
KYLIE ON HER SONS' RELATIONSHIP WITH AJ
Naging matapat si Kylie sa pagsagot nang kumustahin ni Chariz ang relasyon ng kanyang mga anak kay AJ.
Saad ng Kapuso actress: “Ever since naman, okay sila.
"Ever since naman talaga, welcoming si AJ, kasi nga nanay din siya, di ba?
"Naririnig ko nga na lagi silang nagyayakapan, naglalambingan.
“E, gusto ko yon, kasi the more love that my kids can get from people who love them authentically, go!
"Gusto ko yon para sa kanila para maramdaman nilang buo pa rin sila."
Pero kasunod nito ang pag-amin ni Kylie na hindi ito naging madali para sa kanya.
Pagtatapat niya: "Pero hindi ko sinasabing madali sa akin yon, ha?
"Nagselos din ako for a time. Meron akong pinagdaanan na ganoon.”
Natawa pero nakiayon si Kylie sa paniniwala ni Chariz na mas malapit sa mga nanay ang mga anak na lalaki, pero medyo naeskandalo ang aktres sa sumunod na sinabi ng TV host-comedienne.
Walang prenong sabi ni Chariz: “May maternal bond na hindi mo matatanggal. Kumbaga, t*m*d niya yon, pero ako yung nanay, sa akin siya lumaki.”
Natatawang reaksiyon ni Kylie: “The boys talaga are malapit sa nanay.
"Di ba, may kasabihan nga na ang boys, first love is yung nanay nila; ang girls, ang first love is yung tatay nila.”
Read: Kylie Padilla, matagal nang alam ang rebelasyon ni AJ Raval
KYLIE'S CO-PARENTING SETUP WITH ALJUR
Ibinahagi rin ni Kylie ang co-parenting setup nila ni Aljur at ang pagsundo ng aktor sa kanilang mga anak tuwing weekend para magkasama ang mag-aama.
“Okay naman kami on that part," sabi ni Kylie.
"May pinag-usapan na amount every month pero nagtatanong din naman siya.
"Half kami sa school fees. If ever may hospital fees, nag-o-offer naman siya.
“Holidays, gusto ko Christmas, sa akin. Gift-giving, family di ba? Bonding.
"Then, I give New Year sa kanya."
Pagpapatuloy ni Kylie: “I asked my kids kung ano ang gusto nilang gawin, like binibigyan ko sila ng choice.
"'Ano bang gusto ninyong gawin? Do you want to do this? Gusto ba ninyo sa tatay ninyo?'
“Gusto ko rin na masanay silang may say sila, kasi kita ko naman na mas umokey ang relationship nila sa tatay nila now.
"So, kapag nagsasabi ng ‘I miss Papa,’ kahit wala sa plano, ipapadala ko na doon.”
Naghiwalay sina Kylie at Aljur noong 2021.
Makaraan ang apat na taon, saka lamang nabuo ang kanilang pamilya nang manood sila ng circus show noong Agosto 2025.
“First time namin lumabas together," ani Kylie.
"Bittersweet kasi yung mga anak namin, ang saya-saya na magkasama kami.
"Pero happy ako na open rin si Aljur na gawin yon kasi that’s a core memory for my children, sobra.”
Read: Kylie Padilla, Aljur Abrenica treat their kids to circus show
ALJUR ASKING KYLIE ABOUT HER SUITORS
Ikinuwento rin ni Kylie na nagulat siya nang magtanong si Aljur tungkol sa mga manliligaw niya.
Saad niya: “Para naman kaming magtropa. Nagbibiruan pa kami.
"Matagal nang nangyari yung nangyari sa amin so napag-heal na ako.
“Sabi ko talaga, 'Itong taong ito, minahal ko rin naman at maayos naman siyang tao.' Yun na lang ang nakikita ko sa kanya.
“Yun nga yung inilagay ko sa isip ko na parang, 'Okay, tanggalin na natin. I will appreciate lahat ng maganda.'"
Pagpapatuloy ni Kylie: “Nung nag-circus, hindi ko alam kung nagtanong siya or I brought it up, I don’t know…
"Parang sinabi niya lang na, ‘O, mag-ingat ka sa mga manliligaw mo, ha?’ Kasi alam niya single ako.
“Tapos may nabanggit ako na manliligaw, nagbigay siya ng opinyon. Feeling ko naman, may point siya,
"Yung relationship kasi namin, talagang naghihiwalay kami, tapos nagbabalikan.
"Naging friends kami during that time. Naging mag-tropa talaga kami. Yun ang nawala na sad.
"Pero nung nag-circus kami, lumabas yung bond namin na ganoon na tropa kami.
"Ngayon, hindi na masyado. Professional level lang."
Read: Is Kylie Padilla still in a relationship with "Tattoo Guy"?