PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rosanna Roces talks about "Manila" co-star and producer Piolo Pascual

Rosanna wishes to receive an award from Young Critics' Circle.
by Glen Sibonga
Published Sep 5, 2008
"At least kahit nagka-apo na ako, hindi ko man siya maka-love team, nakasama ko pa rin siya sa pelikula. Kahit mother role, ang anak mo naman, as in BY, guwapo, di ba?" says Rosanna Roces about Piolo Pascual, her co-star in "Manila" who also co-produces the movie.

Matapos ang mga eksplosibong interview ng Juicy at PEP (Philippine Entertainment Portal) sa controversial actress na si Rosanna Roces tungkol sa mga intriga sa kanya, nakapanayam din ng PEP si Osang tungkol naman sa pelikulang pinagsasamahan nila ni Piolo Pascual, ang Manila, na pinagbibidahan at co-produced ng matinee idol.

Twinbill ang indie movie na ito, na sinasabing remake ng mga pelikulang Manila by Night ni Ishmael Bernal at Jaguar ni Lino Brocka.

"Hindi siya remake, tribute ito kay Bernal at kay Brocka. Itong Manila nga, naloka ako, kasi siyempre hindi mo naman alam sa una kung sino ang cast, di ba? Na-surprise ako, kasi nandun si Jon Avila, Angelica Panganiban, Iza Calzado, William Martinez, Marissa Delgado, John Lapus. Dun din sa Jaguar side, sina Alessandra de Rossi, Jay Manalo, hindi rin basta-basta ang cast. Parang hindi nga indie, e," lahad ni Osang.

Nanay ng Piolo karakter ang role na ginagampanan niya sa Manila. Paano niya nakuha yung role?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Butch Francisco yung tumawag sa akin. Siya yata yung kinontak ni Noel Ferrer. Siyempre film critic, sabi niya sa akin, ‘Wag mo itong tatanggihan.' Saka aminin natin yung mga pinagmulang pelikula niyan [Manila by Night at Jaguar] talagang critically-acclaimed, award-winning. Sino ba naman ako para tumanggi sa ganyang proyekto? ‘Tapos, may mga nagsasabi sa akin na, ‘Hay naku huwag mong tanggapin. Maliit lang ang budget niyan.' Ang sagot ko sa kanila, ‘Hay naku, kahit yata libre, tatanggapin ko pa rin ito.' Ang daming artistang magpapakamatay para makuha ang role na ito at makasama sa pelikulang ito. Hindi pinag-uusapan ang pera rito, kundi yung role."

Originally, si Charito Solis ang gumanap sa role ni Osang sa Manila. Ano ang feeling?

"Siyempre flattered."

Choice daw talaga siya ni Piolo para sa role na ito.

"Yun nga ang ipinagpapasalamat ko, e. At least kahit nagka-apo na ako, hindi ko man siya maka-love team, nakasama ko pa rin siya sa pelikula. Kahit mother role, ang anak mo naman, as in BY, guwapo, di ba?" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang masasabi niya kay Piolo bilang co-actor at producer?

"First time naming magsasama. Magaling siya, sensitive. Hindi kayo kailangang mag-usap para magawa n'yo yung eksena. Ready siya lagi. At hindi n'yo kailangan ng usapan. Kakausapin kayo ng direktor. ‘Tapos pag-roll na ng eksena, magugulat ka, ang galing niya.

"As a producer, wala akong masasabi, organisado lahat. Una naman tinitingnan natin yung pagkain, di ba? Maayos na maayos yung pagkain. Nag-shooting kami sa Baclaran, ang dami kong escort, protektado talaga. Ang mga artista hindi napapabayaan. Yung iba, tipong bahala ka na diyan. Siya hindi, masarap siyang maging producer."

Ano ang feeling na nagbabalik pelikula na siya after so many years?

"Siyempre noong una, nakakakaba dahil iba yung film talaga, e, 16 mm kami. Iba kasi kapag nasanay ka sa TV. Yung mga artista umaanggulo. Yung unang gabi ng shooting nakakakaba. Unang eksena, bugbugan agad," kuwento niya.

BUGBUGAN SCENE. Totoo bang nagkasakitan talaga sila sa "bugbugan" scene nila ni Piolo?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Oo, tatlong atake yung pinagawa sa amin. Yung isa marahas talaga. E, ang haba pa naman, mula taas ng ospital kakaladkarin ko talaga siya. Mapapagod ka talaga. Siyempre first time namin, wala pa kaming back story. Parang ang hirap isipin na anak ko ito, ‘tapos gugulpihin ko.

"Magaling si Piolo. Siyempre ginalingan ko rin. Ayoko rin kasing mapahiya. Kasi ako talaga yung pinili niya para maging nanay niya, di ba? Ayoko ring mapahiya kay Piolo at sa dalawang direktor namin [Adolf Alix at Raya Martin]. At saka nagapapasalamat nga ako sa kanila na hindi sila naniniwala sa tsismis na pasaway raw ako sa set, ‘tapos kailangang ibunton sa isang tao ang pagkakamali ng iba.

"Gaya kay Anita Linda, ang sabi nila, ulyanin na. Pero kinuha ni Direk Adolf, ginawa yung Adela. Itong mga taong ito yung masarap kasama kasi binibigyan ka nila ng importansiya, at na-feel ko talaga yun."

Marami ang nakapansin na talagang lalong naging mahusay sa pag-arte si Rosanna, maging sa mga teleseryeng ginawa niya. Paano nga ba siya gumaling nang ganito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro sa experience sa buhay," sagot niya. "Kung wala kang masasakit na karanasan, hindi ka magiging magaling na artista. At saka kailangan may konting topak sa ulo. Lahat naman ng artista may kanya-kanyang topak. At least naman ako ‘pag tinopak, nagrebelde, napapagaling yung ginagawa ko.

"Ako kasi, ang gusto ko yung nahihigitan ko ang akting ko. Gusto ko pataas nang pataas. Pero minsan nagugulat din ako, kasi siguro nasosobrahan na rin ako sa mga nangyari sa akin, ang dali ko tuloy humugot. Hindi gaya ng iba, walang paghuhugutan."

So, sa tingin ba niya posibleng manalo siya ng award dito?

"Hindi ko na iniisip yun. Ang target ko rito, yung audience sa abroad, kasi nga isasali ito sa mga international film festivals, e."

Pero inamin din ni Osang na wish niyang makakuha ng award sa Young Critic's Circle.

"Sila kasi yung nakatingin sa akin, e. Sila yung hindi naniniwala sa tsismis, pero ang tinitingnan yung improvement mo sa akting. Saka kapag nakakuha ka noon, bongga!" bulalas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May gagawin siyang another indie movie, aniya, tungkol naman sa isang babymaker.

OSANG AS MOTHER & LOLA. Samantala, napag-usapan din ang kanyang mga anak at mga apo.

Kumusta na ang relationship niya sa kanyang mga anak na sina Grace at Onyok?

"Nare-realize na nila ngayon na, ‘Kaya pala wala siya noon dahil nasa trabaho para sa amin.' Noon, ang nasa isip lang nila wala kang panahon. Ngayon, alam na nila."

So, sweet na sila ngayon?

"Oo, kasi feeling nga nila noon wala ka lagi. Ngayon, hina-hug na ako, hinahalikan."

Natutuwa nga raw siya para kay Onyok dahil busy ito sa business.

"Ayun, kagagaling lang namin ng Pansol, nag-birthday kasi si Onyok noong August 27. ‘Tapos yung asawa naman niya, kabi-birthday din. Nagbi-business na silang mag-asawa ngayon. Shoes, RTWs. Nag-umpisa ito, nagsu-supply sila sa mga tiangge. Talagang matiyaga sila. ‘Tapos nag-ano sila sa Multiply, then kinontak sila ng taga-South Africa, taga-Israel. Kaya nag-e-export na rin sila. Gawa sa Marikina yung mga shoes and bags. Tapos yung nakuha nilang designer, nagde-design sa Via Venetto. Pina-pirate nga sa kanila, e, nasa kanila naman yung loyalty. So medyo kahit paano, nakakatulong din. Yung iba walang pakialam, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta naman ang apo niyang si Budoy?

"Okay naman. Pagkagaling sa school, ipinapasyal ni Jolo [Revilla]. Wala na naman kaming problema."

Si Jolo ba ay pumupunta sa bahay nila?

"Oo, ‘pag ihahatid si Budoy."

Nag-uusap ba sina Jolo at Grace?

"Oo naman, wala namang problema."

Natatawa namang ikinuwento ni Osang ang tungkol sa pagkakahilig ni Budoy sa kape. Paano nahilig ito sa kape, nakikita ba sa kanya?

"Hindi naman. Hindi rin naman ako mahilig sa kape, e. Basta kapag nakakita ng nagkakape, naiinggit. Hanggang sa dinodo na yung kape."

Biniro namin na baka maging tambay na si Budoy ng Starbucks o anumang coffee shop.

"E, minsan nga, nag-uusap kami about vanilla, bigla ba naman nagsalita, sabi ‘Starbucks yun.' Dinadala rin kasi ni Grace sa Starbucks, e."

Hindi ba nagkakaselosan sa atensiyon ang kanyang mga apo?

"Parang meron. Parang may selosan nga. ‘Pag binuhat mo yung maliit [anak ni Onyok], kukunin na ni Budoy yung atensiyon ko. At saka dahil na rin siguro hindi nga sila magkasama sa bahay. Kaya hangga't maaari nga pinagkikita ko sila lagi," kuwento ni Osang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"At least kahit nagka-apo na ako, hindi ko man siya maka-love team, nakasama ko pa rin siya sa pelikula. Kahit mother role, ang anak mo naman, as in BY, guwapo, di ba?" says Rosanna Roces about Piolo Pascual, her co-star in "Manila" who also co-produces the movie.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results