PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Onemig Bondoc recalls Red Sternberg’s last call before his death

Onemig Bondoc says he turned down an offer for showbiz comeback.
by Bernie V. Franco
Published Dec 20, 2025
Onemig Bondoc, Red Sternberg
ONE AND RED. Onemig Bondoc (left) identifies Red Sternberg as T.G.I.S. co-star he was not on good terms with. Years later, Onemig says he received a call from Red prior to passing away.
PHOTO/S: Aiko Melendez (YouTube) / Facebook

Walang balak mag-showbiz comeback si Onemig Bondoc sa ngayon.

Ito ang nilinaw ng former matinee idol sa isang recent interview.

Abala ngayon si Onemig sa pagnenegosyo at sa pagiging single father.

Si Onemig ay lubos na nakilala dahil sa T.G.I.S., ang youth-oriented show ng GMA-7 noong 1995-1999.

Nakagawa siya ng maraming pelikula bilang Viva artist, mga teleserye at TV projects sa Kapuso Network, pati na rin sa ABS-CBN.

Pero pagsapit ng 2003, biglang tinalikuran ni Onemig ang showbiz.

Read: WHERE ARE THEY NOW: TGIS Batch 1 stars

ONEMIG TURNS DOWN SHOWBIZ COMEBACK

Pagbabahagi ni Onemig, nilapitan siya ng former co-stars niya sa T.G.I.S. para sa reunion project.

Nakipagpulong pa nga raw siya sa ilan sa mga ito pero hindi nag-commit si Onemig sa paggawa ng proyekto.

Napagtanto raw niyang hindi pa siya handang mag-comeback.

“I turned it down. Di ko ma-feel na… ito ba ang tamang comeback for me? Di ko ma-feel na now is the right time for a comeback,” paliwanag niya sa YouTube interview ni Aiko Melendez noong December 6, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May posibilidad pa rin ba siyang bumalik sa showbiz?

“I’m not closing my doors, pero sa ngayon, no,” sagot ni Onemig.

Mula raw 2003 hanggang 2025, walang ginawang acting project si Onemig.

Pero lumabas siya sa interview ni Kara David para sa programang Powerhouse noong 2014.

Sa T.G.I.S., kasamang sumikat ni Onemig sina Bobby Andrews, Angelu de Leon, Michael Flores, Rica Peralejo, Ciara Sotto, Red Sternberg, at Raven Villanueva.

Sa isang punto ng interview, tinanong ni Aiko si Onemig kung mayroon siyang co-star na hindi niya nakasundo.

“Never kong naging kasundo talaga?” pag-aatubiling panimula ni Onemig.

Makalipas ang ilang sandali, inamin ni Onemig na, “Meron naman talaga, e.”

Sagot niya, “Si Red.”

“Pero bago namatay si Red, tinawagan niya nga ako for the reunion, so medyo na-touch naman ako. ‘Wow, okay, ah.’”

Pumanaw si Red noong May 27, 2025 sa edad na 50.

Sabi ng misis nitong si Sandy, biglaan ang pagkamatay ng aktor. Inatake ito sa puso habang walang kasama sa bahay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: T.G.I.S. star Red Sternberg dies at 50

Balik sa kuwento ni Onemig, “Tinawagan ako ni Red.

“Ayos naman kami ni Red. Iyon nga lang, nakakalungkot lang. Parang kung kelan malapit na pala siyang umalis dito sa mundo, parang doon pa siya nag-reach out.”

“Nag-usap naman kami dahil ini-invinte niya nga ako sa reunion.

Sinabihan pa raw siya ni Red noon na mahal siya nito at nami-miss siya.

“Kahit nagkasamaan kami ng loob ng mga cast, wala na iyon, matanda na kami. Mga daddy at mommy na kami,” diin ni Onemig.

“Matagal na iyon, so wala na.”

Read: Red Sternberg's wife recalls heartbreaking day the actor died

Sa isang zoom interview ng PEP kasama ang cast and crew ng T.G.I.S noong 2020, naikuwento pa nila ang nangyaring suntukan sa pagitan nina Red at Onemig sa set noon.

WHY ONEMIG LEFT SHOWBIZ

Labindalawang taon na ang nakalilipas mula nang iwan ni Onemig ang showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naibahagi rin niya sa interview kung bakit bigla niyang tinalikuran ang entertainment industry.

Isang araw, nagising na lang daw siya at naitanong sa sarili, “Do I really need this?

“Na-overwhelm lang ako. Gusto ko lang ibahin yung buhay ko. Parang wala lang, paulit-ulit na lang. Lagi na lang sa harap ako ng camera.

"Hindi ko na kilala sarili ko noon. Parang naisip ko, gusto ko na lang maging ordinary na tao,” paliwanag ni Onemig.

Ang plano raw niya noon ay magpahinga lang muna, subalit dumire-diretso na raw ito.

TGIS cast
The original T.G.I.S. cast: (from left) Onemig Bondoc, Raven Villanueva, Bobby Andrews, Angelu de Leon, Michael Flores, and Red Sternberg.
Photo/s: GMA
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: T.G.I.S. stars reunite at memorial service for Red Sternberg

ONEmig bondoc on BEING A SINGLE DAD AND AS BUSINESSMAN

Sa ngayon ay busy si Onemig sa real-estate business ng kanilang pamilya.

Binanggit din niya na may itatayo siyang bagong negosyo subalit hindi na siya nagdetalye ukol dito.

Naikuwento rin ng dating aktor ang buhay niya bilang isang hands-on single dad.

Si Onemig ay may tatlong anak. Ang panganay ay 18 anyos na dalaga at lalaki ang dalawang sumunod.

Aminado si Onemig na mahirap ang mag-isang magpalaki ng tatlong anak.

“Because lahat ikaw, e. Lahat ng gastos ikaw. Buti na lang parents ko nakakatulong sa akin paminsan. Pero pag-discipline, ikaw rin, ganoon. Mahirap pero kaya naman.”

Ang dating asawa ni Onemig ay si Valerie Bariou, dating modelo at naging aktres din.

Single daw ngayon si Onemig.

APOLIGIZES TO HIS FANS

Kamakailan lamang ay gumawa si Onemig ng TikTok account at YouTube channel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay paraan daw niya para ma-update ang kanyang fans na naging dahilan ng kanyang pagsikat sa showbiz.

Aware daw siya na naghihintay ang kanilang fans para sa T.G.I.S. reunion.

Sabi ni Onemig, “Ine-expect nila na kumpleto pero hindi na kami makukumpleto dahil namatay na nga si Red, di ba? At least, kahit wala si Red nandun lahat, pero wala rin si Raven. Di rin naman kumpleto.”

Kung may mensahe man daw si Onemig sa sarili, ito ay ang hindi magpa-pressure sa mga sinasabi ng mga tao.

Ito raw ang naging mitsa kung bakit nagkaroon siya ng identity crisis noon.

“Siguro kilalanin mo muna talaga yung sarili mo, alamin mo yung gusto mo. Kasi, before, kinalimutan ko yung sarili ko, e. Lagi na lang kung ano yung gusto ng tao... kung ano yung gusto ng tao for me.

“’Tapos kung ano yung gusto ng manager ko for me, na tanggap nang tanggap na lang ako ng projects, hanggang sa na-burn out ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inusisa siya kung hindi ba niya nami-miss ang showbiz lalo pa at matagal siyang nawala.

Sagot ni Onemig, may mga taong likas na natural sa kanila ang humarap sa camera.

Never daw niyang na-overcome ang hindi pagiging komportable sa harap ng camera.

Aniya, nami-miss niya ang camaraderie sa set at ang mga fans.

“But I don’t see myself doing it again,” pagtukoy niya sa showbiz comeback.

“But siguro kung may magandang project,” pagbawi niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ONE AND RED. Onemig Bondoc (left) identifies Red Sternberg as T.G.I.S. co-star he was not on good terms with. Years later, Onemig says he received a call from Red prior to passing away.
PHOTO/S: Aiko Melendez (YouTube) / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results