Hindi nagpansinan ang KathNiel?
Nagkrus ang landas ng ex-couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa church wedding ng mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde.
Ito ang usap-usapan sa social media ngayong Martes, December 23, 2025.
DANIEL PADILLA AND KATHRYN BERNARDO
Nakunan ng camera sina Daniel at Kathryn na magkalapit sa loob ng simbahan. Nasa gawing likod lang ni Daniel si Kathryn.
Pero sa video ay nakapokus sila sa newlyweds, dahil nagpapalakpakan ang mga tao, kabilang si Daniel.
Hindi malinaw kung nagkaroon ng pagkakataong magbatian ang dating magkasintahan.
DANIEL PADILLA AND KAILA ESTRADA
Sa kabilang banda, kasama ni Daniel ang hinihinalang bagong girlfriend niyang si Kaila Estrada.
Nakunan na magkasama silang lumabas ng simbahan at sumakay sa iisang sasakyan para magpunta sa reception.

Sa wedding reception, nakunan din sina Daniel at Kaila na magkaangkla ang mga braso habang naglalakad.

Waring patunay ito ng pagkakamabutihan nina Daniel at Kaila, na kamakailan lang ay namataang low-key sweet sa isa't isa nang manood ng IV of Spades concert.
Read: Daniel Padilla, Kaila Estrada spotted at IV of Spades concert
Si Kathryn naman ay solong dumating sa simbahan base sa isa pang video.
KATHRYN BERNARDO AND DANIEL PADILLA'S BREAKUP
Matatandaang magbabarkada sina Kathryn, Daniel, Ria, at ibang miyembro ng Nguya Squad na sina Joshua Garcia, Sofia Andres, at Alora Sasam.
Kalaunan ay nakasama nila sa kanilang outings sina Zanjoe at Hyubs Azarcon.
Hanggang sa maghiwalay sina Kathryn at Daniel noong huling bahagi ng 2023.
Inanunsiyo nila ang kanilang breakup noong November 30, 2023.
Nang sumunod na buwan, inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkasangkot ni Andrea Brillantes sa breakup ng KathNiel.
Read: Kathryn Bernardo learns Daniel Padilla cheated from Andrea Brillantes
Sinubukan nina Kathryn at Daniel na manatiling magkaibigan at nagkasama pa sila sa dalawang events noong December 2023.
Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla on friendly terms at AAA 2023
Read: Kathryn & Daniel's Stage Chemistry Post-Breakup
Pero pagdating ng January 2024, nag-unfollow si Kathryn kay Daniel sa Instagram, hudyat ng tuluyang paglayo ng dalaga sa dating nobyo.
Read: Kathryn Bernardo unfollows ex-boyfriend Daniel Padilla on Instagram
Read: Kathryn Bernardo on breakup with Daniel Padilla: No looking back
KATHRYN BERNARDO'S rumored boyfriend, past SUITORS
Kasunod nito, napabalita ang panliligaw kay Kathryn nina Jericho Rosales at Alden Richards. Pero kalaunan ay pareho ring huminto sa panliligaw sa aktres ang dalawa.
Read: WHAT PEP KNOWS: Stars vying for Kathryn Bernardo?
Sinasabing ang nanalo sa puso ni Kathryn ay si Lucena Mayor Mark Alcala.
Read: Kathryn Bernardo, Mark Alcala spotted sa NAIA papuntang Australia
Unang inulat ng PEP noong July 2023 ang panliligaw ni Mark kay Kathryn.
Read: Lucena Mayor Mark Alcala, nanliligaw rin kay Kathryn Bernardo
Pero hanggang sa kasalukuyan ay tikom ang bibig ni Kathryn sa estado ng kanyang buhay pag-ibig.
Read: Is Kathryn Bernardo moving to this luxe abode in Makati City?
