Masaya ang Pasko ni Jason Marvin Hernandez kasama ng non-showbiz girlfriend na natukoy na si Sharine Leah.
Sa kanyang Instagram Stories, kahapon, December 24, 2025, pinakita ni Jason ang litrato nila ni Sharine.
Nakatayo si Jason sa treadmill at nasa tabi niya si Sharine. Pareho silang nakasuot ng workout clothes.
Caption ni Jason, "El Nido Christmas."
Naka-tag din na ang location ay sa Angkla Beach Club & Boutique Resort.
May litrato ring ibinahagi si Jason kasama ng ilang kaibigan.
Sa El Nido, Palawan nakabase si Jason mula noong taong 2022.

May 31, 2022 nang isapubliko ni Jason na tinuldukan nila ni Moira ang tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Read: Jason Hernandez confirms split with wife Moira
Inamin ni Jason na siya ay nagkumpisal kay Moira ng kanyang pangangaliwa, at nagpasya sila na maghiwalay na lang.
Read: Moira dela Torre and Jason Hernandez: relationship timeline
JASON MARVIN HARD LAUNCHES GIRLFRIEND
Fast-forward to October 19, 2025, ipinahiwatig ni Jason na mayroon siyang bagong pag-ibig.
Ipinost ni Jason sa Instagram ang carousel ng bakasyon niya sa Cairns, Queensland, Australia kasama ng isang non-showbiz girl.
Nilapatan niya ito ng kanta niyang"Pwede Pala," na tungkol sa pagmamahal na walang takot at kaba.

Nag-post uli siya ng IG carousel noong October 28, na ang background music naman ay "Hindi Mawawala."

Nang sumunod na buwan, November 15, si Sharine naman ang nag-post ng IG carousel ng ilang couple photos nila ni Jason.
Isa rito ay mirror shot kunsaan nakahalik si Jason sa gilid ng ulo ni Sharine.
Nilapatan ito ni Sharine ng kantang "Tahanan," na bagong single ni Jason.
Caption ni Sharine, "archive ft my favourite person."

Kung titignan ang IG bio ni Sharine, ang description niya sa sarili ay "Just a girl who works in tech." Graduate raw siya ng "law (hons) & international relations."
Naka-private ang IG account ng dalaga.
