PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos' camp clarifies viral statement of Batangas governor

Vilma Santos camp claims viral video was spliced and edited.
by Jojo Gabinete
Published Dec 27, 2025
vilma santos batangas governor
The camp of Batangas Governor Vilma Santos-Recto says a viral video of the actress-politician was spliced and edited to make it seem as though she was insulting ordinary citizens amid attacks against her and her husband, Executive Secretary Ralph Recto.
PHOTO/S: Vilma Santos-Recto Facebook

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Batangas Provincial Information Office (BPIO) sa diumano’y maling impormasyon tungkol sa viral video ng Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos-Recto na dahilan para maging biktima ito ng online bashing.

Nag-ugat ang mga pagbatikos sa premyadong aktres dahil sa kanyang mga pahayag sa viral video na: “Sa totoo lang, mas alam ko rin kung sino si Ralph.

"But you see, ito yung mga namba-bash, kung minsan, papabayaan mo na lang.

"In a way, inilalagay ko sila, sina-psyche ko ang sarili ko na kaya ninyo kami tinitira kasi nasa itaas kami at kaya kayo tumitira kasi nasa ibaba kayo.

“Sa totoo lang, magsisinungaling ako kung sasabihin ko kahit paano hindi ako naaapektuhan. Naaapektuhan din ako.

"You know, these people, that’s what they were doing that kasi gusto nila, nandun sila sa lugar mo.

"And so, unfortunately, hindi nila makaya, so ang tendency nila is to really hate you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni Vilma na "Ralph" ay ang kanyang asawa na si Ralph Recto, ang kasalukuyang Executive Secretary at dating kalihim ng Department of Finance.

Nahaharap ngayon si Recto sa patung-patong na reklamo — plunder, graft, malversation, at grave misconduct — dahil sa paglipat ng halos PHP60 billion excess funds ng PhilHealth sa National Treasury upang pondohan ang ibang government projects.

Ang reklamo ay inihain ng grupong Save the Philippines Coalition sa Office of the Ombudsman noong December 22, 2025.

Kasama ni Recto na sinampahan ng reklamo si dating PhilHealth President Emmanuel Ledesma.

Read: Ralph Recto faces complaints over PHP60B PhilHealth fund transfer

VILMA SANTOS' CAMP ISSUES STATEMENT

Sinagot ng Batangas Provincial Information Office ang kontrobersiyal na usapin sa pamamagitan ng isang pahayag na ibinahagi ni Vilma sa official Facebook page nito.

Nilinaw ng BPIO pinutol o in-edit ang nag-viral na video ng actress-politician mula sa mahabang pahayag nito tungkol sa fake news at online bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad sa pahayag ng BPIO: “Nais pong linawin ng Tanggapan ng Gobernador na ang mga kumakalat na post tungkol sa naging press interview ni Gov. Vi ay maling impormasyon at pinuputol na konteksto.

"Ang ilang bahagi ng interview ay pinili at in-edit mula sa kanyang buong sinabi, na nagdulot ng maling naratibo na nagsasabing siya ay nang-iinsulto sa publiko.

“Sa katunayan, tinatalakay ni Gov. Vi ang lumalalang problema ng mga nagkalat ng pekeng balita at mga bashers online.

"Ang mensahe niya ay isang paalala na tiyakin ang kredibilidad ng mga impormasyon, iwasan ang pagpapakalat ng maling balita, at protektahan ang wastong diskurso publiko."

Idiniin din ng kampo ni Vilma na hindi ang ordinaryong mamamayan ang binabatikos ng Batangas governor kung ang pagpapakalat ng maling impormasyon.

Kaugnay nito, hinihikayat ng Batangas provincial government na siguraduhin ang mga pinagkukunan ng impormasyon at pagbabahagi ng mga ito.

Bahagi pa ng pahayag ng BPIO: “Hindi binabatikos ng Gobernador Vilma Santos-Recto ang ordinaryong mamamayan kundi tinutukoy ang mga panganib ng manipuladong content at sinasadyang maling impormasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang lahat na tiyakin ang mga pinagkukunan ng impormasyon at mag-ingat bago magbahagi ng anumang nilalaman na maaaring magdulot ng maling interpretasyon o maghatid ng pagkakawatak-watak ng publiko.”

vilma santos camp statement

Read: Celebrities react to viral Marikina road rage days before Christmas

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The camp of Batangas Governor Vilma Santos-Recto says a viral video of the actress-politician was spliced and edited to make it seem as though she was insulting ordinary citizens amid attacks against her and her husband, Executive Secretary Ralph Recto.
PHOTO/S: Vilma Santos-Recto Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results