Maugong ang pangalan ni Angelica Panganiban as potential Best Actress winner sa katatapos na 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal.
Ginanap ang awarding nitong Sabado ng gabi, December 27, 2025, sa Dusit Thani Hotel sa Makati City.
Bukod kay Angelica na bida sa pelikulang UnMarry, nominees rin sina Nadine Lustre (Call Me Mother), Bianca de Vera (Love You So Bad), at Krystel Go (I'mPerfect).
Sa huli ay nanalo si Krystel bilang Best Actress.
ANGELICA PANGANIBAN PREPARED A SPEECH
Bigo mang manalo bilang Best Actress ay masaya pa rin si Angelica dahil maraming tropeo na naiuwi ang UnMarry, kabilang ang Best Director para kay Jeffrey Jeturian, Best Supporting Actor para kay Tom Rodriguez, Best Screenplay, at Best Editing.
Nakuha rin ng pelikula ang 2nd Best Picture award.
Sa acceptance speech para sa mga bumubuo ng UnMarry ay nagkaroon ng pagkakataon si Angelica na magsalita at magpasalamat sa mga opisyal ng MMFF.
Read: REVIEW: UnMarry is mature, sensitive look at the end of love
Dito rin ay nangingiti niyang sinabi na may hinanda siyang speech, na obviously ay binuo niya kung sakaling manalo siyang Best Actress nung gabing iyon.
"Ako, naghanda ako ng speech, e, hindi ko nasabi," hirit ni Angelica.

Bago kasi iyon ay sinabi ng direktor na si Jeffrey Jeturian na ang tanging pinaghandaan niya lamang ng speech ay ang Best Director kung palaring manalo, at hindi ang 2nd Best Picture.
"Sabihin mo na!" hiyaw ng ilang panauhin kay Angelica.
Sigaw din ng mga nasa audience area: "Go! Go!"
Turan ni Angelica, "Actually, gusto ko lang pasalamatan ang asawa ko dahil hinahayaan niya akong patuloy na gawin ang first love ko, which is creating and making films and movies."
Nasa audience ang husband niyang si Gregg Homan.

Dagdag ng aktres: "Gusto ko rin pong sabihin sa inyo kung gaano ko po kamahal ang industriyang ito.
"Kaya po sana, magtulungan po tayo at panatilihin po nating buhay ang pelikulang Pilipino."
RETURN TO LIMELIGHT
Ang UnMarry ang nagsilbing comeback project ni Angelica matapos pansamantalang tumigil sa pag-aartista para mag-focus sa pagiging asawa at ina.
Nagpakasal sina Angelica at Gregg noong December 31, 2023.
May anak silang babae: si Amila Sabine.
"Noong may binibigay sa aking scripts, no offense naman sa mga nagbibigay, wala talaga siyang lukso ng dugo. Hindi nakaka-kemback,” katuwiran ni Angelica nang tanungin kung bakit niya tinanggap ang UnMarry.
“Gusto ko yung since tahimik ang buhay ko ngayon, gusto ko ng parang, 'Sandali, ang ganda nito. Luluwas ako para rito.'
"Kailangan ko ng gigil sa project, yung kapag pinalampas ko ito, manghihinayang ako. Yun ang hinihintay ko.”
Read: