PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

KC Concepcion out to prove she's more than her famous parents' daughter

KC comments on possible box-office showdown with John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo.
by Melba R. Llanera
Published Sep 6, 2008
"Ang dali-daling sabihin ng mga tao na ang dali-dali ng pagpasok ko sa showbiz dahil sa parents ko, and it's easy for them to compare me sa mga magulang ko. Feeling ko, kailangan kong magtrabaho nang magtrabaho at patunayan na baka naman I deserve to be here also, and hindi lang dahil madali sa akin na makilala ako," says KC Concepcion.

Sa mahigit isang linggo pa lang na pagpapalabas sa mga sinehan ng For The First Time nina KC Concepcion at Richard Gutierrez ay balitang malapit nang P100 million ang kinikita nito.

Last September 4, Thursday, ay lumipad papuntang Amerika si KC para sa international premiere ng launching movie niya. Pero bago umalis si KC ay nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nagpahayag ang singer-actress ng labis-labis na pasasalamat sa suporta at tiwalang ibinigay ng publiko sa tambalan nila ni Richard.

"Sobra-sobrang nagpapasalamat talaga kami," sambit niya. "Nung ginagawa namin yung For The First Time, I didn't know what to expect. But alam ko, I know it was something na kailangan kong gawin personally sa akin at sa mga taong sumusuporta sa akin—sa pamilya ko at kay Chard na rin. Kaya super-salamat talaga sa lahat ng nanood at tuluyang nanood at umuulit-ulit pa. Sobrang init ng pagtanggap nila, sa pagwe-welocime nila sa akin sa pelikula at team-up namin ni Richard, salamat talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiningan din namin ng detalye si KC tungkol sa international premiere ng For The Fisrt Time at kung bakit hindi niya kasama ang kaparehang si Richard.

"Busy siya sa teleserye niya at mayroon siyang choice kung saan niya gustong pumunta, sa California premiere o sa Europe premiere. Since hindi pa siya nakakarating sa Austria and first time na magkakaroon ng premiere night sa Vienna, gusto niyang ma-meet ang mga tao dun, o dun kami pupunta na magkasama.

"Sobrang saya kami kasi no expectations talaga nung nag-start kami ng movie. The fact na may mga naghihintay sa akin sa California, sa San Francisco, later on sa Vienna, sobrang laki ng pasasalamat namin at sumusuporta sila sa amin. Kung excited sila na makita ako, excited din akong makita kayo," saad ni KC.

THE REAL SCORE. Marami ang nag-isip during the presscon of For the First Time na hindi man diretsahang umamin sina KC at Richard na sila na ay very obvious naman daw sa kilos at tinginan ng dalawa. Tinanong namin si KC kung kumusta na sila ni Richard ngayong tapos na ang shooting at promo nila ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We're okay, in touch pa rin kami at naging mabuti kaming magkaibigan and maganda naman yung friendship namin sa ngayon. Na-miss ko yung company niya, lagi kaming nagtatawanan. Siguro yung pakikisama namin kay Direk Joyce [Bernal], magulo kasi kami ‘pag magkasama kaya nami-miss ko yung kakulitan namin."

BOX-OFFICE KING & QUEEN. Sa init ng pagtanggap ng publiko sa For The First Time, hinuhulaang sina Richard at KC ang magiging mahigpit na makakalaban nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa titulong Box-Office King & Queen sa susunod na taon. Matatandaang kumita rin nang husto ang A Very Special Love nina John Lloyd at Sarah, gaya ng For The First Time. Ang dalawang pelikula ay parehong mula sa Star Cinema.

Ano ang masasabi ni KC dito?



"Hindi ko iniisip ‘yan, baka ma-pressure ako," sabi niya. "But excited at nagpapasalamat ako kay God.

"Ang dali-daling sabihin ng mga tao na ang dali-dali ng pagpasok ko sa showbiz dahil sa parents ko, and it's easy for them to compare me sa mga magulang ko. Feeling ko, kailangan kong magtrabaho nang magtrabaho at patunayan na baka naman I deserve to be here also, and hindi lang dahil madali sa akin na makilala ako. It doesn't mean na hindi ko na kailangang magtrabaho o hindi ko na kailangang magsikap at magtiyaga to make my own niche in the business."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

WORKING WITH JOHN LLOYD. Speaking of John Lloyd, pinabulaanan ni KC ang lumabas na balita na hindi siya makikipagtambal sa young actor dahil sa nakaraan nito sa tiyahin ni KC na si Ciara Sotto. Magpinsang-buo sina Ciara at ang ina ni KC na si Sharon Cuneta.



"Of course, I'd really want to do a movie with him," paglilinaw ni KC. "He's really a good actor and he's been very gracious to me every time na magkikita kami sa ASAP. Lagi niya akong binabati, lagi kaming nagbabatian. I would love to a do a project with him.

"Regarding kay Ate Ciara, I think we're both mature individuals, saka sine-separate niya yung personal sa professional. Ewan ko kung kailangan naming mag-usap, but very supportive naman siya bilang kamag-anak ko.

"Kami naman ni Ate Ciara, lagi kaming nag-uusap about work. But nothing negative naman yung pinag-uusapan namin....So ewan ko kung bakit biglang lumabas ‘yang isyu na ‘yan. I think naman, whatever na puwede siyang maging supportive, she'll be supportive. Nandun nga siya sa premiere night namin ni Richard and she didn't have to be there, but nagkasya siya ng panahon para manood. She's very supportive of my working in the movie, I'm sure she'll be okay with that idea [working with John Lloyd]," paliwanag ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



SEPARATE CINEMAS. Kahit iwas-intriga ay lumikha pa rin ng kontrobersiya sa premiere night ng For The First Time noong August 26 ang hiwalay na sinehan na pinagpanooran ng mga magulang ni KC na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Sina Sharon at ang asawa nitong si Senator Kiko Pangilinan ay nasa Cinema 10, si Gabby naman ay nasa Cinema 9.

Sa cast party ng For The First Time nang gabing ‘yon ay inamin ni KC na hindi pa nagsi-sink in sa isip niya na parehong nasa premiere ang mga magulang niya. Ngayon ba ay na-absorb na niya ngayon ang mga pangyayari?

"All of my three parents were very supportive and yun nga ang bagsak mo pa rin, at the end of the day, ay pamilya mo, di ba? Kaming apat, hindi kami magkakasama sa iisang bubong. Pero kung ano ang pamilya para sa iyo, yun ang pamilyang para sa iyo. So ako, pamilya ko si Papa [Gabby], pamilya ko si Mom and Dad [Kiko] kaya masaya ako na peaceful lahat at hindi pinagpiyestahan ng mga tao, nirespeto nila yung sitwasyon naming apat. Careful lang ako sa kung ano ang sasabihin ko kasi personal sa akin ito," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

For The First The Time will have its premiere tonight, September 6, at Alex Theatre in Los Angeles, California. Bukas, September 7, gaganapin ang premiere nito sa Fox Theater sa San Francisco California, kung saan makakasama ng mga kababayan natin si KC.

On September 28 naman ay magkasamang pupunta sina KC and Richard sa Cineplex, Dounaplex sa Vienna, Austria.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang dali-daling sabihin ng mga tao na ang dali-dali ng pagpasok ko sa showbiz dahil sa parents ko, and it's easy for them to compare me sa mga magulang ko. Feeling ko, kailangan kong magtrabaho nang magtrabaho at patunayan na baka naman I deserve to be here also, and hindi lang dahil madali sa akin na makilala ako," says KC Concepcion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results