Pumangalawa ang Filipino singer na si Gwyn Dorado sa finals ng South Korea music show na Sing Again 4, na live na napanood sa JTBC nitong Martes ng gabi, January 6, 2026.
Bagamat si Gwyn ang nakakuha ng pinakamataas na boto mula sa walong judges, ang itinanghal na winner ay ang Korean singer na si Lee O Wook.
Si Lee, na siyang may pinakamababang scores mula sa judges, ang nanguna sa online early voting (10%), streaming ng bagong kanta sa Melon at Genie (20%), at live voting habang umeere ang episode (40%).
Thirty percent (30%) lamang ng kabuuang score ang mula sa judges na kinabibilangan nina Yim Jae Beom, Yoon Jong Shin, Baek Ji Young, Kim Eana, Kyuhyun, Taeyeon, Lee Hae Ri, at Code Kunst.
Read: Melanie Marquez claims she was placed in mental and rehab facilities without consent
ALMOST PERFECT SCORES FROM THE JUDGES
Ngayong season ng Sing Again ay dalawang beses nakakuha ng almost perfect score (800) si Gwyn mula sa judges.
Sa Top 6, kung saan inawit ni Gwyn ang original song na "I Want You," binigyan siya ng pitong judges ng score na 100 at isang judge (Kyuhun) ang nagbigay sa kanya ng 98 — para sa total score na 798.
Sa second round ng finals, kung saan pinerform niya ang bagong kanta na "Light Up," pitong judges muli ang nagbigay sa kanya ng 100 at isang judge (Yoon Jong Shin) ang nagbigay ng 99 — para sa kabuuang score na 799.
Sa huli, si Lee ay may total score na 3051.06, habang si Gwyn ay nakakuha ng kabuuang 3009.39.
Ang third placer na si Kim Jaemin ay 2402.14, at ang fourth place na si Slowly ay may total score na 1537.42.
Ang host ng Sing Again 4 ay si Lee Seung Gi.
Hindi ito ang unang pagsali ni Gwyn sa isang reality talent competition.
Noong ten years old pa lamang siya ay naging finalist si Gwyn sa Season 1 ng Asia's Got Talent noong 2015. Umabot siya hanggang finals.
