Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Dingdong Dantes: "Nice boy? I don't believe I'm nice."

by Rose Garcia
Sep 7, 2008
"Proud ako dahil wala akong nilampasan na step. Kumbaga, yung introductory level at pagpasok ng tao sa industriyang ito [showbiz], masasabi kong napasok ko siya," says Dingdong Dantes about attaining his success from scratch.


Nagkaroon ng special feature ang Kapuso Mo, Jessica Soho ng GMA-7 kagabi, September 6, on Jose Sixto Dantes III—better known as Dingdong Dantes—tungkol sa pagkakapili sa kanya ng E! Television as one of the 25 Sexiest Men of the World hanggang sa pagiging isa sa most sought-after endorser, hottest young actor, at leading man ng Pilipinas.

Intensive ang ginawang pagtalakay ng Kapuso Mo, Jessica Soho, kung saan may one-on-one interview si Jessica kay Dingdong. Ipinakita rin dito ang ipinadalang VTR ni Mr. Dan Railey, ang executive producer ng E!, na nagpapahayag ng pagkakapili nila kay Dingdong sa hanay ng 25 Sexiest Men of the World.

Ang unang tanong ni Jessica kay Dingdong ay kung ano ang pakiramdam niya when people say his sexy, hindi ba siya nase-self conscious?

"Actually yes, yes... Hindi kasi ako sanay, e. I mean, hindi ako sanay na matawag na ganoon," nakangiting sabi ni Dingdong.

Tanong ni Jessica, "What is it like for a non-showbiz person like me to be up there na tinitingala at tinitingnan na halos hubad na [gaya sa Bench pictorial]?"

Continue reading below ↓

"I would say na comfortable ako dahil kung hindi, hindi siya lalabas na ganoon," sagot ni Dingdong. "Pero siyempre, pinaghahandaan yun. Kumbaga, pinaghandaan ko ‘yan ng tatlong buwan, just for that one photo shoot. And after that, balik na ko sa normal. And if you will ask me now kung magagawa ko ulit na mag-pose na ganoon, e, teka lang, maghahanda akong muli."

Bagamat natutuwa raw si Dingdong na siya lang ang bukod-tanging Pinoy na nakasama sa listahan, along with other male celebrities mula sa iba't ibang bahagi ng mundo gaya ng soccer superstar na si David Beckham ng Great Britain, mas mahalaga pa rin daw na may maipakita siyang kahusayan sa napili niyang propesyon kesa sa mapag-usapan lang dahil sa kanyang magandang pangangatawan.

LOOKS IS NOT ENOUGH. Tinanong ni Jessica si Dingdong kung hindi ba sapat ang pagiging guwapo lang para sumikat sa showbiz.

"Oo, kailangan talaga may puso," sagot ni Dingdong. "Kasi, yun ang nakikita ng tao. Kaya ka nila nagugustuhan dahil nararamdaman ka nila. Ngayon, kung nakikita ka lang nila, naayusan lang sila sa hitsura mo, ang daling palitan ‘yan, e. Bukas may darating na mas goodlooking sa ‘yo, mas appealing sa kamera. You can be forgotten in an instant."

Continue reading below ↓

Ipinakita rin sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang ilang videos ni Dingdong noong bata pa siya at ilan sa mga TV commercials niya na makikitang chubby pa siya. Sinabi ni Jessica na hindi plinano ni Dingdong ang pagpasok sa pag-aartista, lalo pa't maayos naman ang lagay ng pamilya niya.

Nag-elementary at high school sa Ateneo de Manila. Napabilang sa Abztract Dancers. Nakatungtong din ng kolehiyo sa Ateneo pa rin, pero muling na-discover ng isang taga-Viva Films at isinali siya sa sikat na youth-oriented show noon na T.G.I.S. bilang si Iñaki. Since then, hindi na nakawala si Dingdong sa showbiz.

Sinabi ni Jessica kay Dingdong na he's not the typical na naging artista because he actually came from school, kumpara sa iba na dala ng kahirapan kaya naisipang pasukin ang pag-aartista.

Sabi naman ni Dingdong, "Pero nalaman ko rin noong bata pa lang ako na nasa akin na yung kahit paano, passion ko. Being creative in some aspects. Mahilig na akong mag-collect ng mga laruan, action figures...mga costumes, kung ano-ano ang sinusuot ko. So, alam ko na kahit na noong bata pa lang ako, nabubuhay na that side of me."

Continue reading below ↓

Hindi raw naging madali para kay Dingdong ang lahat kahit sabihin pang biniyayaan siya ng good looks. Pero si Dingdong din mismo ang nagsabi na, "Proud ako dahil wala akong nilampasan na step. Kumbaga, yung introductory level at pagpasok ng tao sa industriyang ito [showbiz], masasabi kong napasok ko siya."

PERFECT COMBINATION. Ayon kay Jessica, bagamat marami na rin naging proyekto si Dingdong, masasabi na napansin ng publiko nang husto ang young actor nang gumanap siya bilang Sergio sa Pinoy version ng Marimar.

Mula noon, pumailanlang ang kanyang career, tinilian, at sinubaybayan lalo pa nga't naging mainit din ang pagtanggap sa kanyang kapareha na si Marian Rivera. Tinanong ni Jessica si Dingdong kung sa palagay niya ay kung walang Marian Rivera at walang Marimar, hindi siya makakarating sa kinalalagyan niya ngayon.

"It's a combination of everything, e. Mawala man siguro yung isa ro'n, hindi siguro magiging ganoon kalakas ang impact," sagot ni Dingdong.

Continue reading below ↓

Dugtong ni Jessica, masyado raw popular ang mga character na pinu-portray niya gaya ni Sergio sa sa Marimar at si Fredo sa Dyesebel na baka ang Dingdong Dantes the actor or the person ay hindi lumutang.

"Ang pagsasabuhay ko sa kanila ay hinahaluan ko ng konting reyalidad ng pagiging ako," saad ni Dingdong.

Si Jessica rin mismo ang nagsabi na kung akala raw ng iba ay madali ang maging artista at madaling sumikat, malayo raw ito sa totoong buhay. So, the award-winning host of GMA-7 asked Dingdong kung ano ba ang mga pinagdadaanan niya kapalit ng mga tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

"Yung oras ng trabaho sa amin ay hindi pareho ng normal na trabaho sa nasa opisina. Yun ang mga mawawala sa ‘yo, oras for yourself, for your family, at sa mga bagay na gusto mong gawin."

Apat na beses raw sa isang linggo kung mag-taping si Dingdong ng Dyesebel. The show's director Joyce Bernal was also asked about Dingdong. She said, "Hindi puwedeng mawala ang interpretasyon niya sa character niya. Even sa scene, palaging nagtatanong. ‘Tapos, kailangang malaman niya kung ano ang intensiyon niya doon sa eksena. So, he's a thinking actor. "

Continue reading below ↓

SOMETHING YOU DON'T KNOW ABOUT DINGDONG. Nalaman din na si Dingdong pala ay hindi masyadong maselan sa kanyang pananamit, pero ibang usapan na raw pagdating sa kanyang buhok. Tinanong ni Jessica ang young actor kung ayaw ba niyang pinapakialaman o inaayos ng iba ang buhok niya.

Natatawang inamin ni Dingdong na, "Inaayos ko pa rin siya. Kahit sabihin na nating inayos na nila in a certain way, unconsciously, yung kamay ko, inilalagay ko na sa buhok ko at inaayos ko na. ‘Tapos sila yung, ‘Huwag mo nang galawin.' Nakakalimutan ko kaya ako, ‘Ay, sorry, sorry!'"

Nadiskubre rin ng Kapuso Mo, Jessica Soho na si Dingdong ay isang reserve para sa Philippine Army. Ipinakita rin ang ilang videos ni Dingdong na naka-army uniform at kasama sa medical missions ng mga sundalo sa bansa.

"Isa sa mga childhood frustration ko ay ang maging sundalo. In a way, naisasabuhay ko siya at the same time, nakakatulong ako because kasama ako sa grupo ng mga doctors, abogado na nagbibigay ng medical mission," kuwento ni Dingdong.

Continue reading below ↓

NOT SO NICE. Sa edad na 28 years old, marami nang naabot si Dingdong, pero siya raw mismo ang nagsasabing hindi siya perpekto. Tinanong ni Jessica si Dingdong kung ano ang ginagawa ng isang nice boy na tulad niya sa showbiz.

"Nice boy? I don't believe I'm nice," nakangiting sabi ni Dingdong.

Ano ba ang masasabing mga kalokohan ni isang Dingdong? Umiinom ba siya?

"Yes, yes!" pag-amin ni Dingdong. "That's one of the things that I look forward at the end of the week. Social drinking na, at least, yung tipong pag-uwi mo naman ay sulit naman ang naging pag-inom mo."

Binabaltik (sinusumpong) din ba si Dingdong?

"Kapag may mga bagay na disorganized. Ayoko ng magulo," ang nakangiti niyang pag-amin.
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Proud ako dahil wala akong nilampasan na step. Kumbaga, yung introductory level at pagpasok ng tao sa industriyang ito [showbiz], masasabi kong napasok ko siya," says Dingdong Dantes about attaining his success from scratch.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results