Hindi na nakatiis si Bea Borres at inilabas na ang saloobin sa random direct messages na natatanggap niya sa Facebook.
Karamihan daw kasi sa netizens na ito ay nanghihingi ng pera para makabili sila ng bagong telepono.
Siya nga raw ay sira na ang telepono pero wala pa raw siyang balak palitan ito.
Sa kanyang Facebook kagabi, January 9, 2026, nagbahagi si Bea ng larawan kalakip ng mensahe niya para sa mga nanghihingi sa kanya ng pera.
Nakasulat sa unang larawan (published as is): "the amount of online limos i get everyday is absurd im sure mas marami pa sa ibang creators & ngl it's getting annoying."

Paliwanag pa ni Bea (published as is): "been getting a lot of dms that they need a brand new phone cuz their current phone is broken.
"same lang tayo mga siz my phone is pasira na rin but i'm not even changing it yet tapos manlilimos kayo sakin."

Ang iba raw ay nanghihingi ng pera dahil talo raw sila sa online gambling.
Manghang pahayag ni Bea (published as is), "it’s 2026 uso parin online limos??? tapos sometimes nanlilimos sila cuz talo sa online gambling, like is it my fault u got talo??????"
Read: AJ Raval claps back at bashers calling her "kabit, laos"
NETIZENS REACT TO BEA BORRES'S POST
Sa kabilang banda, may mga netizen na pinayuhan si Bea na hindi na niya raw sana hiniya ang mga nanghihingi sa kanya ng pera.
Komento ng netizen: "The 'online limos' angle feels out of touch.
"A lot of people message because they have nowhere else to go. pwedeng ignore, block, move on. you can set bounderies without demeaning people."
Sagot ni Bea (published as is), "nah if you were to read my dms you’ll get annoyed too."

Paalala naman ng isa pang netizen, nagsabi raw si Bea na marami siyang pera noon sa kanyang bank account.
Sabi nito: "'Padamihan nlng ng pera sa bank acc'
"Why you sabi sabi like that kasi, ayan tuloy they so many limos limos sayo HAHAHA"
Sagot ni Bea (published as is), "even before that a lot are making limos already."

Read: Rica Peralejo says allegation that she steals tithes is unfounded
