Tila kaunting panahon na lang at all-out nang mailalayag ang lumalalim na ugnayan nina Daniel Padilla, 30, at Kaila Estrada, 29.
Ngayong Linggo, January 10, 2026, ipinasilip ni Daniel ang group photo nila ni Kaila kasama ng beneficiaries ng Child Haus.
Ang Child Haus ay temporary shelter para sa mga batang may cancer.
Ito ang unang pagkakataong pinakita ni Daniel na magkasama sila ni Kaila, na napapabalitang karelasyon ng aktor ngayon.

May ilan pang litrato at video ang mabilis na nakalap ng mga masugid na tagasuporta nina Daniel at Kaila.
Isa na rito ay ang video ng pagdating nila ng venue. Masayang nakisalamuha ang dalawa sa mga bata roon.

Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla cross paths; Daniel brings Kaila
DANIEL PADILLA AND KAILA ESTRADA AT KARLA'S HOME
Kasama rin nina Daniel at Kaila ang kapatid ni Daniel na si Magui Ford at pinsan na si Jordan.
Noong January 5, ibinahagi rin sa isang fan account ang litrato nina Daniel at Kaila na sinasabing kuha sa bahay ng ina ni Daniel na si Karla Estrada.

Read: Daniel Padilla, Kaila Estrada spotted at IV of Spades concert
