Magkasintahan na ba sina Onemig Bondoc at Aiko Melendez?
Ito ang tanong netizens matapos nagpakiligang dalawa sa pamamagitan ng wari'y couple photo nila sa Instagram
“Happy together… after 29 yrs,” ang caption ni Onemig sa kanyang IG post. Dito ay makikitang nakangiti silang dalawa ni Aiko.
Tila nagbigay naman ng approval ang anak ni Aiko na si Marthena nang mag-reply ito sa post. “Aww,” ang sabi ni Marthena, na naglagay din ng heart emoji.
Read: ICE shooter sa Minneapolis, Pinay immigrant ang asawa
ONEMIG AND AIKO'S BATANGAS GETAWAY
Ang tanging malinaw ay nagkakamabutihan muli ang dalawa.
Kinumpirma nina Onemig at Aiko na nasa ligawan stage sila sa isang Tiktok live noong madaling-araw ng Sabado, January 10, 2026.
Nasa Batangas noon sina Onemig at Aiko. Hindi umano makatulog ang dalawa kaya’t nagdesisyon na lamang na kausapin ang kanilang fans.
“Are we bagay? Talaga ba? Should I give him a chance?” bungad ni Aiko.
Maya-maya ay sinagot ng dalawa ang tanong ng viewers kung may relasyon na sila.
“Hindi,” ang maikling sagot ni Aiko.
“I wish. Pero hindi niya pa ko sinasagot, e,” dagdag ni Onemig.
Nang mabasa naman ni Aiko ang katagang AI o artificial intelligence sa live chat ay sinabi nitong baka artificial lang ang feelings ng dating aktor para sa kanya.
“Uy, hindi ah. Totoo yung feelings ko sa ‘yo,” sagot ni Onemig.
Pahayag pa niya, 29 years na siyang naghihintay na suklian ni Aiko ang kanyang pagtingin.
Read: Onemig Bondoc recalls Red Sternberg’s last call before his death
REJECTED IN SUBIC?
Unang pinag-usapan ang koneksyon nina Onemig at Aiko nang mag-guest ang dating aktor sa vlog ng aktres noong December 6, 2025.
Dito ay ibinulgar ni Onemig na dati na siyang nanligaw kay Aiko. Aniya, hinintay niya raw ang actress-politician sa Subic ngunit hindi ito dumating.
“I was waiting for three hours and my friends didn’t know that I was waiting for someone, so hindi sumipot, so, I guess basted ako,” saad ni Onemig.
Sa parehong vlog ay kinumpirma ni Aiko ang kuwento.
“Ako yung hindi sumipot. Bahala na kayo, sige na cheers tayo, sisiputin na kita sa Quezon City,” saad ni Aiko habang tumatawa.
Read: TAPE Inc., di pa bayad ang TF nina Chariz, Buboy, Dasuri
FINALLY TOGETHER?
Balik sa Tiktok live, sinagot ni Aiko ang tanong ng isang viewer kung bakit magkasama na silang dalawa.
“Sinipot ko na kasi siya. Nag-usap kaming mabuti,” sabi ni Aiko.
May paglilinaw din si Aiko kung bakit hindi niya noon sinipot ang TGIS star.
“Probably kasi I wasn’t ready at the time, and I thought that he wasn’t serious,” pahayag ng aktres.
Sinagot din ni Aiko ang tanong kung bakit hindi na lang maging sila ni Onemig.
“Bakit nga ba? Soon. Who knows?” sagot niya.
Itinanggi rin ni Aiko ang agam-agam na showbiz lang ang paglitaw nila ng actor-turned-businessman.
Aniya, “Hindi po kami gagawa ng pelikula nga po. Wala po kaming any project together. You know naman that Onemig is not active anymore in show business. So it has nothing to do with tsismis o whatever.”
Sabat ni Onemig, “We’re just friends. Real friends.”
Read: Sharon Stone, suwabeng nagtaray sa bastos na young stars