PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Manzano reacts to power-couple blind item

Luis Manzano reacts to hiwalayan rumors
by Mark Angelo Ching
Published Jan 14, 2026
Luis Manzano denies power couple blind item pertains to him and Jessy Mendiola
Luis Manzano denies "power couple" blind item pertains to him and Jessy Mendiola.
PHOTO/S: @philip.viktor via @luckymanzano Instagram

Nagbigay ng reaksiyon si Luis Manzano sa usap-usapan tungkol sa "power couple" na mala-fairtytale marriage ang public image sa showbiz pero mayroon daw palang itinatagong marital conflict.

Diumano, ilang beses nang nambabae si mister.

At nitong huli ay hindi na umano kinaya ni misis na napaiyak pa raw sa harap ng mga kaibigan.

Pero kahit may third-party issue ay tila handang magtiis si misis.

Ilang celebrity couples ang inuugnay ng ibang netizens sa isyu.

LUIS MANZANO'S REACTION

Sa parte ni Luis, kaswal niyang pinabulaanang hindi sila iyon ng kanyang asawang si Jessy Mendiola.

Ni-repost pa Luis ang post sa X na may kalakip na screenshot ng blind item.

"Sleep lang po ako, di po kami," malamang post ni Luis sa kanyang X account noong Biyernes, January 9, 2026.

Sina Luis at Jessy ay nagpakasal noong Pebrero 2021. Ang anak nilang si Peanut ay tatlong taong gulang na.

Unang lumabas ang blind item sa Facebook page ng isang online lifestyle magazine noong January 6, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Related articles:

A COUPLE OF DENIALS

Sa pag-react ni Luis, tuluyan na niyang tinuldukan ang usapang sila ng asawang si Jessy Mendiola ang tinutukoy ng tsismis.

Hindi lang si Luis ang nagbigay ng opinyon ukol dito.

Nariyan sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Noong January 8, 2026 ay si Marian mismo ang tumanggi rito sa pamamagitan ng pagtawag sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributor at Marites University co-host na si Rose Garcia.

Ayon kay Rose, nagpadala pa si Marian ng litrato nila ni Dingdong na magkasama noong mga oras na kinumusta ni Rose si Marian.

Dinismiss lang ni Marian, at sinabing sanay na umano siya sa pang-iintriga sa kanila ni Dingdong.

Isa rin si Dennis Trillo, na dinepensahan ang asawang si Jennylyn Mercado.

Bukod kasi sa issue ng hiwalayan ay may usap-usapan ding may hidwaan umano sa pagitan ni Jennylyn at ang mga magulang ng Kapuso actor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinabulaanan ito ni Dennis sa isang Facebook post.

“Sa mga hindi po nakakakilala sa aking asawa, isa siya sa pinakamabuting tao sa buhay ko. Isang pribilehiyo na ako ang pinili niyang makasama habang buhay.

“Ang mga magulang ko naman ay may edad na po. Hindi din sila showbiz at tahimik lang sila na namumuhay... wag naman sana sila bigyan ng isyu,” saad ng Green Bones actor.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano denies "power couple" blind item pertains to him and Jessy Mendiola.
PHOTO/S: @philip.viktor via @luckymanzano Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results