PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will Ashley, Mika Salamanca Hong Kong trip sparks mixed reactions

Mika and Will's fans reportedly reached out to their idols as well.
by Rachelle Siazon
Published Jan 16, 2026
Mika Salamanca and Will Ashley spending time together in Hong Kong spark romance rumor; Mika's manager speaks up.
Will Ashley and Mika Salamanca spending time together in Hong Kong spark romance rumor; Mika's manager says the two are "good friends."

Naging tampulan ng espekulasyon ang kumalat na mga litrato nina Will Ashley at Mika Salamanca na magkasamang nagbakasyon sa Hong Kong.

Apat na litrato iyon.

Ang unang litrato ay selfie nila na magkayakap sa whale fountain sa may entrance ng Hong Kong Disneyland.

Pareho silang nakasuot ng black face mask at cap para marahil hindi makatawag ng pansin habang sila ay namamasyal sa pamosong theme park.

Mahihinuhang si Will ang kumuha ng litrato base sa puwesto ng kanyang kanang kamay.

"Team Kolorum," saad sa text caption sa litrato.

Read: Beauty queen Sara Jane Paez passes away at 57

Will's selfie with Mika at Hong Kong Disneyland
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ikalawang litrato ay mirror selfie rin si Will na kasama si Mika na kuha sa ibang lugar. Sa puntong iyon ay dala nila ang kanilang mga maleta.

Mahihinuhang si Will din ang kumuha ng litrato dahil siya ang may hawak ng phone.

"Welppp that was quick," saad sa text caption sa litrato.

Pareho silang walang face mask.

Ang ikatlong litrato ay litrato ni Will na nakaupo sa isang table na may naka-serve na dalawang bowl ng ramen.

Nakaakmang kumukuha si Will ng litrato gamit ang kanyang mobile phone sa kung sinumang katapat niya sa table.

Mika Salamanca Hong Kong trip with Will Ashley and friends
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang ikaapat na litrato ay litrato ni Mika na akmang kumukuha rin si Mika ng litrato ng sinumang nakaupo sa katapat niya sa table.

Kuha rin sa litrato ni Mika ang dalawang bowl of ramen tulad ng nasa litrato ni Will kaya mabilis na natukoy na magkasama sila roon.

Mika Salamanca Hong Kong trip with Will Ashley and friends

Kung titingnan ang mga litrato, malinaw na hindi iyon paparrazi shots dahil tatlo rito ay makikitang si Will ang may hawak ng telepono, at ang isa ay si Mika naman ang may hawak ng telepono.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi iyon nailathala sa official social media accounts ng dalawa.

Noong una ay hindi pa agad pinaniwalaang legit ang kumalat na photos nina Will at Mika.

Si Mika ay Kapamilya Big Winner habang si Will ay Second Big Placer sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, ang reality show na umere mula March-July 2025.

Kilala sila pareho na may kanya-kanyang katambal, kaya curious agad ang fans kung sino ang mga kaibigan at nakakasama ng kani-kanilang mga idolo.

Katambal ni Mika si Brent Manalo, at kilala sila sa uniname na MikBrent.

Katambal naman ni Will si Bianca de Vera, at kilala sila sa uniname na WillCa.

MIKA SALAMANCA MANAGER SPEAKS UP

Noong January 13, 2025 PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Mica na si Jan Enriquez.

Kinumpirma ni Enriquez na sina Will at Mica nga ang nasa litrato.

"Yes, group sila na nag-HK for a quick trip," saad ni Enriquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tungkol sa ugnayan nina Mika at Will, dagdag niya: "Since PBB Collab, Mika and Will have been good friends. Nothing romantic or anything.

"We are aware of this trip and we don't see anything wrong with it."

Read: Liza Soberano 2023 loveteam statement resurfaces amid WilCa issue

WHO UPLOADED WILL AND MICA'S PHOTOS ONLINE?

Isang di matukoy na netizen ang nag-upload ng mga litrato nina Will at Mika sa social media.

Inilathala iyon sa Reddit ng isang uploader kalakip ng caption na nilapag daw niya iyon sa isang public platform dahil "naaawa ako kay Bianca..."

Hindi na mahanap kung sino ang nag-upload dahil sinasabing dinelete agad ang post.

Himutok naman ng uploader, inaatake raw si Bianca de Vera ng bashing dahil sa Thailand trip nito kasama ni Dustin Yu, gayong sina Will at Mika ay nagbakasyon din naman daw pala sa Hong Kong.

Nang-iintrigang susog pa ng uploader: "Tapos tahimik lang sila LOLOLOLOL."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Love triangle sina Bianca, Dustin, at Will sa MMFF 2025 entry na Love You So Bad.

At kamakailan nga ay nagkaroon ng tensiyon sa fans nina Bianca, Will, at Bianca dahil sa sinasabing pagpabor ni Bianca kay Dustin nang magbakasyon sila sa Thailand.

Dagdag pa rito ang pag-alma ng ibang fans nina Will at Bianca sa isang video ni Bianca kunsaan binanggit nitong may mga "basher" sila ni Dustin na pinangungunahan si Bianca kung ano ang nararapat sa kanya.

Nauwi iyon sa pagtatalo ng ibang fans at pagpuntirya kay Bianca, habang ang iba namang WillCa fan groups ay naghayag na pansamantala silang hihinto para magpahinga sa mga isyu.

Read: WillCa fans take a "pause"; DustBia spotted in Thailand

Base sa usap-usapan online, sinasabi ng ibang netizens na waring gusto ng sinumang nag-upload sa Reddit ng photos nina Will at Mika sa Hong Kong na mabaling ang atensiyon sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasagsagan ng isyu, naglabas ng statement ang isang grupo ng MikBrent fans.

Waring gusto ng uploader na malipat ang atensiyon kina Will at Mika.

Noong January 13, 2026, inihayag ng MikBrent fans na nakausap daw nila si Mika.

Kinumpirma ng fan group, na may higit 13,000 followers sa X, na napag-alaman nilang may kasamang mga kaibigan si Mika sa Hong Kong at sumunod lang daw si Will roon.

Umapela rin ang MikBrent fans na huwag na raw bigyan ng “romantic narratives” ang pagbabakasyon nina Mika at Will.

MikBrent fans on Mika Salamanca and Will Ashley Hong Kong trip
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong January 14, naglabas din ng statement ang isang grupo ng fans ni Will na may X handle na @TeamWillOFC na may higit 13,000 followers.

Ayon sa statement, nakausap din daw ng grupo si Will.

Tugma ang impormasyon ng fan group ni Will sa sinasabi ng MikBrent fans na sumunod lamang si Will sa Hong Kong trip ni Mika at ng ilan pa nilang kaibigan.

Sinasabi rin ng fans ni Will na sa pagkakaalam nila ay “good friends” lang daw sina Will at Mika.

“Group trip yun, hindi romantic,” sabi ng grupo.

Will Ashley fans on Mika Salamanca and Will Ashley Hong Kong trip
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Fandom ng WilCa, DustBia, MikBrent/BreKa masusubukan sa MMFF 2025

MORE QUESTIONS ABOUT "THE LEAKED PHOTOS"

Samantala, nag-iwan naman ng malaking palaisipan ang pahiwatig ng MikBrent fans na “private photos” nina Will at Mika ang kumalat na mga litrato nila sa Hong Kong.

Ilang pinagkakatiwalaang kaibigan lamang daw ang pinagsabihan ni Mika tungkol sa Hong Kong trip.

Kaya hindi malinaw kung paano nag-leak ang photos nina Will at Mika kung sinasabi ng fans na galing iyon sa “private account” sa social media ng dalawang stars.

Pahiwatig ng MikBrent fans, may nakakaalam ng "private account" sa social media nina Mika at Will ang nag-nitpick sa mga litrato ng dalawa, nilathala online, at sinusugan pa ang ibang netizens na bigyan ito ng malisya.

Ganoon din ang nabanggit sa statement ng isang grupo ng fans ni Will.

"Photos leaked were taken out of context with clear malicious intent, even going as far as adding captions in the said photo," bahagi ng statement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung anu't ano man, sina Will at Mika ay naging malapit na magkaibigan kahit nasa loob pa lang ng Bahay ni Kuya.

Bahagi sila ng "Pamilya De Guzman" o grupo na kinabibilangan nina Klarisse de Guzman bilang "mowm", Mika bilang panganay, Esnyr at Shuvee Etrata bilang twins, at Will bilang bunso.

Sa vlog ni Mika noong August 13, 2025, inamin ni Will na si Mika ang natitipuhan niya sa housemates, tulad ng inamin niya sa housemates noong first week pa lang noon ng PBB.

Kaya marahil hindi maiwasan ng iba na maugnay ang dalawa.

Pagkatapos ng vlog na iyon ay naging abala na sina Mika at Will sa kani-kanilang loveteams.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Ashley and Mika Salamanca spending time together in Hong Kong spark romance rumor; Mika's manager says the two are "good friends."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results