Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Kylie Padilla likes the Philippines better than Australia

by Nitz Miralles
Sep 7, 2008
"I'm very artistic, very girly na marunong lumaban. I'm also a very loving person, I'm sweet at ‘pag nagkamali ako, itatama ko. I'm very secretive at sa food, favorite ko lahat especially fish and chicken at gusto ko ng paksiw. I wear a size 8 ½ shoes and my favorite color is pink," Kylie Padilla describes herself.


Almost two hours kausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang magkapatid na Queenie Padilla, 17, at Kylie Padilla, 15, sa isang "one-sided lunch" sa Taste of L.A. sa Roces Avenue, Quezon City, last September 4. One-sided dahil kami lang ang kumakain dahil Ramadan, at sa paglubog pa ng araw puwedeng kumain ang magkapatid. Pareho kasing Muslim ang magkapatid, katulad ng kanilang ama na si Robin Padilla.

Queenie's real name is Rozelle Elizabeth at very proud na ipinaalam na combination ng pangalan ng amang si Robin at inang si Liezel ang kanyang pangalan. Ang full name naman ng kapatid niya ay Kylie Nicole, with Kylie as her screen name.

Two years ang agwat ng edad ng magkapatid at kahit in-admit na Kylie na mas close siya sa kid sister niyang si Zhenzhen, at si Queenie ay mas close sa youngest nilang si Allih, hindi made-deny na love ng magkapatid ang isa't isa.

Continue reading below ↓

Ilang beses silang nagyakapan sa harap ng PEP, lalo na kung na-feel nilang na-hurt nila ang feelings ng bawat isa. Touchy person din si Kylie na maya't maya, nakahawak sa braso ng kanyang ate. Sabagay, minsan na nitong na-declare na "I'm the number one fan of my ate" who is into singing.

Habang kausap ang magkapatid, hindi kami nagtaka kung bakit very proud si Robin sa mga anak dahil mahal at nirerespeto silang mga magulang at mahal ang mga kapatid nila; pati ang Ate Camille nila, na anak ni Robin sa dating artista na si Leah Orosa. The sisters volunteered that their 18-year-old sister is in the States and lives with her mom. Nang mag-debut daw si Camille, isa pa si Queenie sa mga kumanta sa party nito.

"Mas gusto namin dito tumira, kasi sa Australia malungkot. Dito nakakagimik kami at masaya ‘pag family outings dahil marami kaming magpipinsan. Si Allih lang ang ayaw umuwi rito, maiiwan daw ang girlfriends niya sa Queensland!" pambubuking ni Kylie sa bunsong kapatid.

Continue reading below ↓

Adjusted na rin si Kylie sa showbiz mula nang lumabas sa Joaquin Bordado at hinihintay ang Panday Kids, next project daw niya sa TV, at ang pagsisimula ng pelikulang Bandana Gang to be directed by her dad Robin and Deo Fajardo, their manager.

Third year high school si Kylie; sa college, gusto niyang mag-enroll sa Visual Arts. She's into drawing, painting, sketches, singing, dancing, and sports.

Aniya, "First dream ko rin ang maging singer, nauna lang akong naging artista. Favorite singer ko sina Regine Velasquez, Kyla, Mandy Moore, and Delta Goodrem, an Austalian singer. Sa actors, siyempre my dad at si Zhang Ziyi of Memoirs of A Geisha. Gusto kong mag-aral ng piano."

Ni-request naming kumanta si Kylie at pinagbigyan niya kami. Kinanta niya ang "Kailangan Ko'y Ikaw"ni Regine Velasquez at "If I Could Love Agaim" ni Barry Manilow. She has the sweetest voice at nagtataka kami kung bakit hindi pa siya nagge-guest sa SOP o SiS.

Continue reading below ↓

PEP asked Kylie to describe herself at heto ang sagot niya: "I'm very artistic, very girly na marunong lumaban. I'm also a very loving person, I'm sweet at ‘pag nagkamali ako, itatama ko. I'm very secretive at sa food, favorite ko lahat especially fish and chicken at gusto ko ng paksiw. I wear a size 8 ½ shoes and my favorite color is pink."

Kahit hindi itanong, obvious na pink nga ang favorite color ng bagets dahil yun ang color ng dress niya at bangles.

Kinorek din ni Kylie ang biro ni Queenie na hindi siya nagse-share ng kinita niya sa showbiz. Ang tulis ng nguso nito nang sabihing, "Hindi ako madamot, careful lang ako sa money ko."

Read Next
Read More Stories About
Kylie Padilla, Queenie Padilla
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I'm very artistic, very girly na marunong lumaban. I'm also a very loving person, I'm sweet at ‘pag nagkamali ako, itatama ko. I'm very secretive at sa food, favorite ko lahat especially fish and chicken at gusto ko ng paksiw. I wear a size 8 ½ shoes and my favorite color is pink," Kylie Padilla describes herself.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results