Sinampahan ng reklamong cyberlibel ng bilyonaryong si Enrique Razon Jr. si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga.
Si Razon ang may-ari ng Solaire Resort and Casino at chairman ng port operator na International Container Terminal Services Inc. (ICTSI).
Siya rin ang pangalawa sa kinikilalang pinakamayamang Pilipino base sa tala ng Philippines' 50 Riches 2025 ng Forbes Asia.
Read: Sy Siblings, Villar Top 50 Richest 2023
Isinumite ni Razon ang reklamo sa Makati Prosecutor’s Office nitong Miyerkules, January 14, 2026.
Ayon sa abogado ni Razon na si Atty. Laurence Arroyo, may kaugnayan ang reklamo sa Facebook post ni Barzaga noong January 9, kunsaan idinawit umano ng kongresista ang negosyante sa mga katiwalian sa Kongreso.
Kabilang sa mga paratang ang umano’y panunuhol ni Razon sa ilang miyembro ng National Unity Party (NUP) upang suportahan si dating House Speaker Martin Romualdez noong 2025 midterm elections.
"The basis of this complaint of ours is precisely our position that what he said was false and malicious," pahayag ni Arroyo nang makapanayam siya ng media.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay burado na ang nasabing Facebook post ni Barzaga.
KIKO BARZAGA SAYS HE'S READY TO FACE ENRIQUE RAZON JR. IN THE COURT
Hindi naman nagpatinag si Barzaga sa reklamong inihain laban sa kanya ni Razon.
Sa kanyang Facebook post nitong Miyerkules, January 14, sinabi ng kongresista na handa siyang harapin si Razon sa korte upang patunayan ang aniya’y suhulan sa Kongreso.
Mababasa sa kanyang post: "I am prepared to face Enrique Razon in court, the sooner, the better! #IkulongSiRazon."

NUP to take legal action against Kiko Barzaga
Samantala, bago pa man ang paghahain ng reklamo ni Razon, inanunsiyo na ni House Deputy Speaker at NUP chairman Ronaldo “Ronnie” Puno na maghahain din siya, kasama ang iba pang miyembro ng partido, ng hiwalay na reklamo laban kay Barzaga.
"The allegations are baseless, reckless, and malicious... We will see him in court, since he chose to malign all members of the NUP—a party once led by his own father and one that he himself joined," ayon kay Puno.
Read: Carla Abellana quips about outlasting her first marriage
