Sumuko ang aktor at dating senador na si Ramon“Bong” Revilla Jr. sa Camp Crame, Quezon City, ngayong Lunes ng gabi, Enero 19, 2026.
Ito ay ilang oras matapos ilabas ng Sandiganbayan ang warrant of arrest dahil sa mga non-bailable na kasong graft at malversation of public funds na isinampa laban sa kanya kaugnay sa pagkakasangkot niya sa maanomalyang flood control project sa isang bayan sa Bulacan.
Read: Sandiganbayan issues arrest warrant vs former Senator Bong Revilla
Kasama ang kanyang misis na si Cavite Second District Representative Lani Mercado at mga tagasuporta, nakunan ng video ang pagdating ni Revilla sa Camp Crame. Pero hindi siya nagpaunlak magsalita sa mga reporter na sumalubong sa kanya.
REVILLA MAINTAINS INNOCENCE AMID ALLEGATION
Bago ang kanyang pagsuko, naglabas ng saloobin si Revilla sa pamamagitan ng video na mapapanood sa official Facebook page niya.
Nasa loob ng sasakyan si Revilla, papunta sa Camp Crame, habang kinukunan ng video.
Bakas ang matinding kalungkutan sa mukha at boses ni Revilla na malalim ang mga buntong-hininga sa kanyang pahayag.
Read: Bong Revilla faces malversation, graft raps over flood control
Saad niya: “Magandang gabi po, mga kababayan.
"Nakatanggap po kami ng impormasyon na lumabas na yung aking warrant of arrest.
"Nakakalungkot po, parang wala yatang due process.
“Pero ganun pa man, haharapin ko ito nang walang takot at alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos dahil wala po akong kasalanan dito.
“Hihilingin ko lang, hihingi ako ng panalangin at patatagin ninyo rin po ang aking pamilya.
"Hindi ko po maipaliwanag ang nararamdaman ko, sa totoo lang. Napakasakit po para sa akin at para sa aking pamilya.
"Yun lamang po, maraming-maraming salamat. Alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos.
"Thank you po sa inyong lahat. Please pray for me."
Dati nang nakulong si Revilla sa PNP Custodial Center ng Camp Crame, mula Oktubre 2014 hanggang Disyembre 2018, dahil sa pagkakasangkot niya noon sa PDAF scam kaya sinampahan siya ng plunder na isang non-bailable case.
Read: Escudero, Villanueva, Estrada, Revilla face prosecution over flood control mess