Tuloy na tuloy na ang pag-ere ng bagong game show ni Willie Revillame na Wilyonaryo sa January 25, 2026.
Pero taliwas sa mga naunang ulat, hindi ito sa TV5 mapapanood kundi sa sariling website ng show, ang wilyonaryo.com.
Posible pa rin daw itong magkaroon ng tahanan sa free TV, pero inaayos pa iyon ni Willie sa ngayon.
Ito ang inanunsiyo ni Willie sa solo press conference niya para sa Wilyonaryo, na ginanap sa Seda Hotel North ngayong Martes, January 20, 2026.

WILLIE REVILLAME ON FOILED TV5 AIRING
Unang ipinaliwanag ni Willie sa press kung bakit hindi natuloy sa TV5 ang pag-ere ng Wilyonaryo.
Noong kasing December 21, 2025, kinumpirma ni Willie sa Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na 9 P.M. ang timeslot ng Wilyonaryo sa TV5.
Read: Dry run ng Wilyonaryo, live na mapapanood ngayong gabi
Naanunsiyo rin ang pag-ere ng show sa TV5 sa official Facebook page ni Willie noong December.
"Alam niyo naman nangyari sa TV5, change of leadership, di ba?" bungad na paliwanag ni Willie sa presscon ngayong araw.
Pagpapatuloy niya: "So, ang kausap ko talaga doon si Ms. Jane Basas.
"So medyo... Ayoko sanang banggitin 'to, pero wala na siya sa ngayon.
"So, sigurado yung contract nun, e, medyo aaralin muna nila."
Si Jane Basas ay ang dating president at chief executive officer ng MediaQuest, ang mother company ng mga media arm ng MVP Group of Companies, kabilang ang TV5, Cignal TV, The Philippine Star, at BusinessWorld.
Napabalitang nagbitiw sa puwesto si Basas noong January 9, 2026.
Read: Report: TV executive Jane Basas leaves MediaQuest
Noong November 17, 2025, base sa ulat ng Cabinet Files, binisita pa ni Basas ang studio ng Wilyonaryo sa WilTower sa Quezon City.
Kasama pa noon ni Basas si Sienna Olaso, vice-president ng Cignal. Si Basas ay dati ring president ng Cignal TV.
Read: Wilyonaryo studio ni Willie Revillame, binisita ng TV5 execs
Nag-test broadcast ang Wilyonaryo sa Cignal TV noong December 3, 2025.
Read: WilTV ni Willie Revillame, nag-test broadcast na sa Cignal
Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang reaksiyon ni Willie nang hindi matuloy ang pag-ere ng Wilyonaryo sa TV5, ipinaliwanag ng TV host na kumplikado raw kasi ang gaming mechanics ng show.
"Hindi ko itini-take na personal. Naiintindihan ko yun. Kasi mahirap talaga yung live streaming ka sa free TV kasi may gaming, e.
"Pero okay naman sa TV5 kung walang gaming. In fact, ang talagang schedule ko dapat doon 7-8 P.M. [primetime slot].
"Nung nalaman nila na mayroong bibili ng ticket at may gaming, siyempre you have to understand may MTRCB [Movie and Television Review and Classification Board].
"Baka ma-bash sila, 'Bakit mo pinapayagan yan? Baka feeling nila na, 'Sugal na 'to.'
"For me, hindi. It's a raffle game. Ang feeling ko dito, mas maraming mananalo, mas maraming matutulungan din, e," saad niya.
MECHANICS OF WILYONARYO
Ano ang ibig sabihin ni Willie na may gaming aspect ang Wilyonaryo?
Ipinaliwanag ni Willie na hindi lang studio contestants ang maaaring lumahok sa Wilyonaryo, kundi pati mismong viewers online, o pati TV viewers kung magkaroon man ng free TV ang show.
Ang main game ay tinatawag na "Wilpick."
Bawat contestant ay maaaring mag-register at makabili ng raffle ticket online via wilyonaryo.com.
Kada ticket ay nagkakahalaga ng PHP20.
Sa bawat episode ng Wilyonaryo ay mayroong tatlong raffle draws para sa "Wilpick," at bawat raffle draw ay may tsansa ang contestant na manalo ng grand prize na PHP1M.
Para manalo ang isang contestant, kailangang mag-match ang four letters at one color pick na mabubunot via electronic raffle/randomizer sa Wilyonaryo studio.
Mas maraming tickets, mas marami ang tsansa para manalo sa game show ni Willie na may gaming license mula sa PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporation.
Paliwanag pa ni Willie sa PEP: "Sa PHP60 [or three tickets] na bibilin mo, puwede kang maging milyonaryo, e.
"Kasi hindi ka naman nagsusugal 24 oras, e. You'll just have to wait during the time na mag-o-open na ako ng kahon. Yun ang pinaka-main game, yung 'Wilpick.'
"Kaya eto yun, kaya nga mamaya gusto kong ilaro natin para maramdaman niyo kung nagsusugal ka ba? Hindi, e. It's a raffle game.
"May Christmas party, raffle. Di ba? Kahit naman sa mga ibang mga okasyon, may raffle.
"So, yun ang naisip ko, mas maraming mananalo."
willie revillame ongoing nego with CIGNAL TV
Sa kabilang banda, ibinalita ni Willie na ongoing pa ang pakikipagnegosasyon niya para magkaroon ng WilTV sa Channel 10 ng Cignal TV.
Ang Channel 10 ang tinitingnan niyang posibleng maging tahanan ng Wilyonaryo sa free TV.
"Pero hopefully, yung Channel 10 ng Cignal, e, kung maaayos namin ang pag-uusapan ang contract, baka yun matuloy if ever na okay sa kanila.
"Siyempre you have to understand dahil meron tong pagbili ng ticket, di ba? So, kailangan ingatan talaga. Hindi puwede sa free TV.
"But I think sa Cignal naman pupuwede kasi alam ko may karera sila doon, may billiards.
"So, hopefully, kung magugustuhan nila, I'm willing na sana magkaroon kami ng Channel 10 sa Cignal."
STUDIO
Kinumpirma rin ni Willie na ang studio ng Wilyonaryo ay sa WilTower.
Dahil karamihan ay online viewers ang kalahok sa main game segment o "Wilpick" ng Wilyonaryo, naghahanda si Willie ng ibang segments para naman sa studio audience.
