PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boobay faints onstage during Mindoro event, alarming fans

Co-Kapuso comedian Super Tekla quickly takes over to keep the show going.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 21, 2026
Fans worried after Boobay faints on stage during Mindoro event
Netizens worry as TV host-comedian Boobay collapses during a live show in Bansud, Oriental Mindoro. Despite the incident, he resumes performing after a brief pause.
PHOTO/S: Boobay on Facebook/Screengrab on TikTok

Nag-alala ang mga tagahanga ng TV host-comedian na si Boobay nang bigla siyang mag-collapse sa gitna ng kanyang pagtatanghal sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro, noong Lunes, January 19, 2026.

Nakunan ng video ng ilang dumalo sa event ang unti-unting pagtumba ni Boobay hanggang sa mawalan siya ng malay.

Ayon sa mga saksi, kakantahin na sana nito ang ikalawang awit sa kanyang solo performance nang bigla siyang mapahinto.

Kapansin-pansin sa video na simula pa lamang ay tila nahihilo na si Boobay.

Fans worried after Boobay faints on stage during Mindoro event
Photo/s: Boobay on Facebook/Screengrab on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kita rin ang kanyang paggewang hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa entablado na kanyang kinatatayuan.

Agad siyang sinaklolohan ng mga medic na nakaantabay at binuhat papunta sa backstage.

Fans worried after Boobay faints on stage during Mindoro event
Photo/s: Boobay on Facebook/Screengrab on TikTok

Nagmamadali ring pumanhik sa entablado ang matalik na kaibigan at ka-tandem ni Boobay na si Super Tekla para ituloy ang kanta ni Boobay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Magiging okay yan. Part po yan ng ano ni Boobay, ng kanyang sakit.

"Tuluy-tuloy tayo, kaya nandito po ako to [substitute] and everything. Araw-araw nandiyan po ako para sa kanya," pagpapakalma ni Tekla sa mga manonood.

Dagdag pa niya, "Just relax, guys. Okay lang po yan [si Boobay]. After five minutes babalik din po yan."

Hirit pa niya, "Para yang computer, nagsha-shutdown siya sa sobrang gamit.

"Ayaw kasing magpahinga ng gaga."

Boobay returns to the stage after a few minutes

At tulad ng sinabi ni Tekla, bumalik nga sa stage si Boobay makalipas lamang ang ilang minuto para ipagpatuloy ang naudlot niyang pagkanta.

Noong sandaling iyon ay naroon pa si Tekla sa stage.

Masiglang biro ni Boobay kay Tekla na tila walang nangyari: "Eto kasi, paano binanggit-banggit mo kasi si Lord kanina, ayan tuloy dumiretso ako.

"Bakla ka, dapat hindi mo binabanggit yon, ayan tuloy nangyari. Kasalanan mo yon, [Tekla]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Banat naman sa kanya ni Tekla, "Nasisi pa ako. Hoy, ilabas mo si Boobay."

Hirit naman ni Boobay, "Eto na lalabas na siya kasi kailangan niyang kantahin to.

"Kapag kasi hindi ko nakanta to, hindi kumpleto yung suweldo ko ngayong gabi.

Netizens worry about Boobay's health

Bagamat agad na nakabalik si Boobay sa kanyang ulirat ay hindi maalis sa ilang netizens na nakapanood ng video ang mag-alala para sa kalusugan niya.

Saad ng isang netizen (published as is), "Boobay, magpahinga ka. Health is wealth. Make time to rest dahil maikli lang ang buhay."

Sabi pa ng isa (published as is), "Noon pa siya ganyan e. Dapat nagpapahinga muna siya or don't take too much projects.

Read: Boobay, kinumpirmang pinagpahinga muna siya ng GMA-7

"Aanhin mo ang maraming pera kung may sakit ka naman. Health is wealth Boobay. Laging i-priority ang kalusugan."

Pag-aalala pa ng isa (published as is): "Nakakatakot kasi madalas siyang nagiging ganito. I hope magpahinga muna siya. Kailangan niya magpahinga at limitahan na lang muna yung mga kukuning event at projects."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Boobay seizure history

Hindi ito ang unang pagkakataong nahimatay si Boobay sa gitna ng kanyang performance.

Noong May 7, 2024, iniulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkahimatay ng kilalang komedyante habang siya'y magtatanghal sa ika-344 kapistahan ng bayan ng Aparri, Cagayan.

Read: Boobay, inatake ng silent seizure habang nagpe-perform

Kasama niya noon ang kapwa komedyanteng si Pepita Curtis sa kanilang palabas na ginanap sa Aparri Public Park.

Ang nangyari rito kay Boobay ay matatawag na silent seizure, bagay na nangyari rin sa live guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong April 21, 2023.

Read: Boobay, "nag-hang" habang ini-interview sa Fast Talk With Boy Abunda

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens worry as TV host-comedian Boobay collapses during a live show in Bansud, Oriental Mindoro. Despite the incident, he resumes performing after a brief pause.
PHOTO/S: Boobay on Facebook/Screengrab on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results