Nagpakitang-gilas si Phi Palmos sa mediacon ng National Arts Month (NAM) 2026 nitong Enero 20, 2026, Martes, sa Centro de Turismo Intramuros, Manila.
Very Delia D. ang pag-awit ni Phi, at ang kanyang mensahe ay swak sa tema ng NAM 2026 na “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting.”
Pahayag ni Phi: “Ngayong hapon po ay pinag-uusapan natin ang pagtuklas, pag-appreciate sa arts.
“At para sa akin po, importante na hindi mawala sa ating usapan yung equality when we’re dealing with arts.
“Kaya po ako nandito ngayon, kasi po, bakla po ako. ‘Ha?! Bakla ka?!’ Char, ayan.
“But kasama po ang mga sektor na ito, if we’re talking about these sectors... access arts and to appreciate arts, napakaimportante po nito.
“At maraming-maraming salamat po sa NCCA [National Commission for Culture and the Arts] dahil lagi tayong magkakasama sa pagbuo at sa paghanap at patuloy na pagtuklas at pagpapalaganap ng sining at kultura sa buong bansa.”
Matapos ang pagkanta ay bumeso si Phi sa NCCA Arts Ambassador na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Read: Brooklyn Beckham breaks silence on rift with parents David and Victoria Beckham

NAM 2026: MORE INCLUSIVE
Ikinatuwa ni Phi na mas inclusive ang NAM 2026, sabi nga ni NCCA Commissioner Dr. Lordinio Vergara nang isiwalat ang mga magpe-perform sa grand opening sa Pebrero 1 sa Open Air Auditorium ng Luneta Park.
Kabilang dito ang UST Singers, Echague, Isabela, Indak Guigenteno, Jobry, Philippine Ballet Theater, Bale Baleyan, Addlib, O Bar Divas, Monica Gana, Nicole Galindez, at Miss Grand International Emma Tiglao.
Meron din ditong Parada ng mga Sining, kung saan iso-showcase sa pamamagitan ng creativity at costume ang pitong art forms — Architecture and Allied Arts, Cinema, Dance, Dramatic Arts, Literary Arts, Music, at Visual Arts.

Nakangiting lahad ni Phi: “Alam mo, nakakatuwa. Kasi, I think yun naman talaga dapat. Na parang ano siya, right now, ang feeling ko, yung art should be democratized.
“Hindi na siya, like, high-brow. Hindi na siya ‘kung ito ang ginagawa ninyo, hindi yan art.’
“Parang everything that ignites feelings, yung parang meron kang mararamdaman na saya, lungkot, di ba?
“Parang dapat everything is being celebrated. Saka parang deserved ng drag community to be highlighted in such a way na… from a government institution.
“So, ang bongga! Ang bongga niya!”
Read: Sino si Delia D. at bakit "big opportunity" siya for Phi Palmos?
TOPLESS LAKBAYAW: IS IT ART?
Bonggang-bongga ang dancing macho men ng Lakbayaw sa fiesta ng Tondo, Manila noong nakaraang linggo.
Sining pa rin ba ang pag-indak at pagkaldag ng mga lalaking hubad-baro?
Natawa si Phi: “Alam mo, para sa akin, kung nakakapagpasaya ang isang bagay, if it brings people together — para sa akin, sining iyon.
“Kasi, tayo lang naman ang nagbigay ng guidelines. Noon, nagsimula lang ang teatro dahil may nangangaso, tapos nagkuwentuhan sila sa may siga.
“So, this can be a start. That can be a start. So, huwag nating i-judge kaagad. Parang para sa akin, iyun ang pakiramdam na ibinibigay niya.
“Pero siyempre, kunyari, kung tumatapak na iyan sa iba, ibang usapan na iyon. Pero as long as we enjoy it, it’s art.
“Let’s celebrate everything!”
Ang impresyon dati ng mga tao, kapag piyesta ng Tondo, normal ang lasingan at habulan ng saksak.
“True! Kaya nakakatakot!” bulalas ni Phi.
Pero ngayon, ang dating, ang saya-saya pala! Nakakaaliw na merong mga lalaki na sa kanilang panata, sumasayaw nang topless sa lansangan.
“Exactly! Exactly, di ba? So, ibig sabihin, something is happening na parang yung dating takot natin sa Tondo, ngayon ay meron tayong nilu-look forward na magpunta doon at hindi tayo natatakot,” saad ni Phi.
“So, para sa akin, masaya iyon. Something that should be appreciated.”
Read: Boom Labrusca slams topless male performers at Sto. Niño fiesta
PHI PALMOS ON VEILED INSULTS
Nag-e-evolve ang mga bagay-bagay. Patuloy ang mga pagbabago maging sa iba’t ibang larangan ng sining.
Tumango si Phi: “Tama! Dahil napakadaming ibinibigay sa atin, social media and everything, di ba?
“Para sa akin, tanggapin natin, i-appreciate natin. Then we discuss, how do we elevate it?”
Kagaya ng topless na Lakbayaw Hunks ay nakatanggap si Phi ng mga parunggit at pag-aglahi mula sa netizens.
Aniya, “Bakit daw bakla lang yung ginagampanan kong role, yung mga ganyan. E, parang hindi niyo naman tinatanong si Vilma [Santos], bakit nanay lahat ng roles niya?
“Bakit ako? Pag bakla ang mga roles ko, tinatanong niyo ako. So, para sa akin, hindi na siya dapat ganoon.
“Because characters are characters. At saka pagdating sa emosyon, di ba, wala namang babae o lalaki?
“Lahat tayo, nagmamahal, nasasaktan. Iba-iba ng hugis, but that’s it.”
Read: Boobay faints onstage during Mindoro event, alarming fans
Kakayanin ba niyang gumanap bilang straight na lalaki?
Napabuntong-hininga si Phi: “Ahhmm I think, kaya ko. Kaya ko. Kaya lang… meron lang akong… meron lang akong reservation.
“Na ano ba? Gagawin ko ba yon, yang pag-i-straight na yan para lang patunayan na na magaling ako?
“So, kung may dadating na straight role, at gusto ko yung role, why not? Ayoko lang na it’s being offered to me kasi kailangan kong gawin para patunayan na mahusay ako.
“Ayoko lang yung ganun.”
Mas gusto niyang bigyan ng representation ang LGBTQIA+ community? Kagaya ni Delia D. sa eponymous musical?

“Yes. Oo. True. So ako, I will play all the gay roles na ibibigay sa akin. Kasi, doon nakaka-relate yung community ko,” pagmamatuwid ni Phi.
“At saka for the longest time, di ba? Ang hirap, e. So, yun.”
Kung gaganap siyang straight na lalaki, kaya ba niyang makipag-kissing scene sa "kapwa" babae?
“Kaya kong makipaghalikan sa kapwa baba… kapwa babae?! Pero kaya kong makipaghalikan sa babae,” sey ni Phi.
“Ano lang yan, it’s building relationship, and being comfortable. Pero kaya ko!”
Pero mas gusto niya kung lalaki ang ka-kissing scene?
Mabilis at walang pag-aatubiling tugon ni Phi, “Siyempre naman! Kasi, hindi kailangan ang chemistry doon. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Read: TV5 affected ng naunsiyaming ABS-CBN deal; MVP, nagpatawag ng emergency meeting?
