Hindi isyu para kay Manny V. Pangilinan nang hingan siya ng reaksiyon sa mga lumalabas pa ring balita tungkol sa pagkawala ng ABS-CBN programs sa TV5.
Nagpaunlak ng maiksing panayam si MVP sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa sidelines ng live telecast ng Vibe sa Meralco Theater noong January 18, 2026.
Dito ay natanong si Pangilinan, o kilala rin sa initials niyang MVP, tungkol sa napabalitang pagkalas ng TV5 sa five-year content partnership nito sa ABS-CBN noong December 2025.
Direktang sagot ni MVP, "Wala na, tapos na yon. It's regretful, but it is what it is, right?"
Tiniyak naman ni MVP na bukas pa rin ang TV5 sa blocktimers o pag-ere ng mga programang iprinodyus ng independent content providers, kabilang ang ABS-CBN at kahit ibang TV network.
"TV5 got to work with content houses, which ABS is one of them, and [it's] a major content house.
"We're prepared to continue working with them as a content provider and with the other content houses, including possibly even GMA. We could work together in some of the content."
May tsansang makipag-collab ang TV5 sa rival network na GMA-7?
"Of course, they have to agree," paglilinaw ni MVP, na nagsabing bukas siyang makipag-usap sa top executives ng GMA.
Diin niya patungkol sa TV5: "We're open. Friends of everyone and enemy of no one, right? This industry is too small to be overly competitive."
Bago pa man matapos ang taong 2025, usap-usapan na maraming mga bagong plano ang TV5 at mas palalakasin pa ito sa pamumuno ni MVP.
Sa mga aabangang programa sa TV5 ngayong 2026, sabi ni MVP: "Marami, marami. We've been meeting many times these past two weeks or so."
- ABS-CBN responds to TV5 pulling the plug on content partnership
- ABS-CBN signs deal with ALLTV, says TV5 partnership “settled”
- MVP, nagpatawag ng emergency meeting re: TV5 programming?
ON TV5'S COUNTDOWN SHOW VIBE
Sa isang banda, full support si MVP sa music countdown show ng TV5 na Vibe.
Aniya, "I'm happy with Vibe. I hope they'll keep it up. Continue to make changes to improve the quality of the show."
Ang hosts o Vibe jocks ay pinangungunahan nina Ryle Santiago, Joao Constancia, Ana Ramsay, Queenay, Maxie Andreison, at Dylan Menor.
Ang direktor ng programa ay si Johnny Manahan, o mas kilala bilang Mr. M.
Para sa special edition ng Vibe noong Linggo, January 18, ilan sa dumalong celebrity guests ay ang comedienne na si Tuesday Vargas at SexBomb members na sina Jopay Paguia at Shane Gonzales.
Nakilala raw agad ni MVP ang SexBomb, lalo pa't isa sa brands ni MVP ay sponsor ng matagumpay na SexBomb concert.
"Of course, 'Spaghetti' is my favorite food," nakagiting hirit ni MVP tungkol sa isa sa mga sikat na novelty songs ng Sexbomb na ang title ay "Spaghetti."
Hindi raw siya nakapanood sa dalawang gabi ng concert noong December 2025, pero nakatanggap na raw siya ng imbitasyon para sa Get, Get Aw, rAWnd 3, 4, at 5.
Pangunangang layunin ng Vibe ay mas palakasin ang OPM sa pamamagitan ng pag-feature hindi lang ng mga kilalang singers kundi pati newbie artists.
Sabi ni MVP: "We've long been a supporter of OPM many years ago. I think, when we started something, Ryan Cayabyab [show], and we continue to support...
"Hopefully, we get the kind of recognition and appreciation as the Korean [group] BTS and the likes. We have excellent singers to market and sell to the world."
