PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Imperial claims blind item on celeb’s new home is about her

Barbie Imperial says building her dream home is “pinagpaguran ko"
by Arniel C. Serato
Published Jan 21, 2026
Barbie Imperial on why she answered the blind item
Barbie Imperial reacts to a blind item about a "lovely celebs new posh home: "Ayoko lang mabahiran ng fake news yung pinaghirapan ko."
PHOTO/S: Instagram

Binigyang-linaw ni Barbie Imperial ang ilang detalye tungkol sa pagpapatayo niya ng dream house sa kanyang hometown, ang Albay sa Bicol region.

Kahapon, January 20, 2026, ibinahagi ni Barbie sa kanyang Instagram followers na nagdaos na sila ng groundbreaking sa lupang pagtitirikan ng kanyang dream house.

Karaniwang ginagawa ang groundbreaking bilang senyales sa pagsisimula ng pagtatayo ng isang gusali o bahay, katulad ng kay Barbie.

Base sa house plan design, two-storey house ang ipatatayong bahay ni Barbie.

Magkakaroon ito ng swimming pool kung saan matatanaw ang kagandahan ng Mayon Volcano.

The Mount Mayon view from the swimming pool of Barbie Imperial's dream house upon completion.
The Mount Mayon view from the swimming pool of Barbie Imperial's dream house upon completion.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng caption ni Barbie sa kanyang post: "nakakaiyak kasi sobrang pinagpaguran ko to ng ilang taon.. puyat, pagod, at ilang beses na iyak. huhu salamat sa diyos at syempre sa nagiisa kong lakas, mama.. para sayo to lahat."

Read: Barbie Imperial holds groundbreaking ceremony for house in Albay

BARBIE IMPERIAL REACTS TO A BLIND ITEM

Kaugnay ng ipinatatayong bahay ni Barbie sa Bicol, ni-repost ng Kapamilya actress ang screenshot ng blind-item report ng online news portal na radar.ph.

May titulo itong "BLIND ITEM: Who paid for the lovely celeb's new posh home in the south?"

Nilagyan ito ni Barbie ng mga salitang "FAKE NEWS."

Naniniwala ang aktres na siya ang tinutukoy sa naturang blind item.

Mensahe ni Barbie sa caption ng ni-repost niyang blind item (published as is): "Lol this is so obvious its about me.

"Hindi nalang kayo maging masaya. I can proudly say NO MAN helped me achieve this.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kung sino pa yung sarili mong kapwa pinoy talaga hihila sayo pababa.

"God bless you, whoever you are. Makagawa ka lang ng kwento. [face with tears of joy emoji] bye"

Barbie Imperial Instagram Story

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan ng Instagram direct messaging ngayong Miyerkules, January 21, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie kung bakit niya naisip na siya ang personalidad na tinutukoy sa blind tem.

Paliwanag niya (published as is): "For me naman po, I just had to clear it up because I saw comments na it was me and ako yung nagpost ng bagong bahay with a caption na medyo similar sa sinabi nila.

"Alam ko din na if hindi ko pigilan, yun yung kakalat. Ayoko lang mabahiran ng fake news yung pinaghirapan ko.

"Honestly wala akong time makipagtalunan sa kanila. Gets ko na trabaho nila yan.

"Okay na sa akin na clinear nila na hindi po ako yun. Also, wala naman ding masama na dinefend ko sarili ko. Yun lang po."

Nakalagay sa blind item na nagkakahalaga umano ng "multi-million" ang bahay na itatayo sa isang "ultra-exclusive village in the south."

Tanong ng PEP kay Barbie: "Multi-million din ba ang bahay na ipapatayo mo?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ng aktres: "Nasa probinsya yung bahay ko at madaming magso-sponsor like pintura, bintana, glasses, and madami pa.

"Hindi siya OA sa mahal, also architect ko pinsan ko so nakatipidtipid."

Nilinaw naman ng mga tagapamahala ng online site na naglabas ng blind item na ang "South" na tinutukoy sa report ay ang mga lugar na nakakabit sa Metro Manila o katimugang bahagi nito — Makati, Taguig, Pasay, Parañaque, Las Piñas, at Muntinlupa.

Malayo na masyado ang Bicol o Albay sa nakagawiang "South" na ituring ng Metro Manila residents.

Read: Manny V. Pangilinan addresses end of TV5 partnership with ABS-CBN

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial reacts to a blind item about a "lovely celebs new posh home: "Ayoko lang mabahiran ng fake news yung pinaghirapan ko."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results