Nagtungo si dating Senator Bong Revilla sa Sandiganbayan sa Batasan, Quezon City, nitong Biyernes ng umaga, January 23, 2026, para sana sa kanyang arraignment.
Nakasuot si Bong ng detainee shirt ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), jacket, at bullet-proof vest base sa video at ulat nina Maki Pulido at James Agustin ng GMA Integrated News.
Napaligiran din ang 59-year-old actor-politician ng pulisya na escort niya sa pagpunta sa anti-graft court.
RELATED STORIES
- Sandiganbayan, ipinag-utos na ikulong si Bong Revilla sa QC Jail
- Lani Mercado, humihiling ng due process para kay Bong Revilla
- Bong Revilla surrenders after Sandiganbayan issues arrest warrant
Namataang nakaposas din ang mga kamay ni Bong, pero sinasabing tinanggal din iyon pagdating niya sa loob ng Sandiganbayan Third Division courtroom.
Hindi nagpaunlak si Bong ng anumang panayam sa journalists at reporters na naroon.
Dumating din sa korte ang maybahay ni Bong na si Cavite Second District Lani Mercado-Revilla at anak na si Cavite First District Representative Jolo Revilla.
Pero hindi natuloy ang arraignment kay Bong, at na-reschedule ito sa February 9.
Read: Willie Revillame owns Grand Hyatt penthouses, 3 choppers, yacht
BONG REVILLA ALLEGED INVOLVEMENT IN FLOOD CONTROL SCAM
Si Bong ay nahaharap sa criminal information para sa graft at malversation of public funds kaugnay ng PHP92M ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Dawit sa kaso ang ibang kapwa niya akusado na sina Assistant District Engineer Brice Hernandez, Engr. Jaypee Mendoza, Engr. Arjay Domasig, Engr. Emelita Juat, Christina Pineda, at Juanito Mendoza.
Naghain ang kampo ni Bong ng mosyon na magkaroon ng reinvestigation, i-defer ang issuance ng warrant of arrest, at i-invalidate ang kasong isinampa ng anti-graft court laban sa kanya.
Hinihiling din ng kampo ni Bong na ilipat ang dating senador mula sa Quezon City Jail sa Payatas sa detention center ng Philippine National Police sa Camp Crame.
