Guilty beyond reasonable doubt ang hatol ng korte sa isang security guard na nag-viral noong 2023 matapos niyang ihagis mula sa footbridge ang isang tuta.
Read: Security guard in Quezon City mall fired after throwing puppy from footbridge
Kabilang sa parusang ipapataw sa guard ay pagkakakulong mula isang taon at anim na buwan o hanggang dalawang taon, at multang PHP100,000.
July 2023 nang mag-viral ang security guard na assigned noon sa isang mall sa Quezon City.
Nakipagtalo ito sa mga batang nagtitinda ng sampaguita.
Dahil ayaw umalis ng mga bata, inagaw ng guard ang hawak na tuta ng isa sa mga bata, at saka sinakal ito bago inihagis mula sa footbridge.
Nasawi ang tuta, pero isang nakasaksi sa pangyayari ang nag-post sa Facebook at inilahad ang insidente.
Maraming netizens ang nahabag sa tuta at nagalit sa security guard, kaya’t nag-viral ang post.
Read: Mall Guard Fired for Abusing Puppy
Ang Animal Kingdom Foundation (AKF) ang isa sa mga animal shelters na umaksiyon sa pangyayari.
Nakipag-ugnayan ito sa mga batang nagmamay-ari ng tuta.
Nagsampa rin ang foundation ng reklamong paglabag sa Animal Welfare Act laban sa guard.
Pinatalsik ng mall management ang security guard at nagsagawa rin ng imbestigasyon ang kinabibilangang ahensiya ng guard.
At makalipas ang higit dalawang taon, nakamit ang hustisya.
JUSTICE FOR THE PUPPY
Ang update ay ipinost ng animal shelter sa Facebook nitong January 22, 2026.
“Makalipas ang dalawang taon, napatunayang GUILTY BEYOND REASONABLE DOUBT ang security guard na naghagis ng isang tuta sa labas ng isang mall, tuta na walang kalaban-labang na itinuring na basura,” parte ng post ng foundation.
“Hatol ng korte: Paglabag sa Section 6 ng Republic Act No. 8485 (Animal Welfare Act), gaya ng inamyendahan ng RA 10631.”
Ikinatuwa nito ang hatol na ibinaba sa Metropolitan Trial Court Quezon City.
Pagpapatuloy ng foundation: “Hindi man agad, dumarating ang hustisya.
"Hindi man nakapagsalita ang mga hayop, may batas na nagsasalita para sa kanila.
“At ito ang malinaw na babala: ang kalupitan ay may kapalit.
“Para sa bawat tinapon, sinaktan, at pinatahimik—pananagutan ang haharap.”
Sa kopya ng desisyong na ipinadala ng AKF sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mababasa na ibinaba ang desisyon noong January 9, 2026, at ang date of promulgation nito o pagpapatupad ay January 22, 2026.
Ginawa ang paglilitis sa Branch 131 ng Metropolitan Trial Court Quezon City.
PENALTY FOR THE SECURITY GUARD
Sa kasunod na post, inisa-isa ng foundation ang mga parusang naghihintay sa guard na hinatulan.
Bungad ng AKF: “In July 2023, a security guard in a mall in Quezon City threw a puppy named Browny from a footbridge, leading to the animal's death. AKF pursued a criminal case and today we the verdict was out - GUILTY BEYOND REASONABLE DOUBT!”
Bukod sa kulong at multa, inutusan din ang guard na magbayad ng PHP20,000 sa owner ng tutang si Browny.
Narito ang mas detalyadong listahan ng penalities na ipinost ng foundation:
- One (1) year and six (6) months and one (1) day as minimum, to two (2) years of imprisonment, as maximum.
- A fine of Php100,000.00. In case accused is unable to pay the fine due to his insolvency, subsidiary imprisonment shall be applied as against him in lieu of the payment of the fine.
- Accused is likewise held civilly liable and must compensate the owner of Browny, the amount of Php20,000.00 by way of moral damages. Said amount shall earn 6% legal interest per annum due from finality of judgment of this decision until fully paid.”
Mensahe pa ng AKF: “May this ruling honor the life that was lost and serve as a warning that ANIMALS ARE NOT DISPOSABLE, and CRUELTY HAS CONSEQUENCES.
“We will continue to speak, fight, and demand justice for those who cannot. WE ARE THE VOICE OF THE VOICELESS.”
