PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Snooky Serna in a relationship for 10 years with Ramon Villarama

Snooky Serna admits she and Ramon not yet ready to get married.
by Rommel Gonzales
Published Jan 24, 2026
Snooky Serna in a relationship for 10 years with Ramon Villarama
Snooky Serna on why she and Ramon Villarama are not married yet: "We don’t want to be a bad influence naman. Siyempre maganda pa rin talaga ang may blessing. Kaya lang hindi rin naman maganda pa rin yung you get married just for the sake of getting married."
PHOTO/S: @snookyserna4466 Instagram

Going strong ang relasyon ni Snooky Serna at dating Bulacan vice-governor Ramon Villarama.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Snooky na bukod sa pagiging magkasintahan ay "BFF" o Best Friend Forever din niya ang nobyo.

Higit tatlong dekada na silang magkaibigan.

"We’re still BFFs, oo naman. I mean we’re still together. More than anything naman he’s my best friend.

"So ano na kami, thankfully ten years na kami," pagbabalita ni Snooky.

Nilinaw ni Snooky na hindi pa sila kasal kahit na legally ay puwede kung gusto nila.

"Puwede naman kaya lang we’re... We don’t want to jump, di ba? Na, sabihin nating, 'Okay sige ten years.' But then…"

Hindi tuwirang binanggit ni Snooky kung bakit hindi pa nila naisip na lumagay sa tahimik.

Pagpapatuloy ng 59-year-old actress: "And we don’t want to be a bad influence naman. Siyempre maganda pa rin talaga ang may blessing.

"Kaya lang hindi rin naman maganda pa rin yung you get married just for the sake of getting married."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang usisain kung di pa sapat ang sampung taon para makapagdesisyon sila na magpakasal, ang sagot ni Snooky, "Sabagay ten years na nga, but it’s working this way naman.

"We’re friends more than anything else."

Read: Snooky Serna asserts her faith over love for ex-Vice Governor Ramon Villarama

SNOOKY SERNA THANKFUL THAT RAMON LOST IN 2022 ELECTIONS

Nakausap ng PEP si Snooky sa grand mediacon ng House Of Lies, noong Lunes, January 12, 2026, sa Studio 6 ng GMA Annex Building.

Napag-usapan din ang pagktakbo sa kongreso ni Ramon noong 2022 elections.

"But thankfully, buti hindi kami nanalo," saad ni Snooky.

Bakit thankfully?

"Nakikita mo naman ang gulo natin ngayon," bulalas ni Snooky, na ang tinutukoy ay ang kontrobersiyal na imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects sangkot ang mga mambabatas.

"Ayoko talaga!" giit ni Snooky nang tanungin kung ayaw niyang manalo noon si Ramon.

Ipinagdasal niya?

"Parang ganun, I’m sorry to say," natawang pag-amin ni Snooky.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakapokus daw sa ngayon si Ramon sa negosyo nito.

"Ngayon he owns a school, Colegio de Calumpit. He is the Chairman of the Board."

May puwesto ba si Snooky sa eskuwelahan?

“Wala naman at the moment. But if they give me a kaukulang job na magagampanan ko naman, thank you, I would be very happy to be of service.

"Pero kasi mas gusto ko na dito ako sa showbiz."

Nang tanungin kung nag-ambisyon ba siyang pumasok sa pulitika, mariing tumanggi si Snooky.

"Naku! Parang hindi ko mape-perform na mabuti ang job. Hindi ako cut out for politics, no, no.

"And ito, I don’t wanna sound high-hearted, pero kung gusto ko namang mag-serve, puwede ka namang tumulong kahit na hindi ka nasa pulitika.

"Masama pa nga pag nasa politics kasi all eyes are on you, very ano iyan, e, polarized iyan e.

"Some people hate you, some people love you, extreme. Kahit ano ang gawin mo, damn if you do, damn if you don’t."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SNOOKY ON YOUNG STARS "NA MAY ATTITUDE"

Samantala, ikinuwento rin ni Snooky na nakaranas siyang makatrabaho ng mga kabataang artista na walang respeto sa mga beteranang artistang tulad niya.

Nang tanungin kung sino ang young star, sagot ni Snooky, "Ay, hindi ko na pangangalanan, 'no? Pero meron din naman. If I may be very honest, meron.”

Isang insidente raw ay yung naengkuwentro niyang aroganteng artista.

"Yung halimbawa ano kayo, magte-take na. Bago mag-take pala, may rehearsal, di ba? Tapos pag crying scene, siyempre bibigyan ka muna ng mga few seconds para makapag-internalize.

"Iiyak ka, pag ready ka na, ‘O ready na po.’ Take na.

"May mga nakasama na ako na parang nakikita mo na [nagme-make face na], ‘Tagal naman ready na ako!’ Yung parang ganun."

Hindi raw maintindihan ni Snooky kung bakit ganoon ang reaksyon.

"I don’t know what it is, over-confidence or lack of patience? Or I don’t know, arrogance? I don’t know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But it’s a shame, di ba? It’s on them, not on me."

Hindi naman daw masasabing cause of delay siya.

"Kasi ako naman, alam ko rin naman kung hindi naman ako magpapatagal ng mga 30 minutes, di ba?"

Hindi naman daw siya pa-diva na star.

"Alam ko naman where I stand. May mga ginagawa tayong shows na hindi naman ako yung bida.

"And even if I were the bida I will not do that. Hindi naman ako magpapahintay na. Hindi naman ako pa-diva.

"Kaya lang, iyon nga, unfortunately may mga nakasama lang ako na mga kabataan na may attitude talaga."

Hindi rin daw niya maintindihan iyong young stars na hindi marunong mag-hi man lang.

"At tsaka yung makikita ka sa gathering, gaganunin [tatanguan] ka lang. Parang barkada lang, parang tropa lang," natawang saad ni Snooky.

Hindi naman na raw niya pinagsabihan ang mga ito.

"Hindi, it’s not worth it."

Banggit namin kay Snooky, ang kasabayan niyang si Dina Bonnevie, pina-prangka ang young stars na may attitude.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tama naman din. Si Ate, alam mo naman matapang yun. Pero ako, I’m very retiring.

"At tsaka, parang siguro on that light na ako, e, very, ano ako... Parang I’m so, in a lot of ways todo-pasa ako, e. Very passive," pag-amin ni Snooky.

"So para sa akin, in the scheme of things, maliit na bagay na lang huwag ng pag-aksayahan ng panahon.

“Makakakakita rin ng katapat iyon.

“Pero, of course, you don’t wish for that. Kaya lang iyon talaga ang ano, e, what you sow you reap.”

ON REUNIONS

Lately ay nauuso ang reunion. Nag-reunion concert sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noong October 2023.

Nag-reunion sa Judy Ann’s Kitchen noong May 2024 sina Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, Mylene Dizon, Dominic Ochoa, at Marvin Agustin para sa birthday episode ni Judy Ann. Nagsama-sama ulit sila sa isang intimate Christmas party noong December 2025.

Nag-reunion sa isang dance concert noong Novemebr 2024 ang grupong Streetboys. Nag-reunion sa pelikulang Ex Ex Lovers sina Jolina at Marvin noong February 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At nito lamang December 2025 at hanggang ngayong February 2026 ay nag-reunion sa isang series of hit concerts ang SexBomb girls.

Kaya tinanong namin si Snooky kung wala bang balak na gumawa ng isang reunion movie silang mga original Underage girls na kinabibilangan ni Snooky, Dina at Maricel Soriano.

Blockbuster ang lahat halos ng mga pelikulang pinagsamahan nilang tatlo na nagsimula sa Underage noong 1980 mula sa Regal Films.

"Iyan ang gustung-gusto naming tatlo for the longest time!

"Kahit sa vlog namin gusto namin na, prayerfully, sana if our schedules will permit, kasi ang busy niyan, yung dalawang ate ko, ano.”

Si Snooky rin naman ay abala rin ngayon sa showbiz career niya.

"Well, ngayon na lang uli, awa ng Diyos," saad niya.

Hindi na maalala ni Snooky kung ano ang huling pinagsamahan nilang tatlo na pelikula.

"Sana nga, if ever, sana may makaisip nun, na kaming tatlo. Kung may audience pa rin, kung may mag-e-enjoy pa ring panoorin kaming tatlo together, I will be really more than willing to do it again.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May naiisip na nga si Snooky na proyekto para sa kanilang tatlo.

"Actually, pinag-iisipan naming tatlo yung parang The First Wives Club. Sabi namin si Dina si Goldie Hawn, si Diane Keaton ako, si Bette Midler si Marya.”

Ipinalabas ang naturang hit American movie noong 1996.

HOUSE OF LIES

Samantala, mapapanood si Snooky sa upcoming afternoon drama series ng GMA-7, ang House of Lies.

Nasa serye rin sina Kris Bernal, Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, at Kokoy de Santos, sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Nagsimula itong mapanood sa GMA Afternoon Prime noong January 19, 2026, sa ganap na 3:20 P.M.

Nasa serye rin sina Kris Bernal, Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, Snooky Serna, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, at Kokoy de Santos.

Ang direktor ay si Jerry Lopez Sineneng.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Snooky Serna on why she and Ramon Villarama are not married yet: "We don’t want to be a bad influence naman. Siyempre maganda pa rin talaga ang may blessing. Kaya lang hindi rin naman maganda pa rin yung you get married just for the sake of getting married."
PHOTO/S: @snookyserna4466 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results