May pinagdadaanan ba ang relasyon ngayon nina Kate Valdez at Fumiya Sankai?
Ito ang tanong ng kanilang followers makaraang mapansin ng mga ito ang biglaang pag-unfollow ni Kate kay Fumiya sa Instagram.

Habang si Fumiya ay nananatili pa ring naka-follow kay Kate.

KATE'S CRYPTIC IG STORIES
Nagpadagdag pa sa hinala ng publiko ang sunud-sunod na cryptic posts ni Kate sa kanyang Instagram Stories ngayong Lunes, January 26, 2026.
Dalawang quote cards ang ini-repost ni Kate patungkol sa pagpapakatotoo at pagkilala sa tunay na pagkatao ng isang tao batay sa kanyang aksyon kesa sa mga sinasabi lang nito.
Mababasa sa isang quote card (published as is), "Actions reveal who a person truly is. Words only show who they PRETEND to be."

Nakasaad naman sa isa pa (published as is): "The more honest you are about who you are, the faster what doesn't belong lets go of you."

Bukod sa mga quote card, kapansin-pansin din ang pagpo-post ni Kate ng lyrics mula sa kantang "Happier Than Ever" ni Billie Eilish at "Favorite Crime" ni Olivia Rodrigo.


Ang mga awiting ito ay tumatalakay sa pagtatapos ng isang toxic at manipulative relationship.
Walang inilagay na caption ang aktres kaya hindi tiyak ng kanyang mga tagasuporta ang tunay na mensahe sa likod ng naturang posts.
Read: Kate Valdez laughs off comment about Fumiya Sankai's sexuality
Sinubukang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Kate kaugnay sa espekulasyon ng netizens na posibleng hiwalay na sila ni Fumiya, ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa rin siyang tugon sa ipinadala naming mensahe via Instagram direct message.
KATE-FUMIYA RELATIONSHIP
August 28, 2024 nang isapubliko ni Kate ang espesyal na relasyon nila ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Fumiya.

Nangyari ito matapos kumalat ang larawan nilang dalawa na magkasamang namamasyal sa Hong Kong Disneyland noong August 24.
Sa panayam ni Kate kay Lhar Santiago ng 24 Oras, sinabi nitong regalo sa kanya ni Fumiya ang nasabing Disneyland trip.
Dating na ba sila?
Sagot ni Kate, "Sobrang happy kami sa isa't isa, sa presence ng isa't isa."
"Are you in love?" diretsong tanong ni Lhar.
Nakangiting sagot ni Kate, "Yes, yes, sobra. And I'm happy, and I'm grateful for him."
