Muli bang sasabak sa beauty pageant si Miss Universe Philippines 2025 first runner-up Winwyn Marquez?
Nabuhayan ng loob ang mga tagahanga ni Winwyn nang makita ang Instagram post niya kung saan nakasuot siya ng one-piece swimsuit.
View this post on Instagram
Pero paglilinaw ni Winwyn: "Alam mo, hindi ako nagpaparamdam. Hindi, nakakatawa, kasi nagpu-post lang ako.
"Hindi, kasi sinagot ko na nga sa Facebook, 'Abangan niyo po ako sa primetime.'
"Pero parang ayaw nila maniwala na sa primetime ako lalabas."
Ang tinutukoy ni Winwyn na "primetime" ay ang upcoming Kapuso action-drama series na Never Say Die.
Pero mukhang mas gusto ng kanyang followers na sa pageant siya makita.
Ani Winwyn, "Oo. Pinost ko na siya, 'Sa primetime niyo po ako abangan,' parang walang pumansin."
Miss Universe Philippines 2026 season na raw kasi ngayon kaya naka-one-piece na larawan ang kanyang post.
"Because it's MUPH season. We're gonna... you know, the top six.
"May bago nang Top Six sa susunod, e. So, I'm also excited to see the fresh batch, di ba?"
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media si Winwyn sa grand media conference ng Never Say Die, na magsisimula sa February 2, 2026, 8:55 ng gabi.
Gagampanan ni Winwyn ang role ni Theresa Park, a high-ranking member ng isang international drug syndicate.

Bida rito sina Jillian Ward at David Licauco
Kasama rin sa cast sina Richard Yap, Kim Ji Soo, Angelu de Leon, at Raymart Santiago.
Pati na sina Analyn Barro, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, Gina Alajar, at marami pang iba.

Read: Willie Revillame on why Wil Tower was built during Wowowee days
WINWYN MARQUEZ SAYS SHE RESEARCHED ABOUT MGI ALL STARs
Pero aminado si Winwyn na nag-research siya tungkol sa MGI All Stars.
Ang MGI All Stars ay ang bagong pageant ng Miss Grand International Organization.
Ang pageant ay isang exclusive global platform "for women and trans women who have distinguished themselves on international pageant stages, yet have not attained the ultimate title."
Ang edad na kuwalipikado rito ay 20 hanggang 40 years old "without restriction on marital status or motherhood."
Isang milyong dolyar ($1M) ang premyo para sa winner na mapagtatagumpayan ang apat na rounds ng pageant.
Natatawang sabi ni Winwyn "Parang kailangan mo ata manalo... parang may round siya.
"O, di ba alam ko. Siyempre, ni-research ko din yan."
Dagdag pa niya, "Aabangan ko muna kung ano mangyayari sa first season."
Sasali na ba siya sa MGI All Stars?
Diretsong sagot nito, "No, I'm, I'm not joining Miss Grand All Stars. No, not this year.
"But sabi ko nga, again, never say die because I cannot close any doors.
"We'll never know what's gonna happen next. Pero abangan na lang nila kung ano yung mag-a-unfold."
Read: Rita Daniela shrugs off age-gap issue with beau Mclaude Guadaña
