Pumanaw na ang Barretto matriarch na si Estrella Barretto, mas kilala sa showbiz bilang Mommy Inday, ngayong Huwebes, January 29, 2026.
Siya ay 89.
Ang isa sa pitong anak ni Mommy Inday na si Joaquin "JJ" Barretto ang nagkumpirma ng malungkot na balita sa pamamagitan ng social media.
Simpleng caption niya sa larawan ng isang nakasinding kandila na may itim na background: "Rest in peace, Mom. I love you."
Read: Inday Barretto warns Jodi Sta. Maria about Raymart Santiago
Kahapon, Enero 28, ay nagbahagi pa si JJ ng larawang kuha sa Intensive Care Unit ng Saint Luke's Medical Center sa BGC, Taguig.
Naka-blur ang mukha ni Mommy Inday na nakaraty sa hospital bed, habang nasa tabi niya si JJ at ang bunsong anak na si Claudine Barretto.
Caption ni JJ, "Get well, Mom [praying emojis]."
Hindi pa tinutukoy kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Mommy Inday, ngunit sa isang panayam noong September 2024 ay isiniwalat ni Claudine na may lupus ang kanyang ina.
Read: Claudine Barretto reveals Mommy Inday diagnosed with lupus
INDAY BARRETTO'S HOSPITALIZATION
Base sa social media posts ni JJ, noon pang unang linggo ng Enero naka-confine sa ospital si Mommy Inday.
Noong January 7, caption niya sa mga larawang kuha sa loob ng kuwarto kung saan naka-confine si Mommy Inday, "With Mom, still sick."
Noong araw ring iyon ay nag-post ng iba pang mga larawan si JJ.
Banggit niya sa caption, "Mom isn't okay yet. Hoping for healing"
Inabot ng dalawang linggo, noong January 22, bago nag-post muli ng mga larawan si JJ tungkol sa kalagayan ng ina.
Simpleng caption niya sa mga larawan nila ni Mommy Inday sa loob ng kuwarto, "Mom [praying and heart emojis]"
Noong Martes, January 27, ibinahagi ni JJ na ililipat si Mommy Inday sa ICU dahil sa hindi magandang kalagayan nito.
Sabi niya sa caption, "Mom will be transferred to the ICU later, it's not good."
Hanggang nitong Huwebes, bandang 11 A.M., ay tuluyan nang binawian ng buhay ang Barretto matriarch.
Read: A Timeline: The Barretto Family Feud
INDAY BARRETTO: THE BARRETTO MATRIARCH
Si Inday Barretto ay maituturing na isa sa pinakamakulay na personalidad na mundo ng showbiz.
Hindi man siya artista, paminsan-minsan ay lumalabas siya sa telebisyon kapag may mga espesyal na okasyon sa kanilang pamilya.
Ngunit mas madalas siyang mapanood sa interviews tuwing may isyu ang mga anak niyang nag-aartista—sina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto.
Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kasundo ni Mommy ang kanyang mga anak, partikular na sina Gretchen at Marjorie.
Bukod kina JJ, Gretchen, Marjorie, at Claudine, ang iba pang mga anak ni Mommy Inday ay sina Mito, Michelle, at Gia.
Pumanaw si Mito noong September 2025.
Ang Barretto patriarch na si Miguel Barretto ay naunang pumanaw noong October 15, 2019.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang pahayag o post sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.
