PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

OA na tatay, binalaan ang poging aktor na karibal ng anak

OA dad, todo-bakod kay pretty actress na mas bagay raw sa kanyang anak.
by PEP team
Published Jan 30, 2026
blind item oa father
Overacting father, kinumpronta si pogi actor para hadlangan ang closeness nito kay pretty actress.
PHOTO/S: Chat GPT

Nasobrahan yata sa pagka-stage father ang isang showbiz personality na nakikialam sa isyung dapat sana'y pambagets lang.

Pausbong pa lang ang showbiz career ng anak ni Overacting Father, at excited ang huli na magtagumpay ang mga plano para umalagwa ang career ng anak.

May target na rin si Overacting Father na pretty actress na puwedeng maka-loveteam ng kanyang anak.

OVERACTING FATHER TO THE RESCUE

Kaya nang makarating kay Overacting Father na may ibang ipinaparehang poging aktor kay Pretty Actress, siya na ang umisip ng paraan upang hadlangan ito.

Gumawa ng paraan si Overacting Father para personal na kumprontahin si Poging Aktor.

Isang araw ay ipinatawag ang walang kamalay-malay na poging aktor sa isang meeting.

Hindi alam ni Poging Aktor na si Overacting Father pala ang ka-meeting niya.

Kaya pagdating doon, shookt na shookt si Poging Aktor nang balaan siya ni Overacting Father.

Gusto ni Overacting Father na layuan ni Poging Aktor si Pretty Actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdedeklara pa ni Overacting Father, si Pretty Actress ay para lang daw sa anak niya.

Na para bang saklaw ni Overacting Father kung sino ang dapat gustuhin o kaibiganin ni Poging Aktor.

POGING ACTOR'S REACTION

Unfortunately, hindi makalaban si Poging Aktor bilang respeto sa kanyang nakatatanda.

Maghalong takot, gulat, at inis ang naramdaman ni Poging Aktor.

Hindi niya mawari kung bakit kailangang umabot sa puntong kinumpronta siya ni Overacting Father.

Hindi malinaw kung bet ni Pretty Actress ang anak ni Overacting Father.

Pero ang malinaw, threatened si Overacting Father para sa career ng anak.

Kung confident talaga si Overacting Father sa looks at kakayanan ng anak, hindi na sana ito nanghimasok pa sa buhay ni Poging Aktor dahil wala naman siyang karapatang kontrolin ito.

MORE BLIND ITEMS:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Overacting father, kinumpronta si pogi actor para hadlangan ang closeness nito kay pretty actress.
PHOTO/S: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results