Limang taon na ang streaming platform na VMX, na dating Vivamax.
Anim na feature films at isang “special interest” na palabas ang nag-streaming sa VMX sa unang buwan ng 2026.
Dalawa sa mga ito ay uncut version ng kalahok sa unang Cine Silip Film Festival.
Read: Tommy Tiangco addresses alleged falling-out with Tim Laude, "f*** boy" issue
SALIKMATA
Buena mano ng VMX sa bagong taon ang uncut version ng Salikmata, isa sa pitong kalahok sa inaugural Cine Silip filmfest noong Oktubre 22-28, 2025.
Nag-streaming noong Enero 2, 2026.
Isa itong psychological thriller na idinirek ni BC Amparado, mula sa panulat ni Jason Paul Laxamana.
Reverse chronology ang narrative structure, kagaya ng 2002 French art thriller film na Irreversible.
Merong elementong supernatural ang Salikmata, na tinampukan nina Aerol Carmelo, Aliya Raymundo, Rinoa Halili, at VJ Vera.
Kasama sa cast si Jeffrey Hidalgo pero hindi siya nagtalop.
BEST FRIENDS FOREVER
Ang orig title ay Breastfriends.
Comedy ito, at tampok si Janno Gibbs bilang Detective T. Gasan. Hindi naghubad si Janno.
Beauty-and-breasts besties sina Rubee (Astrid Lee) at Xaxa (Audrey Avila).
Three times nakipagharutan si Rubee sa pantasya niyang doktor na si Miguel (Karlo de Leon).
Tatlong beses ding nakipagbakbakan si Xaxa kay Jojo (Allen Legazpi), ang nobyo niyang probinsyano at konserbatibo kuno.
May foursome sina Rubee at Xaxa with the janitor (Horace Mendoza) and the security guard (Naijel Gacad), ganoon din sa dalawang geeky guy na sina Marco (Dean Dexter Moros) at Polo (Stancell Frank).
Idinirek ito ni Easy Ferrer.
Nag-streaming noong Enero 9, 2026.

ANG LIHIM NI MARIA MAKINANG
Sa pitong kalahok sa inaugural Cine Silip filmfest, ito ang ikaapat na nag-streaming sa VMX.
Nauna iyong Maria Azama: Best P*rn Star, Pagdaong, at Salikmata.
Fantasy drama ito, sa direksiyon ni Gian Arre. Nag-streaming noong Enero 16, 2026.
Sa pelikulang ito bumalik sa paghuhubad ang dating Seiko stud na si Leandro Baldemor. Kabakbakan niya si Mercedes Cabral.
Sa istorya, hindi tumatanda si Maria Makinang (Aiko Garcia) — parang si Luz (Lorna Tolentino) sa 1982 Regal movie na Diosa.
May bahid din iyon ng 2015 romance fantasy na The Age of Adaline na pinagbidahan ni Blake Lively.
SULUTAN
Erotic drama ni Rodante Pajemna Jr. Nag-streaming noong Enero 20, 2026.
Sa istorya, officemates sina Mara Adriosola (Karen Lopez), Lena (Astrid Lee), Regine (Allison Ross), at Lito (Mark Dionisio).
Fiancé ni Mara ang pulis na si Marco Aragon (Mhack Morales). Umaatikabo ang kanilang “halukay ube.”
“Ikaw ang magiging pinakamasayang babae sa buong mundo,” pangako ni Marco kay Mara habang kayakap ito.
Mahusay sa trabaho si Mara, at naiinggit si Regine. Gustong sulutin ni Regine ang mga kliyente ni Mara.
Katalik ni Regine si Lito. Nakipagtikiman si Regine kay Marco, at kumalat ang video ng kanilang pagniniig.
Kung sino pa ang sumulot o nakipagsulutan kanino, at ang nagkaguntingan, iyon ang ikinaskas ng kuwento.

ANGKININ MO AKO
Drama ni Topel Lee. Nag-streaming noong Enero 23, 2026.
Si Daniel Loresco (Juan Paulo Calma) ay barista, first year Law student, at tutor. Matataas ang grades niya sa Criminal Law.
Kinuha ni Attorney Isabel Bernabe (Cess Garcia) si Daniel na mag-tutor para sa younger sister niyang Zoe (Data Lima) na mag-u-UPCAT.
Nakisabay sa tutorial ang kaibigan ni Zoe na si Eunice (Sheena Cole, na ewan kung kamag-anak ni Elijah Cole).
Ayun na, konting review sessions lang at umaatikabo na ang pag-angkin ni Daniel with Zoe and Eunice, or is it the other way around?
As expected, nakaangkinan din ni Daniel si ate attorney. Merry-go-round?!
Understanding na ate si Attorney Isabel Bernabe… at si Daniel naman ay ang galing-galing sa standing position.

BAGONG TUKSO
Special interest na palabas, na nag-streaming noong Enero 27, 2026. Idinirek ni Rodante Pajemna Jr.
Inilahad nina Apphle Celso, Margaret Diaz, Heart Fox, at Allison Ross ang ilang bagay-bagay sa kani-kanyang buhay.
Halimbawa, ang kanilang zodiac sign, libangan, paboritong kulay, paboritong kainin, paboritong posisyon sa pakikipagniig, at pinakamalaking ari ng lalaki na nasilayan.
Merong truth-or-dare segment, at never-have-I-ever eme.
Isiniwalat ni Margaret na Roy ang pangalan ng nakadonselya sa kanya. Pamilyado na si Roy, kaya hindi binanggit ni Margaret ang apelyido nito.
May clips ng VMX movies na Kalakal, Crush Kong Curly, Scorpio Nights 3, Silip sa Apoy, at Balinsasayaw.
May special participation si Basti Flores, na tila sakdal husay sa pagsisid ng perlas.

SIRENA
Mystery drama ni Bobby Bonifacio Jr. Nag-streaming noong Enero 30, 2026.
Utal-utal sa pagsasalita ang mangingisdang si Jonas (Van Allen Ong), parang si Isaac (Ernie Garcia) sa 1984 movie ni Celso Ad. Castillo na Virgin People.
Asawa ni Isaac si Marta (Rica Gonzales), at meron silang isang anak, si Ron-ron (Dave Fontanillas).
Mabait si Jonas. Tanggap niya na nagpapabingwit si Marta sa negosyanteng si Zaldy (Rash Flores) para may makain sila.
Sa pangingisda ni Jonas, nahuli ng kanyang lambat ang isang mahiwagang babae (Micaella Raz) na kumikinang. Tinawag niya itong Yana.
Maghahatid ba si Yana ng biyaya, o siya ang sumpa ng dagat?
Ang apat na mangingisdang sabay-sabay na nagpasasa kay Yana ay ginampanan nina Alfie Albuero, Karlo de Leon, Naijel Gacad, at Ryan Balesco.
Ibang-iba ang latag ng Sirena sa 2021 Vivamax movie na Nerisa na tinampukan nina Cindy Miranda, Aljur Abrenica, AJ Raval, Sheree, Gwen Garci, Bembol Roco, at Elizabeth Oropesa, sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.

Para sa Pebrero, naka-lineup na sa VMX ang Foreplay hosted by Sheree, Sex Trip, Sagaran, Tenement, Pansamantala, at Scorpio Nights 4.
Para sa Marso, nasa VMX lineup na ang Ligo, Vigilante, Tuklas, at remake ng Warat.
Puwede pang mabago ang lineup na iyan, at puwede ring magpalit ng title aliman diyan nang walang kaabug-abog.
Read: Mestisong aktor, na-trauma sa hubaderang GF ng ama
THE BEGINNING OF VIVAMAX
Enero 29, 2021 nag-umpisa ang Vivamax, at ang unang handog nito ay Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap.
Tampok dito sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, Maui Taylor, Rose Van Ginkel, Ana Jalandoni, at ang unang Vivamax Queen na si AJ Raval.

Ni-rebrand ang Vivamax bilang VMX noong Oktubre 10, 2024.
Sa hanay ng mga local streaming platform na may erotic content, nangunguna ang VMX.
Sa paramihan ng subscribers ay wala pa ring binatbat ang mga kakumpitensiya nito.
VMX: FROM STREAMING TO MAINSTREAM
Dalawa sa VMX stars ang nagmarka kahit paano sa mainstream, sina Angeli Khang at Robb Guinto.
Siyam na VMX movies ang napanood sa big screen.
Una, ang Unang Tikim (2024) nina Angeli at Robb, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.

Ikalawa, ang Celestina: Burlesk Dancer ni Yen Durano, sa direksiyon ni Mac Alejandro.

Yung iba pa ay official entries ng inaugural Cine Silip noong nakaraang Oktubre — Dreamboi, Pagdaong, Haplos sa Hangin, Salikmata, Babae sa Butas, Maria Azama: Best P*rn Star, at Ang Lihim ni Maria Makinang.

Nag-premiere screening sa Cinemalaya 2023 sa PICC ang VMX film na Call Me Alma, starring Azi Acosta and Ms. Jaclyn Jose, sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Ka-bundle ng VMX ang Viva One platform.
May mga reedited VMX movies na mapapanood sa Viva One, gaya ng Tahan, Salamat, Daks, at Pwede G, Pwede B.
Nakakapag-Viva Movie Box (VMB) din ang ibang VMX stars, gaya nina VMX lang sakalam Denise Esteban at Apple Dy sa Love Forbids; Rose Van Ginkel at Cara Gonzales sa Maid for Revenge; at Zsara Laxamana sa A Mistress’ Guide to Moving On.
Read: Sofia Pablo, Eliza Borromeo eliminated from Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0
VMX OFFERINGS THROUGH THE YEARS
Nasa VMX ang steamy dramas na Scorpio Nights, Scorpio Nights 2, Sabado Nights, Warat, Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga, Prosti, Ang Babae sa Bintana, Dama de Noche, Room 213, Torotot, Paloma: Nakakalalaki Ka, Tatarin, Rigodon, Totoy Mola, Coed Scandal, Bugbog Sarado, Sabong, Nene, Kolehiyala, at Burlesk Queen Ngayon.

Andiyan din ang Lockdown, Kambyo, Sibak: Midnight Dancers, Ang Lihim ni Antonio, at Booba.
VMX lang sakalam?!
Meron pang ibang mga streaming platforms na mukhang hilahod maka-penetrate sa mercado.
Sa paramihan ng output, partikular sa full-length features, ay nakakaangat din ang VMX kumpara sa iba.
CINEPOP FIRST ANNIVERSARY
Sa Abril pa lang ang unang anibersaryo ng CinePOP. Mostly vertical drama ang content nito.
Kabilang sa stable ng CinePOP sina Joni McNab, Salome Salvi, Apple Angeles, Thalia Co, Allison Padilla, Mansour Bugeth, Zuher Bautista, Awin Valencia, Mark Monares, Dolf Lopez, Zandro Ibarra, Nick Bucu, Marky Silva, at iba pa.
Read: Pagkakasuspinde ng CinePop Facebook page, tinrabaho?
AQ PRIME COMEBACK
Yung AQ Prime ay inilunsad noong Agosto 8, 2022, na sakop ng Ghost Month. Nagsara ito noong Setyembre 20, 2023.
“Babalik na ang AQ Prime! Nagsu-shoot na sila ng BL movie directed by Afi Africa,” pagbabalita ng publicist na si Rodel Fernando noong Enero 29, Huwebes, sa Pandan Asian Cafe, Sct. Limbaga St., Brgy. Laging Handa, Quezon City.
Tungkol saan ang BL movie na ito?
Sabi ni Direk Afi: “Technically kuwento siya ng dalawang lalaki na gumawa ng BL sa Pilipinas. At habang ginagawa nila ito ay napapakita din natin ang realities sa paggawa ng pelikula sa Pilipinas.
“Lalabas sa movie ang kuwento ng mga taong gumawa ng pelikula sa likod ng eksena at mga pinagdadaanan ng mga artista sa likod ng kanilang paggawa ng pelikula.
“Realities ng buhay sa paggawa ng movie ang ilalabas namin. At siyempre sexy hahaha.”
STAR SINEMAX
Andiyan din Star SineMax, na coming soon sa UAE, Singapore, at Japan.
Star SineMax ang producer ng Sariwa na bida si Mark Herras, ganoon din ang BL movie na The Gap starring Arnold Reyes and Timothy Tuppil.

May mga artista ng Star SineMax na galing sa VMX.
Handog din ng Star SineMax ang Piring, Stormed Hearts, Exchange Gift, Babyboy, White Prince, Hayok, Paldo, Forgetting Marian, Outing, Fake Sister, Gawaing Bahay, Bilyar, Stepmother, GL Forever, Ari and Janna, Kasambahay, Bayaran, Dalisay, Liwaliw, Condom, at iba pa.
Read: Inday Barretto, mother of Gretchen, Marjorie, Claudine, dies at 89
