Nagkuwento si Emilienne Vigier, 27, tungkol sa relasyon nila ng ABS-CBN dramatic actor na si Joshua Garcia, 28.
Sina Emilienne at Joshua ay tatlong taon nang magkarelasyon.
Kung si Joshua ay aktor at artista, si Emilienne ay isang businesswoman at content creator.
Si Emilienne ay anak ng isang French national at isang Filipina. Isinilang at lumaki sa Pilipinas si Emilienne kaya matatas sa Tagalog, English, at French.
Bagama’t content creator siya, hindi masyadong nagpo-post si Emilienne tungkol sa relasyon niya kay Joshua. Ganoon din si Joshua.
“We’d like to keep that private,” paliwanag ni Emilienne sa YouTube interview ni DJ Chacha noong January 30, 2026.
Naniniwala si Emilienne na may mga bagay na dapat sa kanila lang ni Joshua at hindi na kailangang ipaalam pa sa publiko.
Dahil daw sa pagiging pribado nila, nakatulong ito “big time” kaya "super peaceful" ng kanilang relasyon.
“There are no eyes. They don’t talk about your hurdles online,” hayag ng Fil-French content creator.
Sa kabila ng pagiging pribado nila sa relasyon, si Emilienne raw ang extrovert at si Joshua ang introvert.
Tinanong si Emilienne kung ano ang nararamdaman niya sa relasyon nila ni Joshua.
“Super safe… love… you can tell. Very mature. We support each other, respect each other. We’re very loyal to each other.
"You found your best friend, too. And you can be vulnerable,” ani Emilienne.
Paano nila pinoprotektahan ang relasyon nila sa publiko?
“We just don’t share to the public,” prangkang sagot ng dalaga. At sinabing hinding-hindi nila gagawing public ang kanilang relasyon.
Katuwiran niya, “Because the life that you have with your partner, or the foundation that you’re building with your partner, is between you two only. And that’s another way of honoring your partner, your relationship, and showing respect to them.”
Read: Golfer Emilienne Vigier posts cozy photo with rumored boyfriend Joshua Garcia anew

emilienne vigier on famous BOYFRIEND
Para kay Emilienne, importante na irespeto ang karelasyon anuman ang trabaho nito.
Sabi niya, “Whoever your partner is, you have to honor and respect their job. Kasi bago pa naging kayo, iyon na trabaho nila. And same for me.”
Inusisa siya kung hindi ba mahirap para sa kanya ang magkaroon ng sikat na boyfriend.
“Well, ako yung napapagod para sa kanya, ‘Damn, you work so much,’” may halong birong sagot ni Emi.
Mas seryoso niyang sagot sa tanong, “But it’s not hard coz I think we are mature enough to understand.”
Nagseselos pa ba siya sa mga nakakatrabaho ni Joshua?
“No. I think manhid na ako at this point,” sagot ng dalaga.
Binigyang diin ni Emi na mahalagang ginagawang pribado ang pagsasama.
“I think that should be a plight for everyone coz, you know, evil eye is real. The more you share [with] the public your life, what you’re doing, the more mababaliktad siya,” lahad niya.
Ibinahagi niya ang pananaw niya pagdating sa relationship.
Sabi niya, “Relationship-wise, I think what you and your partner have should be sacred. Should keep it to yourself.
“Yung problema niyo, or whatever… even if you’re famous, regardless what you’re doing in your life...”
Pagkabig niya, “You can post pictures, pero wag yung buong buhay niyo, di ba?"
“Kung ako iyon, I’d feel like my partner is belittling me… parang I don’t respect my partner if I do that,” pagtukoy niya sa pagbabalandra ng relasyon sa social media.
Bilang content creator, sinabi ni Emilienne na kaya niya ang gumawa ng content at makipag-collab sa brands.
Mataas daw ang paghanga niya sa pag-arte, pero hindi raw niya papasukin ang pag-aartista dahil hindi raw ito para sa kanya.
Read: Joshua Garcia nagsalita na tungkol sa relasyon nila ni Emilienne Vigier
PAINFUL PAST RELATIONSHIPS
Bukod sa desisyong gawing pribado ang kanilang relasyon, binanggit din ni Emilienne ang importansya ng pagkakaroon ng boundaries sa relationship.
“You have to have boundaries when you’re with somebody. Very important. That’s like your non-negotiable,” sabi niya.
“Boundaries are very imporant in order for a relationship to work. And you should honor that.”
Si Joshua ang pangatlong karelasyon ni Emilienne.
Ibinahagi ng dalaga na naging masalimuot ang kanyang naunang past relationships.
Ito rin ang dahilan kung bakit importante sa kanya ang boundaries.
Dahil sa kanyang masamang pinagdaanan noon, natuto na si Emilienne na alagaan ang sarili. May nakarelasyon daw siyang narcissist.
“I will never lose myself ever again,” sabi niya. “If you’re gonna love someone, make sure that you really do not lose yourself and your life.”
Sabi niya sa kanyang nakaraan, “That was hard. That was very traumatic because it was all like trauma bonding, love bombing, made me hate my life…”
Naranasan nga raw niyang makaranas ng physical manifestations dahil sa galit sa tao.
“Totoo yung physically allergic ka sa tao,” ani Emilienne.
Halimbawa niya, nagkakaroon daw siya noon ng allergies sa kanyang pilik-mata dahil nire-reject ng katawan niya ang nakarelasyon noon.
Pagbabalik-tanaw niya, “Every day I was sobbing. I really lost myself there. My passion. My everything….”
Nagbanggit din siya ng aniya'y red flags sa isang karelasyon: “Being called names and telling you that what you’re doing is wrong. Lahat na lang mali. That’s when you know when something is off.”

EMILIENNE VIGIER BACKGROUND
Bagama’t isinilang at lumaki sa Pilipinas si Emilienne, tuwing summer ay nagbabakasyon siya sa France ng tatlong buwan.
Lumaki raw siyang active sa sports.
Noong high school, nag-aral siya sa isang European campus sa Bicutan kung kaya’t nanatili siyang matatas sa French.
Nagtapos naman siya ng Consular in Diplomatic Affairs mula sa De La Salle – College of St. Benilde sa Taft, Manila.
May isa siyang kapatid na lalaki, 19.
Nag-aaral pa lamang siya, natuto nang mag-side hustle si Emilienne, tulad ng pagbi-bake at itinitinda ito online.
Lumago ang pastry business niya noong pandemic.
In short, natuto siyang mag-side hustle para hindi laging humihingi sa mga magulang.
Ngayon, pinagkakaabalahan niya ang import-export business nila ng kanyang ama.
FUTURE DREAM
Isa raw sa pangarap ni Emilienne ay magkaroon ng sariling pamilya at magkaroon ng tatlong anak balang araw.
At kung mangyari man iyon, sa Pilipinas daw sila titira at hindi sa ibang bansa.
Nang tanungin kung bakit, sagot niya, “Because it’s very convenient.
“Dyusko, kung magpapa-burn ka nga lang ng CD isang buwan [abroad]. Dito one day, Greenhills… Example lang…"
Inusisa siya kung ganito ang serbisyo France.
“In any Western country, though. It takes forever to get something done,” sabi niya.
“[If] you gotta go to the dentist you have to wait one month for an appointment. Ugh! No, bunging-bungi ka na nun. Sira-sira na yung ngipin mo.”
Paliwanag niya kung bakit mas gusto niya sa Pilipinas, “First of all, ang daming tao dito. Okay, we are very overpopulated, but what I’m trying to say is the service here is very good.”
Kinokonsidera naman daw niya ang mag-retire sa ibang bansa sa Europe pero hindi pa siya sigurado dahil matagal pa iyon.
