PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bembol Roco says Dominic learned his lesson from past drug bust

Bembol Roco: "Nagpapasalamat siya sa suporta na hindi ko siya iniwan."
by Melba R. Llanera
Published Feb 5, 2026
Bembol Roco says son Dominic learned his lesson from drug-bust incident
Bembol Roco on son Dominic's past mistake: "He's alright, tapos na yung nangyari na yun... Medyo kampante ako that it would not happen again."
PHOTO/S: Melba Llanera / @domroco Instagram

Inalala ni Bembol Roco, 72, na halu-halong emosyon ang naramdaman niya nang maaresto ang anak na si Dominic Roco sa isang buy-bust operation noong October 2022.

Naaresto noon si Dominic sa Quezon City si Dominic at apat niyang kasama dahil sa ilegal na droga.

Na-recover umano sa grupo ang 15 grams na shabu na may halagang PHP112,000; 10 grams na na marijuana na may halagang PHP14,000, isang timbangan, at marked money.

Read: Dominic Roco kasama sa limang arestado sa Quezon City

"Ang naramdaman ko nun is galit, e. Bakit ganun? Bakit umabot sa ganun?

"Pangalawa, yung takot kung ano ang puwedeng mangyari sa kanila, kung ano ang puwedeng gawin sa kanila ng ibang tao," balik-tanaw ni Bembol sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sinampahan si Dominic ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act. Bailable offense iyong kay Dominic.

Nang makalaya raw ang binata, may police officer na nag-monitor at bantayado raw ito ng nanay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumusta ng PEP kay Bembol kung ano na ang buhay ni Dominic higit tatlong taon makalipas ang masalimuot na pinagdaanan nito.

"He's alright, tapos na yung nangyari na yun," ani Bembol.

Paniniguro pa ng beteranong aktor, "I'm sure he has learned his lesson. Medyo kampante ako that it would not happen again.

"Nagpapasalamat siya sa suporta na hindi ko siya iniwan, na sinuportahan ko siya."

Read: Bembol Roco Comments on Son's Arrest

bembol roco on son MOVING FORWARD

Bilang ama, ang tangi raw magagawa ni Bembol ay gabayan ang anak.

Payo niya sa ibang magulang na may ganitong pinagdadaanan: "Maging honest ka sa kanila, maging bukas ka sa kanila. Maging iba ang kalooban mo sa pagtingin sa kanila.

"Katulad ko, di naman ako naging mabuting anak agad, parang ganun. Let's expect that they will venture into something not good, let it be, and let it be a lesson to them."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi naman daw kasi niya maaaring kontrolin ang mga anak lalo na't may sariling isip ang mga ito.

Basta ang bilin daw niya sa mga anak, harapin kung anuman ang resulta ng desisyon nila sa buhay.

"Mayroong consequences lahat yan, e. Kapag mayroon kang ginawang hindi tama, mayroong kabayaran yan, whether you like it or not," diin ni Bembol.

Napanood si Dominic sa Kapamilya teleserye na FPJ's Batang Quiapo at pelikulang Wild Flowers noong 2023

Gusto pa rin naman daw ni Dominic, pati na rin ng twin brother nito na si Felix, na umarte.

Pero sabi ni Bembol: "Wala lang trabaho ngayon. Yun pa rin ang interes nila, yung industry pa rin. Wala lang sila gaanong trabaho."

Wala raw ibang negosyo ang mga anak.

Read: Mon Confiado, 17 years nakarelasyon si Ynez Veneracion noon

BEMBOL ROCO ON sons joining a fraternity

Nakapanayam ng PEP si Bembol sa story conference ng Kappa-tiran, ang upcoming film na iproprodyus ng film company na Mamay Production at ididirek ni Neal Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginanap ang event sa Pandan Asian Cafe noong February 1, 2026.

Tatalakayin sa pelikula ang isyu ng fraternity. Sumali ba siya ng fraternity noong kabataan niya?

Sagot ni Bembol, "Ako hindi ako fratman, but I have a lot of friends na fratmen. Marami akong nakita na at naintindihan sa mga bagay-bqgay tungkol sa fraternity.

"It's a different kind of brotherhood."

Hiningan din namin ng reaksyon si Bembol sa mga nabalitana may kabataang namamatay dahil sa matinding initiation ng mga papasok na members.

"Mayroon at mayroon talagang lumalampas na ginagawa, pero siguro nasosobrahan sa excitwewnt or whatever.

"It just happens. Sana mahinto na o tigilan."

Ayon pa kay Bembol, tatlong anak niyang lalake ang naging miyembro ng fraternity.

"Di naman sila nagsabi, nalaman ko na lang. Wala na akong magawa, tapos na, e.

"Nagulat lang ako. Di naman [ako] nangaral, nagpaalala lang ako. Mag-iingat lang sila sa papasukin nila, baka mapasama sila sa maling daan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nauna kasi yung older, nahawa yung kambal," pagtukoy niya sa kambal na sina Dominic at Felix.

Read: Miss World Philippines 2026 winning answer

ON WORKING WITH YOUNGER STARS

Excited si Bembol na makatrabaho ang Kappa-tiran co-stars na sin Ejay Falcon at Sheryl Cruz.

Aniya, "Siyempre happy to work with younger generation. Yung kuwento naman credible to do."

Bilang isang mahusay at beteranong aktor, may mga pagkakataong nakakausap ni Bembol ang ilan sa mga kabataang artista na nakakasama niya sa isang proyekto.

May mga payo siya na binibigay sa mga ito.

Lahad ni Bembol, "Parati kong pinapayo, e, always remember that they need to be professional. Maging totoo sa gusto nilang mangyari bilang artista.

"Kung kailangan nilang mag-aral, mag-aral sila. Kailangan din nilang rumespeto. Mga ganun."

Read: Emilienne Vigier speaks about relationship with Joshua Garcia

ON STARS WITH ATTITUDE PROBLEM

May ilang mga batikang mga artista na nakakaranas ng pangdedeadma o pambabastos ng ilang mga kabataang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Bembol, naranasan niya rin ito.

"Rarely, mayroon siguro, pero very rare. Wala lang, parang nagmamalaki, kulang sa respeto," saad niya.

Hindi raw para patulan pa niya ang mga ito.

"Di maganda sa akin yun, pero di ko naman sinabi sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Pero so far, bihirang-bihira naman yun."

Naalala pa ni Bembol ang mga artistang naging maganda ang karanasan niya, partikular na ang cast sa Esperanza, na umere sa ABS-CBN mula 1997-1999.

"Saka karamihan naman may respeto, sila Marvin Agustin, Piolo Pascual, Judy Ann Santos. Ang tagal ng Esperanza, ang haba rin ng pinagsamahan namin," pagtatapos ni Bembol

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bembol Roco on son Dominic's past mistake: "He's alright, tapos na yung nangyari na yun... Medyo kampante ako that it would not happen again."
PHOTO/S: Melba Llanera / @domroco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results