Kinondena ng ilang animal welfare groups ang ginawa ng isang may-ari ng kabayo sa Misamis Oriental.
Nag-viral sa social media ang video na kuha ng mga motorista noong February 3, 2026.
Mapapanood dito ang isang kabayong tumatakbo habang nakatali sa umaandar na pick-up truck sa isang kalsada sa Gingoog-Claveria-Villanueva Road.
May kuha pang nakahandusay sa kalsada ang kabayong is Kabang, na tatlo o apat na taong gulang.
Ang tingin ng karamihan ay napagod ito, pero ang sabi ng horse owner na si Jose Castro Jr. ay nagpahinga lamang ang kanyang alaga.
Gayunpaman, umalma ang animal welfare organizations sa napanood. Malinaw raw na may pang-aabusong nangyari.
Pero naninindigan din ang may-ari, na nagpakilalang experienced horse trainer, na walang nangyaring pang-aabuso. Bahagi raw iyon ng training niya sa kabayo.

Read: Tips: How to keep your dogs and cats safe when crisis hits
PAWS AND PETA REACT
Isa sa mga umalma sa pangyayari ay ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS), na idinaan sa Facebook post ang pagpuna.
Firm ang stand ng organization: Mali ang tratong ginawa sa kabayo.
"Any horse expert will tell you that hindi ganyan ang pag-e-exercise or training,” ani Atty. Anna Cabrera, PAWS executive director, sa ABS-CBN News interview.
“Usually, it’s in a controlled environment na paikot.
“I’ve spoken to horse veterinarians and horse experts, and hindi iyan ang tamang training.”
Hindi raw sila kumbinsido sa katwiran ng owner.
At naniniwala silang nag-collapse ang kabayo dahil either may sakit ito o sobrang napagod.
Giit niya, ang may-ari ay lumabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act, at layon niyang mapanagot si Castro.
Ganito rin ang sinabi ng Philippine Ethical Treatment of Animals (PETA).
Sa ulat ng GMA News, naniniwala si Jana Sevilla, PETA senior campaigner, na nag-collapse ang kabayo dahil sa matinding pagod.
"Cruel” daw ang ginawa rito ng may-ari.
Paliwanag naman veterinarian na si Dr. Glenn Albert Almera, batay sa video, ang paghingal ng kabayo ay sign of exhaustion.
“Hindi normal yung reaction ng kabayo. In a normal setting ng training, pinag-i-standby sila in standing position and resting position talaga sila.”
Read: Guard found guilty of throwing puppy from footbridge in 2023
HORSE OWNER DENIES ALLEGATIONS
Mariin naman ang pagtanggi ni Castro sa alegasyong inabuso niya si Kabang
Pinanindigan niyang “controlled training” ang kanyang ginawa.
Higit isang dekada na raw siyang nagti-train ng mga kabayo para sa horse racing.
At ang ginawa niya raw kay Kabang ay para i-test ang endurance nito at para ma-familiarize ito sa kalsada.
Ang paghiga sa kalsada ay tinawag niyang “lateral recumbency,” at normal lang daw ito sa isang kabayo.
“Slowy, ini-introduce mo sila sa daan para hindi sila magulat. Nilalakad mo until such time na nilalagay ko sa moving vehicle. Pero, of course, with maximum care…
“Ang nangyari, humiga yung kabayo, nagpahinga. Ang kabayo talaga, isa sa resting position nila e para talagang patay kung titingnan mo.”
Aniya pa, hindi kasama sa kuhang video ang pagtayo ni Kabang makalipas ang ilang minuto.
“It was taken out of context. Sana hinintay nila ilang minutes, nakita naman nilang tumayo.”
Sa ngayon, tapos na raw ang kabayo sa iba pang uri ng training. May mga stages daw kasi ito.
"Nasa stage na po siya na kailangan ko na siyang i-expose sa daan.”
Kung pagbabatayan naman ang mga komento ng netizens, halos lahat sa mga ito ay di rin sang-ayon sa paliwanag ng owner.
Narito ang ilan sa mga comments.


