Tatlong-libong piso ang kauna-unahang talent fee na natanggap ni Ai-Ai delas Alas nang magsimula siyang maging artista.
Naging bahagi siya ng pelikulang Romeo & Juliet (1989) na pinagbidahan nina Keempee de Leon, Aiko Melendez, at Rene Requiestas.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), binalikan ni Ai-Ai ang panahong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
"Feeling blessed kasi, after 36 years, nandito pa rin ako sa industriyang ito," bungad ni Ai-Ai.
Biniro ng awtor na ito si Ai-Ai at tinanong kung naiisip niya na after 36 years ay PHP10M na ang talent fee niya.
"Hindi naman, hindi naman. Sa commercial, puwede. Pero sa movie, hindi," natatawang sagot ng comedienne.
Dugtong niya, " It’s more on the staying power, thank you, Lord."
Napunta raw sa nanay niya ang una niyang sweldo.
Aniya, "Palagi yung first ko, binibigay ko sa nanay ko. Kasi, sabi nila, suwerte raw yon."
Nakausap ng PEP si Ai-Ai sa mediacon ng bago niyang pelikula, ang Batang Paco.
Ginanap ang presscon sa Pandan Asian noong January 29, 2026.
Ang Batang Paco ay ipalalabas na sa February 18 sa ilalim ng MiViDa Productions. Kasama niya rin dito sina Cassy Lavarias at Empoy.
Read: Ai-Ai delas Alas, ayaw na sa mas bata at ayaw na sa kasal
ai-ai delas alas on learning from DIRECTORS
May pagkakataon bang natalakan, nasigawan, o nakagalitan siya ng director niya?
"Marami, naku, marami silang sumigaw sa akin," pag-amin ni Ai-Ai.
"Si Ishmael Bernal, tapos, si Chito Roño, nasigawan din ako. Si Direk Maryo J. delos Reyes, nasigawan ako," paglista pa niya.
Nakatrabaho ni Ai-Ai si Direk Chito sa pelikulang Bakit Kay Tagal Ng Sandali? noong 1990; ang namayapang Direk Ismael sa pelikulang Mahal Kita, Walang Iba noong 1992, at ang namayapang Direk Maryo sa isang episode ng Magpakailanman noong 2017.
Hindi ba malumanay ang personalidad ni Direk Maryo?
"Hindi, kasi nga, nagri-ring yung phone ng bahay. Tapos, nagba-blocking siya. E, parang naa-ano ko na, 'Bakit walang sumasagot sa phone?' Sinagot ko.
'P********! Nagba-blocking ako! You don’t… ' Naku ako, 'Direk sorry. Hindi ko kasi alam.' Bago pa lang ako no’n.”
Hindi nabanggit ni Ai-Ai kung ano iyong proyekto nila ni Direk Chito, pero natuto raw siya sa karanasang iyon.
Lahad pa niya: "Natuto ako na ang mga director, ganun talaga. So tatahakin mo lahat.
"In fairness sa akin, bago pa lang, alam ko na, 'Ah, ganito pala sa show business.'
"Tapos, sinabihan niya ko na, 'Next time, kapag nagba-blocking ako, wag kang kikilos, diyan ka lang.'
"And up to this day, behave ako. Kahit tanungin mo pa sa lahat ng director, behave ako sa set. Kasi, nga, nangangarag ako."
Iba naman ang eksena nang mapagalitan daw siya ni Direk Chito nang ginagawa nila ang Separada noong 1994.
Balik-tanaw niya, "Si Chito Roño naman, sinigawan ako. Kasi, meron akong eksena sa Separada na iinom ako.
"Sabi ko, 'Direk, di po ako masyadong umiinom kasi madali po akong malasing.' Sabi niya, 'Ganun-ganun lang.' 'O, sige po.'
"Nalasing ako! Sabi sa akin, 'Ano Ai?! T******! Bakit hindi ka umaarte?' 'Direk, nahihilo na ko.' So, one hour muna, magpahinga muna."
Read: Ai-Ai delas Alas, ayaw na sa mas bata at ayaw na sa kasal
ON DIVA STARS
Bilang Comedy Queen, may mga naengkuwentro siyang young stars na pasaway sa set, kaya naikukumpara raw niya sa kung paano siya noong baguhan pa lang siya sa industriya.
"Oo, kaya yung ibang maldita sa set, dapat maranasan nila yon [mapagalitan ng direktor] para matauhan sila. Yung mga late, yung mga feelingera, yung mga nagpo-phone!"
Ano ang pinakaayaw niya na ginagawa ng ibang artista?
"Ako, yung nali-late at saka nagpo-phone, nagte-take tayo. Text ka nang text, nagba-blocking yung director. 'Huy, 'te!'
"Pero pag ganun, sinusumbong ko sa production. Siyempre, artista lang naman ako, director ang puwedeng magsabi. Wala akong karapatan, artista lang naman ako.
"Pero kung ako yung director, patay siya sa akin."
Read: Ai-Ai delas Alas says husband Gerald Sibayan’s green card revoked
ON PUTTING CAREER ON HOLD
May panahon ba na naisip niyang isuko ang pagiging artista?
"Hindi naman sa ayaw ko na. May nangyari lang na konting ginive up ko to go to the U.S., supposedly…
"But my dearest friend, sinabi niya na, 'Huwag. Kung gusto mo, bumalik ka pa rin sa industriya kasi alam ko na babalik ka.'
"Kaya pagod na pagod ako. Alis, balik, alis."
Ang tinutukoy ni Ai-Ai ay ang desisyon niyang manatili sa U.S. noong 2022 para makuha ang kanyang U.S. citizenship at ipetisyon ang asawa na si Gerald Sibayan.
Bumabalik lang si Ai-Ai sa Pilipinas para sa trabaho, hanggang sa naghiwalay sila ni Gerald noong huling bahagi ng 2024.
Read: Ai-Ai delas Alas to stay in the U.S. after The Clash Season 4
Napaisip na sabi ni Ai-Ai: "I think, isa rin yon sa reason na feeling ko, bakit din nagka-ganun ang marriage ko.
"Kasi, palagi akong wala. Pero, of course, that’s not the reason, hindi yon ang rason but I think, isa yon.
"Pero, hindi naman siya bata na kailangan mong bantayan, ‘di ba?”
Dumating ba siya sa puntong sinisi niya ang sarili niya sa kinahantungan ng pagsasama nila ni Gerald Sibayan?
"Hindi, hindi," pagtanggi niya.
"Kasi alam naman ni Lord kung gaano ko... ginawa ko ang lahat. Biro mo, umuuwi ako every 10 days?! Nakakita ka ba ng ganun? Ginawa kong Paco ang America."
Read: Ai-Ai delas Alas reveals story behind outrageous costumes
MORE FROM AI-AI
Apat na taon na lang ay apat na dekada na siya sa industriya.
Marami pa raw siyang gustong maabot bilang aktres.
"Gusto kong maging Gloria Romero. Yung magtagal sa show business.
"Na-realize ko noong nasa America ko, ito ang gusto kong buhay. Dito ako magaling. Gusto kong maging artista forever," ani Ai-Ai.
"Kasi, may work din naman ako dun. Pero iba yung saya na naibibigay sa akin [ng pag-aartista]. Gusto kong maging artista forever. Ayoko nung hindi ako artista."
