Idinaan sa social media ng singer at comedienne na si Tuesday Vargas ang pag-apela ng trabaho mula sa mga kaibigan nitong writer, producer, at direktor.
Nangako si Tuesday na paghuhusayan niya ang trabaho sakaling kunin ang kanyang serbisyo.
Mensahe niya sa isang maiksing post noong February 7, 2026: "Sa mga kaibigan kong writer, producer at director po, kung meron po kayong projects para sa akin ay available po ako. I am a diligent worker and Id like to believe that I am a good and versatile artist.
"Please hire me po. Promise pag huhusayan ko po. Salamat po"
Sa comments section ng kanyang post, marami ang sumang-ayon at nagsabing maayos magtrabaho si tuesday kaya sana raw ay mapagbigyan ang hiling nito.

Read: Lani Mercado emosyunal sa prayer rally para kay Bong Revilla
TUESDAY VARGAS ANSWERS BASHERS
Bagamat halos positibo ang mga komento sa post ni Tuesday, may mga nababasa pa rin daw siyang hindi sang-ayon sa kanya at binatikos pa siya.
Sa kasunod niyang post noong araw ring iyon, sinabi ni Tuesday na walang masamang intensiyon ang kanyang post kundi ang i-promote ang kanyang serbisyo.
Wala rin umano siyang inaapakang tao sa kanyang mga sinabi.
Aniya (published as is): "Sa mga nagsabi po na, 'Ano ba yan nakaka hiya ka nag hahanap ka na ng work sa followers mo, laos ka na ba?'
"Please lang po. Maayos naman akong nag pro promote ng aking services at wala naman akong tinatapakan na tao kaya wag naman kayong ganyan."
Ayon pa kay Tuesday, may naitabi naman siya at ang nais lamang niya ay may tuluy-tuloy na income para panustos sa kanilang mga gastusin.
"May ipon naman ako pero nanay po ako at gusto kong may tuloy tuloy akong pang buhay sa pamilya ko dahil nga nawalan ako ng show. Ganun sa showbiz, minsan mabilis ang turnover at walang warning.
"So kung wala naman kayong alam sa buhay ko at di naman kayo mag aambag sa pang bayad ko ng bills, sabi nga ni @bretmanrock, 'don’t f^ckin tell me what to do b!tch'"
Papuri pa niya sa breadwinners: "Sa mga hustlers and breadwinners of the world, huwag tayo mahiya to ask for help para sa pamilya natin.
"Pagtratrabahuhan mo naman hindi mo naman i aasa di ba? Kung mabait ka at masipag, taas noo mong harapin ang lahat.
"Respect the hustle guys wag naman kayong nega. Yun lang po"
Read: Mark Herras balik-dance floor matapos ang breakdown
Noong June 2025, nag-resign si Tuesday bilang host ng Your Honor, ang podcast nila ni Buboy Villar na napapanood sa YouLOL, ang YouTube comedy channel ng GMA-7, Spotify, at Apple.
Ito ay para raw pagtuunan niya ng pansin ang kanyang mental health.
Read: Chariz Solomon, pinalitan si Tuesday Vargas sa Your Honor
