Emilio Garcia shares unforgettable experience in Montreal World Film Festival

by Archie de Calma
Sep 11, 2008
"International film festival na yun, ha. Kaya iba ang dating. Nagulat nga ako dahil pati si Bill Pullman, lumapit sa akin sa isang showbiz function sa Hyatt Regency kung saan kami billeted during the festival. Ipinagmamalaki niya ako as somebody coming from the Philippines, kaya tuwang-tuwa ako," relates Emilio Garcia.


Kagagaling lang ni Emilio Garcia sa katatapos na Montreal World Film Festival sa Canada at ni-represent niya ang bansa, kasama ang direktor na si Paolo Villaluna, para sa pelikulang Selda (The Dying Inmate). Bagama't tinalo ng isang Japanese entry (Okurubito) ang nabanggit na pelikula, at ang audience favorite ay mula sa Quebec (Ce qu'il faut pour vivre, na ang English title ay The Necessities of Life), more than enough ang experience na yun kay Emilio para maramdaman na umabot na sa significant level ang kanyang pagiging aktor.

"Marami ang pumupuri, lalo na ang foreign press," sabi ni Emilio nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nalulula nga ako dahil hindi ko alam kung ineeklat lang ako ng mga yun, pero hindi namin sila talagang kilala, para lapitan kami at batiin dahil napanood nga nila ang movie namin.

ACTOR BILL PULLMAN. "International film festival na yun, ha. Kaya iba ang dating. Nagulat nga ako dahil pati si Bill Pullman, lumapit sa akin sa isang showbiz function sa Hyatt Regency kung saan kami billeted during the festival. Ipinagmamalaki niya ako as somebody coming from the Philippines, kaya tuwang-tuwa ako," dugtong pa ng aktor.

Continue reading below ↓

Hindi makakalimutan ni Emilio ang pagkakataong yun na tinandaan siya ng Hollywood actor na si Bill Pullman, na pumunta rito sa Pilipinas years ago para sa produksiyon ng Brokedown Palace. Mas kilala si Pullman sa Hollywood mainstream hits na Independence Day at Casper. Ipinakilala pa si Emilio sa ibang foreigners na dumalo sa festival.

"Pero, hindi naman talaga ako umasa na magwawagi ako ng acting recognition. Kahit marami sa press ang gusto kami, may jurors talaga na siyang namimili ng winners," ani Emilio.

Ang nagwagi as Best Actor ay isang bata, si Eri Canete, para sa Mexican film na El Viaja de Teo (Teo's Voyage).

GAY ROLES. Bago lumipad at nakabalik mula sa Montreal si Emilio, natapos niya ang indie film na Walang Kawala, kung saan tampok din sina Polo Ravales at Joseph Bitangcol sa direksyon ni Joel Lamangan.

"Hindi ako makapaniwala nang ilapit sa akin ang project," sabi pa ng aktor. "Mismong si Direk Joel kasi ang nagpatawag sa akin. Alam kong hindi ako ang first choice for the role na baklang pulis, kung hindi si Jay Manalo, pero hindi ko alam kung bakit hindi siya natuloy at sa akin na ipinagkatiwala ang role.

Continue reading below ↓

"It's not naman important para sa akin kung second choice lang ako, o kahit third or fourth choice. Basta, ang alam ko, malaking challenge pa rin 'yan, at magandang follow-up para sa Selda na hindi ako makapaniwala, hanggang ngayon ay nare-recognize ako as an actor dahil sa pelikulang yun," patuloy ni Emilio.

Alam ng marami na mahusay na aktor si Jay at lalong tataas ang expectations kay Emilio kapag nalaman ng publiko na ang peg para sa nabanggit na character ay si Jay Manalo nga.

"Gusto kong mabura sa isipan ng mga tao yun, na kapag ako na ang napanood nila, ang gusto kong magmarka sa kanila ay ang character na ginampanan ko bilang artistang si Emilio Garcia, na hiwalay roon sa dark character ko roon.

"May pagkakontrabida ang papel, pero alam kong kahit sinong artista, matsa-challenge sa ganoong role. At iniisip ko na siguro, para talaga sa akin yun. Hindi mapupunta yun sa akin kung hindi nakatakda," nasabi na lang ng aktor.

Continue reading below ↓

Dahil sa Walang Kawala, tumatanggi na ang kampo ni Emilio sa iba pang gay roles na inilalapit sa aktor. Kailangan daw na matagalan muna bago siya gumanap uli na isang bading sa pelikula, lalo pa't habang isinusulat namin ito'y palabas pa rin sa ilang sinehan ang Eskandalo, kung saan isang baklang teacher ang role niya na winalanghiya at inabuso ng boyfriend nitong ginampanan ni Andrew Schimmer.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"International film festival na yun, ha. Kaya iba ang dating. Nagulat nga ako dahil pati si Bill Pullman, lumapit sa akin sa isang showbiz function sa Hyatt Regency kung saan kami billeted during the festival. Ipinagmamalaki niya ako as somebody coming from the Philippines, kaya tuwang-tuwa ako," relates Emilio Garcia.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results