Tila naubos na ang pasensiya ni Paulo Avelino kaya siya na mismo ang naglantad ng larawan ng dalawang stalkers umano na nakabantay sa harap ng kanyang bahay.
Sa kanyang X (dating Twitter) account ngayong umaga ng Huwebes, February 12, 2026, ibinahagi ng Kapamilya actor ang larawan ng dalawang tao na tila pareho ang kulay ng mga damit.
Isang babae at isang lalaki na parehong naka-face mask, at nakasumbrero ang lalaki.

Ayon kay Paulo, ilang araw na umanong kinukunan ng larawan at video ng mga suspek ang kanilang bahay.
Patas lang daw kung siya naman ang maglantad ng mga mukha ng dalawa sa social media.
Buong caption niya: "Since ilang araw niyo rin naman na kinukunan ng picture and video yung labas ng bahay namin, okay lang naman din siguro na i-post yung picture niyo para patas lang."
Read: Will Ashley fires back at bashers who mock his height
NETIZENS REACT TO PAULO AVELINO'S EXPOSE
Ipinarating naman ng ilang followers ni Paulo ang kanilang pag-alala para sa aktor, pati na sa ka-love team nitong si Kim Chiu.
Mensahge ng isa, "Oh my! bakit kaya at para saan?! stay safe paps!"
Sagot ng isa, "Check daw kung mag kasama sila. NI KIM "

Pakiusap ng isang KimPau fan: "Let’s give them privacy, they deserve personal space and respect. We need to set boundaries as fans.
"They bring happiness to us, but that doesn’t mean it’s okay to go to their homes or take private photos. Real fans would never invade their privacy. Please be careful our dear Pau"

Hindi umano tama ang ginawa ng dalawang suspek kahit masasabing fans sila.
Maaari naman daw silang maging tagahanga na hindi kailangang umabot pa sa pag-i-stalk sa bahay ng kanilang idolo.
Ayon sa netizen: "Hala! Grabe naman yan! Umabot pa sa pag-stalk. Fan or not, this is not right.
"Maybe it’s just me, but I feel like we can support and admire someone without crossing into their private space, kung fans mga yan. Bahay nila yun. They deserve to feel safe there."

Sabi naman ng isa: "We all know how you value your privacy, so do I even normal peeps wanted private space.. this is so frustrating and alarming. Deserve nila yan kaya go lang Paps para patas lang."

Ayon sa isang netizen, hindi raw tunay na KimPau fans ang nang-i-stalk sa aktor.
"Malamang hindi po yan mga legit KP supporters noh... Please don't invade their privacy give them respect ok,nakakahiya po yung ginagawa nio ayan tuloy viral kayo...wag n po sana maulit yung mga ganitong gawain khit sa ibang artist..."

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Paulo, sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, upang makahingi pa ng karagdagang detalye tungkol sa insidenteng tto.
Wala pa siyang tugon at press time.
Read: Izzy Trazona bares recent convo with trans child Sofia
