Todo ang kilig ng comedian na si Lassy nang sorpresahin siya ng non-showbiz suitor na si Ken.
Hindi inaasahang dumating si Ken habang iniinterbyu si Lassy ng matalik na kaibigan niyang si Chad Kinis.
Umere ang vlog episode sa YouTube channel ni Chad kahapon, February 12, 2026.
May dalang bouquet of flowers si Ken para kay Lassy.
Hindi raw inasahan ni Lassy na makikita niya si Ken dahil magka-chat pa sila ng umaga noong araw na iyon.
Read: Korean actor Jung Eun Woo passes away at 40
LASSY wants to TAKe IT SLOW
Bago dumating si Ken, inamin ni Lassy na nagkakamabutihan na sila ng non-showbiz suitor niya.
Regular daw ang kanilang komunikasyon, at aminado siyang nahuhulog na ang loob niya rito.
Ayaw lang daw niya magmadali, dahil natuto na siya sa dating relasyon na "situationship" lang at hindi siya kayang panindigan.
Kaya gusto ni Lassy ngayon na sa lalaki mismo manggaling na handa itong panindigan siya, dahil sigurado siya sa sarili na kaya niyang magmahal nang totoo.
Kaya ganoon na lang ang tuwa ni Lassy nang dumating si Ken, na loud and proud sa pagsasabing mahal niya ang comedian.
Kinumpirma ni Ken na nililigawan niya si Lassy, at kaya raw siya nag-guest sa show ay para patunayang handa siyang ipagmalaki si Lassy.
Maging si Lassy ay nagsabing handa rin siyang ipakilala si Ken sa publiko, at dumating na ang tamang anahon noong mga oras na iyon.
Nang usisain ni Chad si Ken kung ano na ang real score nina Ken at Lassy, sagot ni Ken, "Actually, di ko pa alam. Di pa siya nag-aano. Ako, go na ako, 100 percent po ako."
Singit ni Lassy, "Ako na lang inaantay."
Natatawa pero halatang kinilig din si Chad para sa kaibigang si Lassy.
Bulalas ni Chad, "Ang ganda mo, girl! Ikaw pa nagpaantay. Kapal ng mukha mo!"
Read: MC and Lassy reveal losing P10 million to gambling
LASSY and ken's sweet message
Nagpalitan pa ng sweet na mensahe sina Lassy at Ken para sa isa't isa.
"Ken, salamat sa pagtitiyaga mo. Hahaha! Asawa?!" natatawang sabi muna ni Lassy.
Sabay seryosong dugtong ni Lassy: "Thank you, Ken. Napakabuti mong tao.
"Salamat sa pagpapasaya sa akin. Sa mga tulong mo sa akin, minsan pag nahihirapana ako, ikaw ang gumagawa."
Sabi naman ni Ken: "Totoo yung pagmamahal ko sa yo. Willing ako lahat gawin sa yo. Kaya ako nag-effort, kaya ako andito, kasi makikita kita."
Masayang ibinahagi ni Lassy na patunay raw ng sinserong intensiyon ni Ken ay ipinakilala na siya ng manliligaw sa mga magulang nito.
Ipinakilala na rin daw niya si Ken sa kanyang ama.
Samakatuwid, may basbas ng ng mga magulang nila ang kanilang relasyon.
Sa huli, sabi ni Lassy, "Paunti-unti na lang. Ayoko kasi madaliin ang lahat ng bagay. Kasi nanggaling na ako sa relasyon na minadali."
Paniniguro ni Ken sa kanya, "Kayo ko maghintay kahit gaano pa katagal."
Read: Anne Curtis denies saying "iconic" quote but also says "I'm gonna own it"
