Nagpupuyos sa galit ang netizens kasunod ng pagkasawi ng isang 23-year-old businessman matapos itong masagasaan at takbuhan ng umano’y lasing na driver noong February 8, 2026.
Ang biktima ay kinilalang si Kingston Ralph Cheng, at ang suspek ay ang 21-anyos na si Sean Andrew Pajarillo.
Nangyari ang aksidente sa Paseo Saturnino, Barangay Banilad, Cebu City, na nauwi sa pagkamatay ng biktima.
Ayon sa mga ulat ng Cebu Daily News and GMA Regional TV, madaling araw ng linggo, minamaneho ni Pajarillo ang sasakyang Toyota Innova nang nakatama muna siya ng nakaparadang Toyota Vios.
Pero hindi tumigil ang Toyota Innova, bagkus, mas bumilis pa raw ang takbo ng sasakyan at nasagasaan ang tumatawid na si Cheng at tumilapon sa poste.
Nawalan ng kontrol sa manibela ang suspek at bumangga.
Naisugod sa ospital si Cheng subalit wala na itong buhay.
Nang dumating ang mga pulis sa kinaroroonan ni Pajarillo, inaresto siya nang walang maipakitang lisensiya at wala ring mailabas na papeles ng sasakyan.
Ayon naman sa isang witness, amoy alak ang suspek, na naisugod pa sa Chong Hua Hospital. Nakunan pa siya ng larawan habang naka-peace sign.
Read: Driver sa hit-and-run incident sa Cebu City, negatibo sa liquor test
NETIZENS REACT
Nung naibalita ang nangyari, umani ng strong reactions mula sa netizens ang insidente.
Marami ang nalungkot sa biglaang pagkamatay ni Cheng, na inilarawan ng mga kaibigan at kakilala bilang mabuting tao.
Marami rin ang nagalit sa alcohol test ni Pajarillo na ang resulta ay "negatibo."
May mga teorya silang namanipula raw ito dahil maimpluwensiya at mayaman umano ang suspek.
Ang iba nagkomento na rigged daw ang alcohol test result dahil sa paglabas ng CCTV footage, kung saan makikita ang suspek na pasuray-suray, indikasyong nakainom ito, habang naglalakad papunta sa kanyang kotse sa parking lot bago mangyari ang aksidente.
Marami ang naghinalang tampered umano ang resulta, at kung hindi man, hindi raw agad isinailalim sa test ang suspek.
Ang iba, nakuha pang magbiro na baka pregnancy test daw ang ginawa.

Ang sabi naman ng ilang netizens, kung negatibo raw talaga ang resulta ng test, mas may pananagutan dapat ang driver dahil ibig sabihin ay hindi ito lasing.
Sabi ng isa, “So what if negative yung alcohol test? That just means he’s capable of the act even when sober.”

Ganito rin ang sinabi ng isa pang netizen.
Parte ng komento niya, “If the suspect tested negative, then he was in his right mind when it happened. He must face full consequences of his actions.”

Komento pa ng iba, dapat daw kuwestiyunin at imbestigahan kung sino ang nag-conduct ng test.
Tila kumbinsido ang iba na posibleng nagkaroon ng pagkakamali either sa proseso o sa resulta.
Pagkuwestiyon ng isang netizen, “Hindi nakainom iyan? So ano iyan na stroke kaya gegewang-gewang?”
Malinaw na pagtukoy ito sa lumabas na CCTV footage, kunsaan makikita ang pasuray-suray na paglalakad ng suspek.




Pinansin din ang picture ng suspek na naka-peace sign. Tila wala raw itong bakas ng pagsisisi.
Maraming netizens ang may similar comments:
- "Not a driving behavior of a person who’s in the right frame of mind.”
- “Lakas ng tama nito ahh.”
- “Not an ounce of remorse, my goodness."
- “Daming Filipino ang hindi qualified mag-drive!”
- “This driving behavior does not align with that of an individual operating within an optimal cognitive state.”



Isang netizen ang nag-point out na ang suot na T-shirt ng suspek sa loob ng bar at ang suot nito nung nasa ospital ay iisa.


Read: Philtranco announces date of its last ride after 111 years
DELAY IN THE ALCOHOL TEST
Ang sapantaha ng isang netizen ay na-delay ang alcohol test, “Negative na siguro kasi hours after makabangga na kinuhaan.”


At ito nga ang nangyari, ayon sa awtoridad.
Sa lumabas na ulat, sinabi ng mga pulis na "amoy alak" ang biktima nang arestuhin ito.
Pero negatibo ang resulta dahil naisagawa raw kasi sa ospital ang alcohol test 12 hours matapos ang aksidente.
“Sa buong Cebu, ang alam ko ay wala tayong ganoong equipment,” ani Cebu City Mayor Nestor Archival sa ulat ng GMA Regional News.
“The best thing we could do right now, lessons learned, we need to have that,” pagtukoy sa breathalyzer na liquor detector.
Sinabi naman ni Police Lieutenant Colonel Jose Los Baños, information officer of the Cebu City Police Office (CCPO), na hindi sila nagkulang at sinunod lamang nila ang proseso.
Agad daw silang humiling na magsagawa ng alcohol test nung maamoy ang suspek, ulat ng Cebu Daily News.
Pero, dahil itinakbo sa isang private hospital si Pajarillo, nalimitahan ang galaw ng pulis dahil sa protocol na kailangang may permiso ang pasyente kapag isasailalim ito alcohol test.
Saad ni PLT. Los Baños: “Sa part sa PNP, naa’y limitations sa amoang trabaho. So the moment nga naa sa hospital, naa sila’y medical procedure, dili na ta pwede manghilabot ana. So mao to’y naka-cause og langan."
In Filipino: "Sa part ng PNP, may limitations sa aming trabaho. So the moment nga na nasa ospital na siya at may isinasagawang medical procedure, hindi na kami maaaring makialam. Iyon ang naging dahilan ng pagkaantala."
Wala rin daw alcohol testing sa unang pinagdalhang ospital kay Pajarillo, kaya inilipat ito sa Cebu City Medical Center.
Sa lahat ng nangyaring ito, lumipas muna ang napakaraming oras bago naisagawa ang alcohol test.
Sinampahan ng mga kasong reckless imprudence resulting to homicide at hit-and-run si Pajarillo noong February 10.
Hanggang nitong February 12 ay nasa hospital arrest pa rin ang suspek at patuloy ang mga pulis sa imbestigasyon at paghahanap ng mga ebidensiya kaugnay ng insidente.
