PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jopay Paguia hesitated returning to SexBomb Girls due to religion

Jopay: "Yung iba intindi nila madumi, masama yung ginagawa mo... malaswa."
by Bernie V. Franco
Published Feb 17, 2026
Jopay Paguia
Jopay Paguia on returning to SexBomb Girls: “Kinausap ko yung pastor ko. Sabi ko, ‘Magiging masamang tao po ba ako pag bumalik ako?’”
PHOTO/S: Jopay Paguia on Instagram

Inilahad ni Jopay Paguia, isa sa original members ng SexBomb Girls, na dalawang beses siyang umalis noon sa tanyag na all-female dance group.

Relihiyon ang pangunahing dahilan kung bakit nag-alangan siyang bumalik noon.

Pag-amin ni Jopay, may impresyon kasi ang iba na "marumi, masama, at malaswa" ang sayaw na ginagawa ng dance group.

Inisip daw niya noon na baka labag ito sa mga pangaral ng simbahan.

Relihiyon din ang dahilan kung bakit tumiwalag si Izzy Trazona nang sumapi siya sa Victory Church taong 2010. Hindi na siya bumalik sa grupo.

Ang desisyong ito ni Izzy ay suportado ng asawa niyang si Alvin Aragon. Ikinasal ang dalawa noong February 18, 2012.

After 16 years, ganito pa rin ang paniniwala nina Izzy at Alvin.

Pero paano nakapagdesisyon si Jopay na bumalik sa grupo sa kabila ng kanyang relihiyon?

Read:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOPAY ASKED FOR A SIGN

Ikinuwento muna ni Jopay kung paano nawala ang SexBomb Girls sa Eat Bulaga! taong 2006.

Pero patuloy pa rin daw silang may trabaho dahil sa long-running afternoon show na Daisy Siyete sa GMA Network.

Saka niya binanggit na umalis din siya sa grupo, not just once but twice.

“Siguro nakadalawang alis yata ako. Una, umalis, pero bumalik. Tapos, nung last, nung na-engage ako, umalis ako,” lahad niya sa interview ni Boy Abunda noong January 28, 2026.

Ang tinutukoy ni Jopay ay ang engagement niya sa kapwa dancer at ngayon ay mister na si Joshua Zamora.

“Tapos na-involve kasi ako sa church na parang ang ano ko noon is, yung calling ko is mag-serve sa church talaga. So, yun…” lahad ni Jopay.

Makalipas daw ang isang taon, matapos bigyan ng panahon ang personal at spiritual life, nag-alangan daw si Jopay na bumalik pa sa SexBomb.

“Pinag-pray ko siya. Kasi siyempre, di ba, ang pagsasayaw, hindi pala pare-parehas yan sa church. Na hindi porke’t dancer ka, mananayaw ka, idya-judge ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Doon ko naintindihan iyon na yung iba, intindi nila madumi, masama yung ginagawa mo… malaswa, since nagsusuot ka ng maikli.”

Nagtalo raw sa isip ni Jopay ang pagsisilbi sa simbahan at pagpapatuloy sa propesyong pinagmulan niya.

“So, pinag-pray ko po talaga iyan," pag-amin ni Jopay.

“Kinausap ko yung pastor ko. Sabi ko, ‘Magiging masamang tao po ba ako pag bumalik ako?'"

SexBomb
Jopay (second from left) with some of her fellow SexBomb Girls members in one of their recent concerts.
Photo/s: Joshua Zamora on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naging malaking factor daw sa kanyang desisyon ang isinagot sa kanya ng pastor.

“Isa lang po ang sinabi sa akin. ‘Ano bang una mong naging trabaho? Anong una mong natutunan? Binigyan ka ni Lord ng talent. Ano bang binigay sa iyo? Kumanta at sumayaw. Nasa sa iyo na lang yan kung paano mo siya gagamitin.’”

Binanggit daw ni Jopay sa pastor na ang pangalan ng grupo na SexBomb ay maaaring magbigay ng hindi magandang impresyon sa ibang tao.

Sabi raw ng pastor sa kanya, "Pangalan lang yan. Iyan din ba ang ginagawa mo?"

Sagot daw ni Jopay, “Hindi po.”

Pagpapatuloy ni Jopay: “So, pinag-pray ko po iyon. Sabi ko, ‘Lord, bigyan mo ako ng sign kung babalik ako sa grupo ko.’

“So marami na po talagang sign. Pero gusto ko po talaga ng solid.

“Tapos binigyan niya ako ng sign na talagang pumukaw talaga sa akin.”

May mga nakita raw siyang mga bata sa labas at sumayaw ng hit dance song nilang “Spaghetti” nang makita siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyon daw ang nakita niyang sign.

Kasunod nito, nakipagkita raw siya sa kanilang manager na si Joy Cancio, choreographer at founder ng SexBomb Girls, para sabihing babalik na siya sa grupo.

“Sabi ko, pinag-pray hard ko po ito tapos in-explain ko sa kanila kung ano reason kung bakit ako umalis, kung bakit ako bumalik.

“Tinanggap ako nang buong-buo ni Ate Joy nang walang judgment.”

Naging tanyag noong dekada 2000s ang SexBomb Girls bago nagkanya-kanyang buhay ang mga miyembro.

Muli lamang silang nagsama-sama sa kanilang reunion concerts noong December 4 at 9, 2025.

Naging phenomenal ang response ng fans, at nagsilbing paalala ang sold-out shows sa matinding impluwensiya ng grupo sa industriya.

Nagkaroon pa sila ng tatlong successful shows ngayong February 2026.

Madamdamin ang gabi ng February 7 dahil nakasama nilang muli si Izzy sa isang song number.

Nakatakdang magtanghal ang SexBomb Girls sa UAE sa March 27-28, at sa California, USA, sa May 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: SexBomb Girls enjoy reunion dinner with their husbands

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jopay Paguia on returning to SexBomb Girls: “Kinausap ko yung pastor ko. Sabi ko, ‘Magiging masamang tao po ba ako pag bumalik ako?’”
PHOTO/S: Jopay Paguia on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results