Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang manhunt para sa mga salarin sa karumal-dumal na pamamaslang sa guro at dating beauty queen na si Lullete Jane Ramilo de Guzman.
Si Lullette ay sumali sa Miss Philippines Earth 2013 kunsaan siya hinirang na isa sa limang runners-up.
Nasa loob ng sasakyan si Lullete at noo'y kararating lang sa kanyang tahanan sa Brgy. Cabaritan, San Manuel, Isabela, nang binaril at napatay ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin noong gabi ng February 13, 2026.
Nakaligtas naman ang tatlo niyang anak sa krimen.
Read: Former Miss PH-Earth 2013 runner-up shot dead in Isabela
Ayon kay Nartatez, base sa ulat ng ABS-CBN News noong February 16, inutusan niya ang Cagayan Valley police na silipin ang posibleng motibo sa pamamaslang at pabilisin ang pagtukoy sa mga salarin.
Ayon naman sa Facebook post ng PNP Isabela, sinabi ni PCol Manuel Bringas, provincial director ng Isabela Police Provincial Office, hindi nila hahayaang makaligtas ang mga responsable sa pagkamatay ng beauty queen.
Saad niya: "Hindi namin hahayaang makaligtas ang mga responsable sa pamamaril na ito.
"Gagawin natin ang lahat ng hakbang upang matukoy at mahuli ang mga suspek at mabigyan ng hustisya ang biktima at kanyang pamilya.
"Inatasan ko na ang lahat ng concerned units na paigtingin ang imbestigasyon, intelligence build-up, at manhunt operations.
"Sisiguraduhin natin na maipaparating sa publiko ang resulta ng ating aksyon at maibibigay ang hustisya na nararapat.”

Samantala, umabot na sa PHP150,000 ang reward money para sa makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa mga suspek sa krimen.
Ito ay mula sa local government ng San Manuel (PHP50,000), office of Isabela Fifth District Rep. Faustino Michael Dy (PHP50,000), at Board Member Manuel Faustino “King” Dy (PHP50,000).
Read: Who was Lullete Jane Ramilo, Miss PH-Earth 2013 runner-up?
LULLETE'S PARTNER
Samantala, sa isang Facebook post, nangako ang partner ni Lullette na si Clifford dela Cruz na hindi siya titigil hangga't hindi nakakamit ang hustisya para sa beauty queen.
Aniya, "I will do everything to get justice for you, Mommy. We love you so much. I will forever take care our 3 children.
"We will fight until the very end! #justiceforjing"
Nauna pa rito, sinabi niyang maaaring ang "bullying" na nilalabanan umano ni Lulette ang dahilan kung bakit pinaslang ito.
Si Lulette ay isang guro, samantalang isa namang doktor si Clifford.
Sabi ni Clifford sa kanyang post: "She was a fighter. She stood bravely for parents who were afraid to speak.
"She stood against bullying in school. She stood up to authority when others were too intimidated to do so.
"Now, her voice has been silenced, silenced by those who were offended by the truth she carried.
"But her courage will never be silenced. Her fight will never be forgotten.
"Justice for my wife. #justiceforjing #NoToBullying"

Read: Sofia Trazona reacts to stepdad Alvin Aragon's anti-gay remarks
