Nakakatakot na kwento ng isang babaeng hinahabol ng kanyang
mga kasalanan ang mapapanood sa November 1 episode ng drama anthology na Maalaala Mo
Kaya.
Pagbibidahan ni Jaclyn Jose at Precious Lara Quigaman ang nasabing true story na idinirihe ng batikang direktor ng Kahit Isang Saglit na si Jerry Lopez Sineneng. Matatandaang si Direk Jerry din ang nagdirihe ng mga makatindig-balahibong horror episodes ng programa, tulad ng "Kulam" ni Valerie Concepcion, "Abito" with Gardo Versoza, "Batis" tampok si Cesar Montano, "Rosaryo" ni Glaiza de Castro at "Agua Bendita" tampok naman si Judy Ann Santos.
Abangan ang nakakakilabot na totoong kwentong katatampukan
ni Jaclyn at Precious Lara sa MMK ngayong Sabado.
Maalaala Mo Kaya(November 1)
Director: Jerry Lopez Sineneng
Writer: Shugo Praico
Cast: Jaclyn Jose, Precious Lara Quigaman, Liza Lorena, Richard Quan, Joem Bascon
Si Ms. Charo Santos-Concio ang host ng Maalaala Mo Kaya.