PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SB19 Pablo admits experiencing discrimination in the past

Pablo thanks Jay Durias and Gary Valenciano for helping SB19 before.
by Jerry Olea
Published Feb 26, 2026
sb19 pablo
Pablo of SB19 on rewarding himself for all his hard work: “Naku, siguro po, yung mga tao sa paligid ko, nagtataka rin. Kasi, wala pa po akong sariling bahay... Siguro darating din po yung panahon ko na ano… for now, work muna tayo! Hindi po ako maluho, e! Wala rin akong bisyo. Mahilig akong magmotor pero hindi naman po ako maraming motor din.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Walong taon na sa local music industry si John Paulo Nase o Pablo ng SB19.

Sa event ng Sony Music Publishing (SMP) Philippines noong Pebrero 24, 2026, Martes, sa Gallery by MiraNila, Mariposa Loop, Quezon City, naipahiwatig ni Pablo na hindi masyadong supportive ang parents niya nang pasukin ang music industry.

“Hindi naman po discouraged kundi parang… practical way,” pagtatapat ni Pablo.

“Siyempre I came from a not-really-well-off family. Maraming bagay na nagko-contribute sa ganoong pagdedesisyon.

“Pero they’re really happy for me. They’re proud. And ako, I’m proud to say na I’m able to help them.

“I was able to buy a house for them. Yung tatay ko na nagtatrabaho sa ibang bansa, pinauwi.

“Kasi meron na kaming business. Magkakasama na po kami sa family.

“So I’m really proud na ganito po ang narating ko.”

Read: How SB19's life changed since P-pop stardom

PABLO'S REWARD FOR HIMSELF

Ano naman ang reward niya sa sarili para sa natamong tagumpay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naku, siguro po, yung mga tao sa paligid ko, nagtataka rin. Kasi, wala pa po akong sariling bahay,” saad ni Pablo.

“Pero I’m glad sa posisyon ko ngayon. Kasi, unti-unti, nabubuo namin. May sarili kaming kumpanya.

“Nakakapag-train kami ng new artists, new generation. Natutulungan namin, nae-encourage na gawin o sundan yung pangarap nila, mga bagay-bagay.

“Siguro darating din po yung panahon ko na ano… for now, work muna tayo! Hindi po ako maluho, e!

“Wala rin akong bisyo. Mahilig akong magmotor pero hindi naman po ako maraming motor din.”

Read: Did Edu Manzano hard launch new girlfriend at EDSA 40 prayer rally?

PABLO ON EXPERIENCING DISCRIMINATION IN THE MUSIC INDUSTRY

Nabanggit ni Pablo na noong nagsisimula siya sa music industry, na-shun siya ng ilang nauna sa kanya na akala niya ay tutulong sa kanya.

Na-meet pa rin ba niya ang mga nag-shun sa kanya noon? If ever, ano na ang pakitungo sa kanya?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natigilan at natawa si Pablo bago sumagot: “Ahhhmmm… Ha! Ha! Ha! Sobrang sensitibo po iyan.

“Kasi talagang na-break yung heart ko, e. Kasi, as a bago sa industry, in-expect ko na yung matatagal na sa industry, iga-guide ka.

“Pero parang… na-discriminate ka pa. Pero ako po, naniniwala ako na yung passion at yung mga ipinaglalaban namin, may kapupuntahan.

“And so, I keep pushing forward. Kung may mga ibang tao man na ganun pa rin yung pakikitungo, siguro hindi na nila matanggap or kung ano man.

“I’m just happy na I’m able to use this platform to voice out yung mga bagay-bagay na pinaniniwalaan ng grupo ko at ako.”

Nakatulong ba yung pag-discriminate na iyon para mas ma-challenge siya, at mas magpursige?

“Definitely! Ako po yung tao na kapag talagang pinagsaraduhan mo ako ng pinto, babasagin yung pinto!” natatawang bulalas ni Pablo.

“Pero ayun po, e. I really love music. I really love what I’m doing right now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So I would never stop until siguro ma-achieve namin yung success na gusto namin.”

Read: Ellen Adarna speaks about issuing an ultimatum to Derek Ramsay for child support

PABLO VOWS NEVER TO DISCRIMINATE ASPIRING ARTISTS

Hindi niya gagawin sa mga baguhang naglu-look up sa SB19 ang pagdi-discriminate. Napatunayan na iyon ng kanilang grupo…

“Never po! Kaya po ako nagtayo, meron po akong grupo na called Radkidz,” pagsisiwalat ng 31-anyos na si Pablo.

“Ang ibig pong sabihin ng Radkidz, cool kids. Ibig sabihin lang nun... lahat kahit bata ka, o matanda ka, puwede kang makagawa ng magandang ideya.

“Hindi ka dapat pinagsasaraduhan ng pinto. Hindi ka dapat... parang, ‘Ay! Bata ka lang, huwag ka na diyan! Wala ka namang alam, e!'

“Yun pong mga ganun. So, yun po ang goal ng Radkidz, talagang i-hone, talagang i-house lahat ng magagaling, talentado.

“Kasi ako, I believe, Filipinos are talented. Kailangan lang nila ng proper education, proper guidance sa mga tao na mas matataas sa kanila, mas may experience sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinu-sino namang datihan sa music industry ang tumulong sa kanya o sa SB19 noong nagsisimula sila?

“Napakadami po!” sambit ni Pablo.

“Alam niyo po yung 'Mapa'? Si Sir Jay Durias, napakahusay, South Border. Siya po yung isa sa mga tumulong sa amin i-produce yung kanta.

“Napakadami ko rin pong natutunan from him. Kasi isa siyang matagal na sa industriya.

“Marami pang iba. Sina Sir Gary V. Napakadami po! Pag bibilangin po, napakadami.

“Pero nagpapasalamat po ako, kasi kahit may mga iba na negatibo — mas maraming positibo.”

Nag-guest na ang SB19 sa concert ni Gary V, at kinanta ni Pablo ang "Babalik Ka Rin."

Read: Elisse Joson reflects on failed relationship with McCoy de Leon

SB19'S "VISA" SONG

Hit agad ang bagong kanta ng SB19 na "Visa."

Nagawa nila iyon habang nagsu-shoot ng endorsement ng isang brand.

Gusto nilang mapag-usapan ng mga tao ang isyu sa pagkuha ng visa, lalo pa’t nagpe-perform ang SB19 sa iba’t ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami po kasing times na may mga na-deny po sa amin, mga stylist namin. Hindi sila nakalipad,” paliwanag ni Pablo.

“So it’s really hard for Filipino representatives, sa mga athletes natin na parang… gawin yung best nila kapag nagkakaroon ng mga ganung klaseng aberya.

“Gusto po kasi namin na parang we’re urging the system or maybe kung sino man yung puwedeng makatulong sa ganitong klaseng diskusyon na talagang mapadali yung pag-a-apply ng visa lalo na sa mga atleta, sa mga Pilipino na nagre-represent sa Philippines.”

Sabi ng A’TIN, ang tapang at ang galing ng SB19 sa pag-release ng kantang "Visa.

“Parang kami naman po, we always... hindi naman kami ever naging… paano ba? Hindi safe.

“But if we have something to say, we have a platform, we use it para makatulong sa kung sino man or sa Philippines siyempre.

“Kasi gusto talaga naming makilala ang Philippines all over the world. That’s what we’ve been doing for the longest time eversince we started as SB19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And siyempre itong mga ganitong bagay, isa ito sa maliliit na parte na puwedeng makatulong talaga, hindi lang sa amin, but sa lahat ng Filipinos na nagre-represent sa bansa natin.”

SB19 Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale

Gaganapin ang SB19 Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale sa Abril 18, 2026 sa SMDC Festival Grounds.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang halaga ng tiket ay PHP12,800 (SVIP, seated), PHP10,300 (VIP, seated), PHP6,250 (Gold, standing), PHP3,000 (Silver, standing), at PHP1,500 (Bronze, standing).

Ang blurb: “Ang mga huling pahina ng libro ay naisulat na. Tayo’y nasa Wakas na nguni’t tayo rin ay muling magsisimula.”

Ano ang mae-expect ng A’TIN sa concert na ito?

Napangiti si Pablo: “Siguro, a whole new world. Hindi, kasi, hindi lang kami nagpe-perform. It’s not just visuals. It’s not just the songs.

“But it’s a whole experience talaga. Siguro kung na-experience na nila iyong previous Simula tour namin, it’s better than that.

“Way, way better than that. It’s the best concert that they’re ever going to watch!

“So kami, kami rin nasa SB19, we’re really, really excited to present kung ano man iyong ginagawa namin.

“And with the team enforcing that we have, for sure mag-e-enjoy sila.”

Read: TV Updates: Kapuso at Kapamilya shows, sunud-sunod magpapaalam sa ere

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pablo of SB19 on rewarding himself for all his hard work: “Naku, siguro po, yung mga tao sa paligid ko, nagtataka rin. Kasi, wala pa po akong sariling bahay... Siguro darating din po yung panahon ko na ano… for now, work muna tayo! Hindi po ako maluho, e! Wala rin akong bisyo. Mahilig akong magmotor pero hindi naman po ako maraming motor din.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results