PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vhong Navarro admits he fell in love with Toni Gonzaga before

Vhong said he stopped himself from courting Toni because he felt their relationship would not work out.
by Julie E. Bonifacio
Published Sep 13, 2008
"Kasi nagka-in love-an naman talaga. Kasi dumating sa point na yung nagkaaminan naman kami na crush namin ang isa't isa. Nagustuhan namin ang isa't isa before. Kasi parang yung company... Siguro nag-e-enjoy siya sa company ko, parang ganun," admits Vhong Navarro. But he did not court Toni Gonzaga because he felt the relationship would not work out as long as they were working together.

Hindi na namin inabutan ang pagkaka-harness nina Vhong Navarro at Toni Gonzaga nang bisitahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pictorial nila sa Dolphy Theater (formerly Studio 1) sa ABS-CBN kahapon, Biyernes, September 13, para sa bago nilang pelikula sa Star Cinema Productions na My Only U.

Ilang sandali lang pa at nagpaunlak na sila for an interview. Nauna si Vhong.

"Dito sa movie na ito, gusto nila ang peg sa akin, medyo serious romantic-comedy kasi. Gustong gawin sa akin ni Direk Cathy [Garcia-Molina] dito, maiba ako sa mga movies na ginawa ko dati na hindi ako nagpapatawa. Yung expression ng mukha ko hindi ganun ka-loud o yung maraming galaw. Gusto ni Direk, halos poker face ako, halos steady lang. Yung natural lang, yung ginagawa ng normal na tao. Kasi yung personality ko, hindi normal," natatawang bungad ni Vhong.

FALLING IN LOVE WITH TONI. Diretsahan na tinanong namin si Vhong kung totoo bang muntik na silang magkarelasyon ni Toni bago pa man dumating si Sam Milby bilang bagong leading man ng TV host-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi nagka-in love-an naman talaga. Kasi dumating sa point na yung nagkaaminan naman kami na crush namin ang isa't isa. Nagustuhan namin ang isa't isa before. Kasi parang yung company... Siguro nag-e-enjoy siya sa company ko, parang ganun. Wazz Up pa lang kami that time. Doon na nag-start."

Bakit hindi niya ipinagpatuloy sa panliligaw ng nararamdaman niya noon para kay Toni?

"Mahirap, e. Kasi naaano ko na makakatrabaho ko si Toni nang mahaba. Ang hirap kapag karelasyon mo ang katrabaho mo, e. Yung parang... yung siyempre kapag nagkaproblema kayo, mag-aaway kayo, matitigil kayo. Ayoko ng ganun. Marami na kasi akong nakitang ganun."

Hindi na puwedeng ituloy ngayon?

"E, mahirap magsalita ng tapos. Kasi siyempre ngayon masaya si Ms. Toni Gonzaga."

Pero may feelings pa rin siya para kay Toni?

"‘Di sa pelikula nandun pa rin, e. Hindi pa rin naman nawawala yun. Kaya lang, siyempre, alam naman natin kung hanggang saan tayo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinipigilan niya lang ang sarili niya?

"Well, siya pinipigilan niya," biro ni Vhong.

VHONG'S ANNULMENT CASE. Samantala, ngayong annulled na ang kasal nila ni Bianca Lapus, maaari na ba siyang magsalita about it?

"Honestly, wala pa sa amin yung resulta, yung papeles. Kaya hindi pa ako puwedeng magsalita. Sila ang naglabas noon, ang Supreme Court. Pero wala pa kami. Sabi ng lawyer ko hanggang wala pa sa amin, hindi pa ako puwedeng magsalita."

Ano ang reaction niya nang mabalitaan niyang ibinigay na ng korte ang annulment na hinihiling niya?

"Kasi alam naman namin ni Bianca na matagal naming hinintay ‘to. Siyempre ang sarap din ng feeling na kahit papa'no na magiging malaya na kami dahil alam naman natin na siya, masayang-masaya na ngayon. Kumpleto na ang pamilya niya, e. Yun lang naman ‘yon. Wala na kaming ibang intensyon pa. Wala kaming intensyon na masaktan ang bawat party."

Pero nagsalita si Bianca na nasaktan siya sa lumabas na ilang detalye sa mga demands diumano ng kanyang ex-wife gaya ng financial support mula sa komedyante.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi hindi naman sa akin galing yung ano, e. Kasi rights din ng ano yun, e, CA [Court of Appeals]. Pero huwag muna. Bawal pa magsalita."

Anong feeling niya noong nag-react si Bianca?

"Ang hirap lang kasi, like me, naiintindihan ko nang mag-react si Bianca, kasi naging affected kasi yung bata, si Ice [anak nila ni Bianca]. Siyempre sa school, niloloko siya. Medyo sa part naman ni Bianca, masakit talaga ‘yon. Naintindihan ko naman ‘yon. Pero ang masasabi ko lang naman talaga, si Bianca sobrang the best mom. Iba siya. Iba siyang magmahal sa mga anak."

Nalaman ba ni Ice ang nangyari?

"Hindi. Alam na nung bata ‘yon na hiwalay na kami. Pero, siyempre, nung narinig niya yung mommy niya na ganyan, siyempre iba ‘yon. Mommy niya ‘yon, e, ‘di ba?"

GETTING MARRIED AGAIN. Ano ang una nilang ginawa ni Desiree [del Valle, his rumored girlfriend] nang malaman nila na annulled na ang kasal nila ni Bianca?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala pa naman puwedeng gawin kasi wala pa naman, di ba?"

Kumusta naman sila ni Desiree?

"Sobra pa ring maselan. Kasama pa rin ‘yun sa case."

Kailan siya mag-aasawa ulit?

"Mahirap! ‘Tsaka wala pa. Wala pa sa plano ko yun. Bata pa ako."

Nagka-trauma ba siya sa kasal?

"Hindi naman. Kasi that time siguro naman masyado pa kaming bata. Hindi pa kami ready talaga that time. Siguro ano rin ‘yan, e, timing. Oras na ‘yan kung ‘yun na ‘yon. Nakita mo na talaga yung mahal mo na alam mo na ito na talaga ang makakasama mo habangbuhay, yun na 'yon."

So, okey lang sa kanya na magpakasal ulit?

"Oo naman. Hindi pa naman ako nagsasara ng pinto na tapos na yun."

Nakita na ba niya ang babaeng papakasalan niya ulit?

"Well, nand'yan lang yun sa tabi-tabi."

DOING INDIE. Bukod sa movie nila ni Toni, ano pa ang gagawin niya na naka-line-up sa kanya na projects?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"After kong matapos ang movie namin ni Toni, pupunta ako ng Taipei. Gagawa ako ng movie dun, actually, indie film siya. Isang independent producer at ang direktor ay isang Malaysian. And then, kasama ko si Archie [Alemania], si Jodi [Santamaria] at si Katherine [Luna]."

Sexy film ba ito?

"No, no. It's a... parang OFW [Overseas Filipino Worker], e. Tungkol sa mga Pinoy, sa mga kababayan natin doon. Ipapalabas sa Cannes Film Festival. Hindi naman ako seryoso dito. Natural lang. Hindi ka naman nagpapatawa. Kumbaga, may character ka rin na panghahawakan. Na parang kung ano ‘yong OFW.

"Different ito sa mga nagawa ko kasi kailangang maramdaman nila na doon ka nagtatrabaho. Kaya nga doon kami magsu-shoot sa Taipei," pagtatapos ni Vhong.

Read Next
Read More Stories About
Vhong Navarro, Toni Gonzaga
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi nagka-in love-an naman talaga. Kasi dumating sa point na yung nagkaaminan naman kami na crush namin ang isa't isa. Nagustuhan namin ang isa't isa before. Kasi parang yung company... Siguro nag-e-enjoy siya sa company ko, parang ganun," admits Vhong Navarro. But he did not court Toni Gonzaga because he felt the relationship would not work out as long as they were working together.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results