Ikinuwento ni Hilda Koronel, 70, na magkaibigan sila ni Amy Austria, 64.
Ang dalawang batikang aktres ay may common denominator. Pareho nilang naging karelasyon ang aktor na si Jay Ilagan.
Sa PEP Spotlight na umere noong March 3, 2026, tinanong si Hilda tungkol kay Amy.
Naalala ng awtor na ito na noong 2024, nagkapalitan ng comments sina Hilda at Amy sa Instagram.
May fans—partikular ang mga nakaaalam sa kanilang history—ang nakaalala na parehong nakarelasyon nina Hilda at Amy ang pumanaw na aktor.
Unang naging magkarelasyon sina Hilda at Jay dahil pareho sila ng kinabibilangang film production outfit noon.
Teens pa lamang sila, magkatrabaho at magkasama na sila. Ikinasal sila noong 16 pa lamang si Hilda at 18 si Jay.
Pero naging masalimuot ang kanilang pagsasama at nauwi ito sa hiwalayan.
Kalaunan, naging karelasyon ni Jay si Amy.
Pumanaw si Jay noong February 1992 dahil sa isang motorcycle accident. Siya ay 37 anyos noon.
Read: Hilda Koronel on Jay Ilagan & Amy Austria: Good Terms
“Of course! Amy’s a friend of mine, you know,” magiliw na sagot ni Hilda sa PEP.
Patungkol kay Jay, sabi pa ni Hilda, “Wala naman kaming samaan ng loob over that, because yung relasyon, by the time nagrelasyon sila [Jay at Amy], tapos na kami [ni Jay], matagal na.
“And I still talk to her. I was just inviting her for Sisa nga, e. Yeah, we're good friends naman. We did a film together.
“So wala iyon. Malinis ang aming mga relasyon.”
Nagkasama noon sa pelikulang Kung Mahawi Man ang Ulap (1984) sina Hilda at Amy.
Pagpapatuloy ni Hilda, “’Yun, hindi patungan. Walang patungan,” na ibig sabihin ay hindi nag-overlap ang relationship nila sa late actor.

Kuwento pa ni Hilda, nakakalikha ng intriga ang iba dahil hindi sila pamilyar sa kanilang relationship history.
“Meron iba sinasabi nila, ‘Oh, I think mag-asawa pa si…’ kumbaga nag-iintriga pa, ‘Yun pala ganito, nauna yata si Amy…’ ang gulo-gulo, di nila naiintindihan. Tapos na kami ni Jay noon.
“Yeah, inimbita ko nga siya sa Sisa. Amy, ha?" sabi ni Hilda.
Diin niya, Yeah, we're good friends naman."
Taped ang PEP Spotlight episode kay Hilda, kaya kinumpirma niya sa interbyu na inimbita niya si Amy sa premiere ng Sisa.
AMY ATTENDS 'SIsA' PREMIERE night
March 2, Lunes, ginanap ang premiere night ng Sisa.
Maraming mga artista na kaibigan ng cast members ang sumipot at nagpakita ng suporta.
Isa sa mga dumalo ay si Amy, na pinaunlakan ang imbitasyon ni Hilda.
Nag-post pa si Amy ng larawan nila ni Hilda. Binati ni Amy si Hilda dahil sa ganda ng pelikula.
Ipinost din ni Hilda sa kanyang Instagram Story ang picture nila ni Amy.
Pinasalamatan din ng Sisa actress si Amy.

friends WITH HER EXES AND EXES’ PARTNERS
Balik sa PEP Spotlight, inusisa si Hilda kung maganda rin ba ang relasyon niya sa kanyang naging ex-partners.
“Oo naman naman. Yeah, kaibigan po lahat iyan,” sagot ni Hilda.
Biro pa niya, “Wag lang babanggitin [ang mga pangalan] may mga asawa na iyan.”
Naniniwala raw ang aktres na kahit nauwi sa hiwalayan ang pagsasama, “kung puwede niyong tapusin na magkaibigan kayo, mas maganda.”
Pero kabig niya, “Of course, there are instances talaga na hindi mangyayari, e. So okay lang, but you have to let it go.
“Pero mas maganda kung magkasundo kayo, magkaibigan kayo.”
Sundot ng aktres, “May mga exes ako na nakakaibigan ko pa yung mga asawa nila, e.”
Muling ikinasal si Hilda sa Filipino-American husband niyang si Ralph Moore, Jr. noong 2000, pero pumanaw ang huli noong 2023.
Watch the full interview of Hilda Koronel on PEP Spotlight:
