PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

CCTV footage shows Jayson Zoleta shot dead by alleged ex-BF

Rest in peace, Jayson Zuleta!
by Nikko Tuazon
Published Mar 7, 2026
Jayson Zoleta
Pumanaw ang 24-anyos na si Jayson Zoleta matapos umanong barilin ng kanyang ex-boyfriend sa isang tindahan sa Lucena City.
PHOTO/S: Jayson Zoleta / Facebook

Trigger warning: sensitive news, death, alleged murder

Nakunan sa CCTV ang pamamaril sa isang lalaki sa loob ng isang tindahan sa Barangay 4, Lucena City, bandang 11 a.m. noong March 5, 2026.

Kinilala ang biktima bilang si Jayson Zoleta, 24, isang empleyado ng isang clothing shop sa Lucena.

Sa Facebook page ni Jayson, nakasaad sa bio niya na siya ay "digital content creator." Mayroon siyang 13,000 followers sa Facebook.

Jayson Zoleta
Jayson Zoleta
Photo/s: Jayson Zoleta / Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ulat ng GMA News, ang itinuturong suspek ay ang dating boyfriend umano ni Jayson.

Kinumpirma rin ito ng mga kapatid ni Zoleta sa kani-kanilang Facebook accounts, at pinangalanan ang alleged suspect na siyang nobyo ni Zoleta.

Jayson Zoleta allegedly shot dead by boyfriend
Jayson Zoleta allegedly shot dead by ex-boyfriend
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa panayam ng GMA News, isiniwalat ng kapatid ni Zoleta na wala pang isang buwan mula nang maghiwalay ang dalawa.

Diumano, selos ang pinagmulan ng kanilang alitan.

Ayon pa sa kapatid ni Zoleta, tumawag ang suspek kay Jayson noong araw mismo ng insidente.

Niyaya umano ng suspek si Zoleta na magkita sila sa tindahan upang makapag-usap nang personal—isang pakiusap na hindi inaasahang hahantong sa trahedya.

THE CCTV FOOTAGE

Sa CCTV recording, na ngayon ay kumakalat sa social media, makikita si Zoleta na nakatuon sa pagtingin sa mga paninda sa shop.

Kunwa'y tumitingin-tingin din sa paninda ang suspek, at padaan-daan sa likuran ni Zoleta.

Maya-maya pa, lumapit ang suspek sa likod ng walang kamalay-malay na si Zoleta.

Dahan-dahan pang bumunot ng baril ang suspek at saka malapitang pinaputukan si Zoleta.

Matapos ang pamamaril, isang lalaking nakaupo sa labas ng tindihan ang biglang napatayo at tinignan ang komosyon.

Hindi malinaw ang kanilang mga sinasabi pero makikitang kinausap pa ng suspek ang lalaking nakasaksi sa insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Waring sumenyas pa ang suspek sa lalaking kausap niya na ibaba ang roll-up para maisarado o matakpan ang tindahan.

Makikita rin sa CCTV na may isang babae ang sumilip sa tindahan, pero hindi malinaw kung ano ang sumunod nilang hakbang.

Jayson Zoleta and ex-boyfriend at the time of the shooting incident in Lucena
Jayson Zoleta and alleged ex-boyfriend (in white) minutes before the reported shooting incident in Lucena
Photo/s: SCREENSHOT FROM VIRAL CCTV FOOTAGE VIA Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, patuloy pa rin siyang pinaghahanap ng mga awtoridad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

NETIZENS' REACTIONS

Samantala, humihingi ng hustisya ang pamilya ni Jayson sa sinapit ng kaanak.

Naglabasan din ang mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, kakilala, at netizens na nanawagan ng mabilis na pag-aksyon upang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng 24-anyos na si Zoleta.

Jayson Zoleta
Photo/s: Screengrab from Facebook / Jayson Zoleta
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumanaw ang 24-anyos na si Jayson Zoleta matapos umanong barilin ng kanyang ex-boyfriend sa isang tindahan sa Lucena City.
PHOTO/S: Jayson Zoleta / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results