PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elizabeth Oropesa on how she handled lewd remarks in the past

Elizabeth Oropesa done with men and relationships.
by Jerry Olea
Published Mar 8, 2026
elizabeth oropesa women's reights
Veteran actress Elizabeth Oropesa on handling lewd remaks from men in the past: “Kaya lang, wala pang social media noong araw. Hindi very vocal noong araw, e. Hindi very vocal. Palihim, ipaparating sa iyo. Ii-invite ka, sasabihing, ‘Wow! Nakaka-L ka!’ So, it depends on how you take it. It depends on who’s saying it.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Naranasan ni Elizabeth Oropesa na bastusin ang kanyang pagkababae.

“Madalas yan noong araw!” bulalas ng premyadong aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng GL movie na I Fell, It’s Fine noong Marso 5, 2026 sa Deer Claus, 11th Jamboree St., Quezon City.

“Kaya lang, wala pang social media noong araw. Hindi very vocal noong araw, e. Hindi very vocal.

“Palihim, ipaparating sa iyo. Ii-invite ka, sasabihing, ‘Wow! Nakaka-L ka!’

“So, it depends on how you take it. It depends on who’s saying it.”

Read: Anne Curtis rejects Bong Suntay’s "non-apology"

Kailan nangyari ang mga pambabastos na iyon, noong 1970s o noong 1980s?

“Seventies and ‘80s. E, nakita mo naman ang dede ko, hanggang dito noong bata ako,” pagmumuwestra ni La Oropesa.

“E siyempre, bumababa na. Ha! Ha! Ha! Ha! Oo, yung Law of Gravity, nanalo na.

“Pero noon, it depends on how you take it talaga, e. Kung guwapo, tapos level kayo, puwedeng sabihin iyan sa iyo na nakaka-flatter ang dating actually.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero kung ang magsasabi sa akin ay politician, parang hindi maganda.”

Merong mga politician na nagsabi?

Mabilis na tugon ni Elizabeth: “Ay! Pagkadami-dami! Susmaryosep!”

crown seven beauties
Crown Seven Beauties: (from left) Beth Bautista, Amy Austria, Elizabeth Oropesa, Lorna Tolentino, Alma Moreno, and Daria Ramirez.

Iba pa ang culture noong 1970s sa pagtrato ng lalaki sa babae?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pananalig ni Elizabeth, “Wala lang social media pero pareho ang culture ng politicians before and now.”

Read: QC congressman, binatikos dahil sa komento kay Anne Curtis

ELIZABETH OROPESA: FROM BEAUTY QUEEN TO SEX SIREN IN THE '70S

Kinoronahan si Elizabeth na Miss Luzon sa timpalak na Miss Republic of the Philippines noong 1972.

Ipinakilala siya sa launching film ni Gloria Diaz na Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa (1974), sa direksiyon ni Celso Ad. Castillo.

Pinauso nila roon ang wet look — walang bra, basa ang puting kamison na hapit sa kanilang katawam.

ang pinakamagandang hayop sa balat ng lupa
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilunsad siya sa Huwag Pamarisan! Mister Mo, Lover Boy Ko (1975) sa direksiyon ni Ishmael Bernal.

mister mo lover boy ko

Naidirek din siya ni Ishmael Bernal sa mga pelikulang Lumapit… Lumayo Ang Umaga (1975), Nunal sa Tubig (1976), at Isang Gabi Sa Iyo… Isang Gabi Sa Akin (1978).

Golden year ng Philippine cinema ang 1976, at marami ang hindi nakaintindi sa Nunal sa Tubig nang ipalabas ito noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
nunal sa tubig
George Estregan, Daria Ramirez, and Elizabeth Oropesa in Nunal Sa Tubig

“It was too ahead of its time, e,” sambit ni La Oropesa.

“Alam mo naman, napaka-ahead ni Ishma, ni Bernal. Yung pelikula na yun, mauunawaan kung ngayon ipinalabas.

“E, noon, hindi pa masyadong into that ang mga Pilipino. So, namimili iyon. It gathered so much awards pero hindi magka-box office.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Elizabeth Oropesa recounts few hours of reign as beauty queen

FIVE DECADES IN THE SHOWBIZ INDUSTRY

Mahigit limang dekada na si Elizabeth sa local showbiz pero aktibo pa siya.

Sa Marso 18, Miyerkules, ang showing ng pelikulang Graduation Day kung saan gumanap siyang lola ni Jeric Gonzales.

graduation day poster

Abril 4, Black Saturday, ang playdate ng I Fell, It’s Fine kung saan bida sina Glaiza de Castro at Rhian Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
i fell it's fine

Hindi lang natuloy sa Sinag Maynila 2026 (Marso 23-29) yung Pura Serbidora nila nina Dolly de Leon at Dexter Doria.

elizabeth oropesa paolo rivero pura serbidora
Elizabeth Oropesa and Paolo Rivera in Pura Serbidora
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Salamat sa Diyos pero isa ako sa napakasuwerteng artista sa generation ko,” saad ni Elizabeth.

“Kasi hindi ako nawawalan ng trabaho. Hindi ako nawawalan ng pelikula or television show. Palaging meron. Hindi nawawalan.”

Iniwan niya ang showbiz noong mid-80s. Iwinaglit niya sa isip ang pag-aartista sa loob ng humigit-kumulang isang dekada.

“Bumalik lang ako dahil nagkaroon ako ng problema sa asawa and we ended up divorcing,” saad ni Elizabeth.

“Pero never kong inisip na babalik pa ako. Akala ko, for life na yon. Willing akong i-give up. Willing akong i-give up ang show business.”

May regrets ba siya sa pagbabalik-artista?

“Ay! Wala! Wala akong regrets. For as long as they still want me,” pagmamatwid ni La Oropesa.

“Ang difference ko lang sa iba, ako palagi may fallback.”

Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat

STILL ACTIVE DESPITE BEING A SEPTUAGENARIAN

Andaming pinagkakaabalahan ni Elizabeth kahit septuagenarian na siya. Nag-i-scuba diving pa ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Two weeks ago! Kada-dive ko lang.”

Sa edad niya, hindi siya natatakot na mag-scuba diving pa rin?

Napailing ang aktres: “Hindi, e. I’m an adrenaline junkie since I was young. Hindi yan nawawala. I love diving.

“Hindi na ako puwedeng mag-skydiving, it’s too expensive. I used to skydive noong late ‘70s. I used to skydive with the Philippine team. Ngayon, scuba diving.”

Hindi lang sa Batangas o Pilipinas nag-i-scuba diving si Elizabeth kundi maging sa Bahamas, Mexico, at iba pang bansa.

“Kadarating lang namin. We have a group of underwater photographers na nagpupunta sa iba’t ibang bansa to dive with sharks.”

Hindi naman nakakatakot na may mga pating?

Natatawang pag-amin ni La Oropesa: “Nakakatakot. Kaya nga magandang gawin, kasi nakakatakot. Hi! Hi! Hi!

“Pag deadma ka lang, kung hindi ka na matatakot, hindi na nakaka-enjoy.”

Read: Elizabeth Oropesa frankly reveals what she regrets not doing when she was young

ELIZABETH OROPESA DONE WITH LOVE

May lovelife pa ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napakunot-noo si La Oropesa: “Putris! Aanhin ko pa yan?! Wala! Ayoko na yan. I don’t need that anymore.

“I mean you know, I’m good. I’m better alone. I can do anything and everything I want to do na walang pressure.”

Sapat na ang mga naranasan at natutunan niya sa pag-ibig para magamit sa kanyang acting craft?

Tumango ang aktres, “Oo. Correct! Doon, doon ko na lang ibinubuhos. Nakakatulong.”

Paano kapag nai-stress siya?

“Pag nai-stress ako, nagda-dive ako. I enjoy what I’m doing,” wika ni Elizabeth.

“Because it sustains me physically, spiritually, and emotionally. And financially.

“Kasi, mahal ang diving, ha? Hindi mura maging diver. Everytime you dive — huwag nang abroad, dito na lang, kalimutan na natin yung Bahamas ko, Mexico ko, kalimutan na natin.

“Yung dito na lang. Everytime you dive, if you don’t want to be with a group, kung dalawa lang kayo, you spend at least 30 to 50 thousand [pesos].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“For the room, for the boat, for the DM. Kasi hindi ka puwedeng magda-dive na wala kang partner din na DM, Dive Master.

“Ganun yun, so you spend. Kahit na 25 thousand man lang, kailangan preparado ka.”

Dalawang beses daw kada buwan daw kung mag-scuba diving si Elizabeth.

May mga nagpapalipad-hangin pa rin ba sa kanya?

“Natural! Divers normally,” pagtatapat ni Elizabeth.

Nasa 40s daw ang karamihan sa mga diver na yon.

“Ayoko naman ng bagets. Saka aanhin ko iyun? Dyusko, gagastusan ko pa?!” sabi ng aktres.

“Mabuti pag diver, kasi ang category ng diver… hindi ka naman puwedeng maging diver kung wala kang datung, di ba?

“Pinaghahandaan kasi bawa’t dive, e. Pinaghahandaan.”

Paano yung mga nagpapahiwatig? Ine-entertain niya, o nakikipagkaibigan na lang siya?

“Hindi! It flatters me. Nakaka-flatter siyempre. Pero wala akong intention magkaroon ng relasyon with anyone,” ani Elizabeth.

“I’m happy with what I’m doing. Mas ine-enjoy ko yung buhay ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, ang paghahandaan ko, yung pag namatay ako. Yung legacy ko.”

Read: Elizabeth Oropesa, ibinulgar ang matagal na lihim na may anak sila ni Dante Rivero

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Elizabeth Oropesa on handling lewd remaks from men in the past: “Kaya lang, wala pang social media noong araw. Hindi very vocal noong araw, e. Hindi very vocal. Palihim, ipaparating sa iyo. Ii-invite ka, sasabihing, ‘Wow! Nakaka-L ka!’ So, it depends on how you take it. It depends on who’s saying it.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results