Engaged na ang aktres at dating beauty queen na si Alyssa Muhlach sa longtime boyfriend nito, ang podcast host na si Chris Young.
Sa Instagram kahapon, March 8, 2026, ibinahagi ni Alyssa ang ilang larawang kuha mula sa engagement party na idinaos sa Concept Space Manila.
Mensahe niya sa caption: "Ten years ago, our story began. Today, our forever begins. [ring emoji] #ChrisandAlyssa"
View this post on Instagram
Ayon sa mga ulat, nagsimula ang relasyon nina Alyssa at Chris noon pang 2016.
Kasalukuyan nilang pinagtutulungan ang pagiging hosts ng podcast na He Said, She Said.
Si Alyssa ay anak ng aktres na si Almira Muhlach at dating basketball star na si Paul Alvarez.
Read: How Alyssa Muhlach and family cope with difficult times
MESSAGES for alyssa muhlach FROM FAMILY, FRIENDS
Sa comments section, bumuhos kaagad ang maraming congratulatory messages mula sa mga kaibigan at kapamilya ni Almira.
Sabi ng kanyang tiyahin na si Arlene Muhlach: "Uy!!! Di ko alam ito ah!!! Congratulations dear yssa and chris!!! Sunod sunod ang kasalan!!!"

Ayon naman sa pinsan niyang si Sandro Muhlach: "FINALLY! SA WAKAS!"

Binati rin si Alyssa ng ilang kapwa beauty queens. Kabilang na rito sina Ruffa Gutierrez, Emmanuelle Vera, Samantha Bernardo, Ariella Arida, at Maureen Montagne.





Read: Benjie at Andre Paras itinangging may video scandal si Kobe Paras
Si Alyssa ay nahirang na Reina Hispanoamericana Filipinas 2018 sa Miss World Philippines 2018 pageant.
Siya ang nag-represent sa Pilipinas sa Reina Hispanoamericana 2018 pageant sa Bolivia.
