Pitong buwan pa lang silang magkasintahan nang mag-propose si Carlo Aquino, 40, kay Charlie Dizon, 29.
Magkakilala na sila mula nang maging co-stars sila sa A Soldier's Heart noong 2020, pero naging magkarelasyon sila noon lamang September 2022.
By April 2023, engaged na ang couple. Ikinasal sila noong June 2024.
Read: Carlo Aquino and Charlie Dizon: A relationship timeline
Sa PEP Exclusives, ikinuwento ni Carlo kung paano niya nalamang si Charlie na ang "the one" para sa kanya.
"I wanted to settle down na din," simula ng aktor.
"Kasi pagod na 'kong makipag-date, to meet new people. Yung papakilala ko na naman yung sarili ko."
Hanga raw si Carlo sa body of work ni Charlie na karaniwang roles ay edgy at hindi typical na romantic leading lady ang peg.
Pero mas nahulog daw ang loob ni Carlo sa kung sino si Charlie sa labas ng trabaho.
Sa interbyu, tinatawag ni Carlo si Charlie sa tunay na pangalan nitong April.
Ani Carlo: "Yung karakter niya, yung being as April, kung paano ko siya nakilala.
"Yung lagi niyang tinatawagan yung family niya kasi nga siya na lang yung mag-isa dito sa Pilipinas. Yung buong family niya nasa Amerika.
"Ako din, very family-oriented."
Dahil alam daw niya kung gaano kahalaga kay Charlie ang pamilya nito, nag-effort ang aktor na bisitahin ang pamilya ng aktres sa U.S. noong October 2022.
Tamang-tama na may show si Carlo sa San Francisco kasama si Gigi de Lana.
"Oo, nagpunta ako nang mag-isa. Kasi nagkaroon kamin ng tour ni Gigi de Lana tapos dumalaw ako [sa family ni Charlie] sa Sacramento.
"Parang nag-drive ako for two hours para mag-spend time, makilala yung family niya," pagbabahagi niya.
Nagpa-pogi points ka?
"Parang ganun!" natawang pag-amin ni Carlo.

Read: Bea Alonzo and Vincent Co set to marry; wedding banns announced at Paco church
CARLO AQUINO ON ASKING FOR CHARLIE DIZON'S HAND IN MARRIAGE
Ikinuwento pa ni Carlo sa PEP na siniguro rin niyang nagpaalam siya sa mga magulang ni Charlie bago siya nag-propose sa aktres noong April 2023.
"Nung naghahanap ako ng engagement ring, tinawagan ko yung... gumawa ako ng group sa Facebook with yung mga sister niya tapos nilagay nila si Mommy Nida.
"Nung una ayaw akong kausapin ni Mommy, kasi nga may ganun siya, e. 'Ano ba yan? Bakit may ganyan?'" kuwento ng aktor.
Diretso at istrikto raw ang dating ng ina ni Charlie noon.
"E, kasi nga parang ang bilis ng mga pangyayari doon, tapos ayaw niyang maniwala na mapaninindigan ko yung mga sinasabi ko," napapangiting balik-tanaw ni Carlo.
"Ngayon, tanggap na tanggap ako ni Mommy. Mahal na mahal ko yung family ni April," diin niya.
Read: Carlo Aquino steps away from “suplado” era; learns to open up

LIFE AS A MARRIED COUPLE
Halos magdadalawang taon nang kasal sina Carlo at Charlie, at masasabi raw ng aktor na mas lumalim pa ang kanilang pagsasama.
Ano ang mga nadiskubre niya kay Charlie?
"Grabe yung resilience niya," mabilis na sagot ni Carlo.
"Kasi may mga nangyari sa amin na siyempre hindi ko na ikukuwento, pero grabe as a person, yung being a woman, yung sobrang saludo ko.
"Kasi yung mga iba magbe-break, magka-crack, sa mga pinagdaanan namin.
"Although siyempre, pinag-uusapan namin yun. Kailangan transparent kami sa isa't isa. Importante yun, e, yung connection."
Mahalaga raw sa kanila ni Charlie na mayroon silang kuwentuhang mag-asawa.
Paliwanag ni Carlo: "Kasi pag nawala na yung kuwentuhan, unti-unting magpe-fade, e.
"So, every night nagkukuwentuhan. Para kaming sitcom sa gabi.
"Yung minsan maiiyak kami. Minsan magtatawanan lang kami ng ano. 'Love, maaga pa ako bukas. Tumigil ka na.'
"Tawa kami nang tawa. May ganun. Para kaming tropa. Para kaming best friends."
Sa huli, tinanong ng PEP kung handa na ba sina Carlo at Charlie na bumuo ng sariling pamilya.
Sagot ng aktor, "Oo naman, gusto na rin namin magkaroon ng sariling family."
Watch full interview of Carlo Aquino on PEP Exclusives here:
